Naghilamos ng husto si Hiyasmen sa kanyang mukha dahil kanina pa kumakatok ang kanyang anak sa pinto. "Why baby?" tanong ni Hiyasmen kay Adriana Angel. "Kasi ang tagal mo eh. Nagugutom na ako mommy," saad ni Adriana Angel kay Hiyasmen na napapakapit pa ito sa kanyang tiyan. "Halika ipaghahanda kita ng makakain mo, ano bang gusto ng baby ko?" Binuhat ni Hiyasmen si Adriana Angel at dinala sa dinning area. "Kahit ano po, basta masarap." Ngumiti si Adriana Angel sa kanyang ina. "Manang mana ka talaga sa akin anak, walang pili sa pagkain." Pinisil ni Hiyasmen ang pisngi ni Adriana Angel. Agad naman pinagluto ni Hiyasmen si Adriana Angel ng creamy carbonara. ******* "Hi, good day," bati ni Adrian kay Hanna na naka upo ito sa sofa kaharap ang laptop. "Oh?? Ikaw lang? Asan ang pam

