"Hi... Na miss n'yo ako?" bungad ni Hiyasmen sa condo pagkarating niya. Pero napawi ang kanyang ngiti ng madatnan niya si Adrian at ang kanyang anak na natutulog sa sofa. Nakatulog na pala ang mga ito sa kakahintay sa kanya. "Para talaga kayong kambal, magkamukhang magkamukha. Iisang kulay, iisa ang shape ng mukha at ilong, sarap ninyong pagmasdan." Napangiti si Hiyasmen ng lumapit sa kanyang mag ama. Ang ganda kasi ng position ng mag ama dahil nakatulog si Adrian sa sofa na nakaupo habang si Adriana Angel ay naka kalong na nakayakap sa ama at nakatulog na rin ito. "I love you," bulong ni Hiyasmen kay Adrian at hinaplos pa nito ang pisngi ni Adrian. Pero nagulat na lang si Hiyasmen dahil kinabig siya ni Adrian at niyakap. Napahalik tuloy si Hanna sa labi ni Adrian. "I love y

