"Baby, may sasabihin ako sa iyo. Pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Hiyasmen kay Adriana Angel. "Yes mommy, ano po 'yon?" tugon ni Adriana Angel. "Naalala mo dati may nae-kwento ka sa akin, na nalimutan ka pansamantala ni daddy?" tanong muli ni Hiyasmen sa anak. "Opo," "Alam ko matalino at maiintindihan mo si mommy. Anak, si daddy kasi may sakit, ang sakit ni daddy ay minsan nakakalimutan niya ang mga bagay bagay. Kaya anak, kung sakaling man na makalimutan ka niya minsan huwag kang magagalit ha, huwag kang iiyak. Ang tangi mo lang gawin ay alagaan siya, painumin mo siya ng gamot niya ha. Para maalalala ka niya ulit? Ok ba anak?" paliwanag ni Hiyasmen. "Ok po mommy," tugon ni Adriana Angel. "Salamat anak, salamat sa pang unawa. Kaya natin 'to." Niyakap ni Hiyasmen si Adriana

