Closure

1510 Words
CHRIS Masigla akong naglakad papunta sa tinukoy na department store ni Calai. Weekend ngayon, pero hindi naman ako napapansin ng mga tao kaya wala namang pumipigil sa akin para magpa picture. Mabuti na lang rin dahil sabik na akong makita si Calai. Papalapit na ako nang makita ko siyang may kausap na lalaki. Biglang bumagal ang mga yapak ko habang pinagmamasdan ko sila. Matangkad ang lalaki, medyo mahaba ang buhok, at di maikakaling gwapo rin. Kita ko ang lungkot sa mata nilang dalawa, magkakilala kaya sila? Nagulat ako nang hawakan ng lalaki ang kamay ni Calai, kaya nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating sila. Hinawakan ko sa likod si Calai na bahagya niyang ikinagulat. “Hi,” bati ko sa kanya. “Chris, buti nandito ka na, tara?” may ngiting sabi ni Calai. “We’ll go ahead, Jonas,” paalam ni Calai sa lalaki, “Calai can I text you?” “Nagpalit na ako ng number.” “I know.” May pait sa tono, at lungkot sa mata na tumalikod ang binata at naglakad papalayo. Humarap naman sa akin si Calai na may matamlay na ngiti. “Si Jonas…” tukoy niya sa binatang kaaalis lamang. Hindi naman ako nagtanong. Kung magkukwento siya ay makikinig lamang ako. Sa isang steak house ko dinala si Calai for our lunch date. Grabe pala kumain itong babaeng ito! “Na turn off ka ba sa lakas ng appetite ko?!” tanong ni Calai nang makita ang pagka mangha sa mukha ko. Natatawa tawa pa ito. “Sus eh ako rin naman malakas kumain!” sagot ko naman. Ito ang isa sa mga gusto ko kay Calai, ang pagiging totoo niya. Hindi siya nahihiyang ipakita kung gaano siya kalakas kumain pati kung ano ang mga bagay na kinahihiligan niya. “Si Jonas yung kanina,”panimula niya. Tumaas naman ang kilay ko na tila ba nagtatanong. “Yung ex ko.” Yumuko siya habang sumisipsip sa straw ng iced tea. Tila ba nawala ito pansamantala sa lalim ng inisip. Kaya pala ganoon na lang ang tinginan nila, siya pala yung jerk ex-boyfriend. At gusto pa talaga siyang itext ulit ha! Kinakabahan yata ako. Paano kung mahal pa rin siya ni Calai… “I successfully avoided him for seven years. Tapos dito pa pala kami magkikita. Dito kami madalas mamasyal noon. Kaya medyo matagal rin bago ako nakabalik dito sa mall na ito. Hindi ko naman akalain na sa few times na maisipan kong bumalik dito eh saka pa kami magku krus ng landas,” pait na tawa ang lumabas kay Calai. “At alam niya ang bago kong number ha! Samahan mo kaya ako, magpapalit ako ulit ng number…” diretso ang tingin sa akin ni Calai. “Gusto mo ba? Sa tingin mo ba guguluhin ka pa niya?” “Hindi ko alam. Wala naman akong balita sa kanya eh. Ang alam ko lang hindi rin naman sila nagtagal nung babae sa kama niya. Yun kasi yung isang bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya, kaya sabi ng mga kaibigan niya, hinanap niya daw sa iba.” Paiyak na si Calai nang sabihin iyon, halatang hindi pa rin nawawala ang sakit sa kanyang puso. Tumayo ako at tumabi kay Calai, at marahan ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa tshirt ko. “Hinding hindi ko gagawin sa iyo ang katulad ng ginawa niya, Calai,” bulong ko sa kanya. CALAI Hi Calai, are you free today? Maybe we can have coffee. Unknown number Matagal na nakatitig si Calai sa text na natanggap niya from an unknown number. Alam niya namang si Jonas ito. Hindi niya alam kung bakit bigla naman itong nagparamdam, eh nagkita lang naman sila by chance sa mall. Hindi niya alam ang isasagot. Gusto niya pa rin ba talaga marinig ang paliwanag ni Jonas gayung pitong taon na ang lumipas? Tiyak niya namang wala na siyang pagmamahal para sa binata, pero hindi niya alam kung bakit nga ba tila apektado pa rin siya. Siguro nga ay closure ang kailangan niya para na rin tuluyan niya nang ma let go ang nangyari at makapag move on na siya. I’ll be out by 4pm. I can meet you in a nearby coffee shop. Calai That would be great, I’ll see you there. Jonas Okay. Calai Hindi halos nakapag trabaho ng maayos si Calai pagkatapos noon. Hindi niya alam kung hihilahin niya ang oras para matapos na ang pagkikita o pahihintuin para tuluyang hindi matuloy. JONAS Dali dali akong nag prepare para sa pagkikita namin ni Calai. Magmula noong umalis siya sa apartment seven years ago, ay milagrong hindi talaga nagku krus ang landas namin. Tuwi kasing may party sa tropa, sinisigurado niyang wala ako bago siya dumalo. Minsan naman, kahit anong pilit kong humabol sa tambay, eh hindi pa rin kami nagpapanagpo dahil mas maaga naman siyang umuuwi. Ang laking pagsisi ko sa nagawa ko kay Calai. Hindi na ako nagkaroon ng matagalang girlfriend after her. Lahat kasi ng qualities niya, yun ang hinahanap ko. Totoo nga yung kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Kung sana naging matiyaga ako, at hindi nagpadala sa tawag ng laman, kami pa rin sana ni Calai hanggang ngayon, baka nga asawa ko na siya at may mga supling na kami. Maagang dumating si Jonas sa coffee shop, humanap ng medyo tagong pwesto. Gusto niyang makausap ng masinsinan si Calai, once again, gusto niyang ma solo ang dalaga. Umorder na siya ng kape at tubig bago umupo. “One iced latte, one caramel macchiato, and 2 water, for Sir Jonas,” tawag ng barista. Caramel macchiato ang alam niyang paborito ni Calai, sana hindi pa rin nagbabago. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang pinakahihintay. Naglakad papalapit sa kanyang table nang mahanap siya ng paningin. CALAI Dahan dahan akong naglakad palapit sa table kung saan naroon si Jonas. Gwapo pa rin siya. Hindi ko maipaliwanag ang dagundong ng dibdib ko. Bakit kinakabahan ako. Mahal ko pa rin ba siya. Ngumiti ako at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Iniabot niya naman sa akin ang tasa ng paborito kong caramel Macchiato. Alam niya pa rin pala, pati na ang isang mug ng ice cold water. “Salamat, Jonas,” wika ko. “Bakit mo nga pala ako gustong makausap?” direcho kong tanong sa kanya. “I just want to say sorry, for everything. I never had the chance, you never gave me a chance.” “Because you don’t deserve it.” “I know. And I regret everything, all the things that I did to you. I’m sorry dahil alam kong hindi naging madali sa'yo ang lahat. Alam ko na na extend ka ng isang sem dahil hindi ka nakapag concentrate, at alam ko ring hindi ka napakapag pursue ng masters degree dahil nawalan ka ng kumpiyansa sa sarili mo. I would do anything to take the moment back, to resist the urge of temptation, to have you back.” Hindi ko napansin na tahimik na pala akong lumuluha nang marinig ko ang mga sinabi ni Jonas. Pinunasan ko ng sarili kong panyo ang mukha nang makita kong hahawiin niya ang mga luha ko ng kanyang palad. “That was the most painful experience I ever dealt with. The person who I trust and love the most, the people who I called friends, they betrayed me. Nawalan ng kumpiyansa would be an understatement. I started questioning myself. Was it only s*x that was lacking in our relationship? O baka naman nagkulang ako sa pag alaga sa'yo. Naging busy ba ako masyado nung nag college tayo, mas dapat ba na sumama na lang ako sa apartment niyo para araw araw nagkikita tayo. I questioned my worth, as a woman, as a person, and as a friend. Bakit mas pinili rin ng mga kaibigan natin na pagtakpan ka. Eh nauna ko silang maging kaibigan kaysa sa'yo. Pare pareho siguro kayong ganun ang ginagawa kaya walang nangahas na magsumbong sa akin.” Nanginginig ang boses ko at hindi ko na rin napigilan ang tuluyang pagtulo ng mga luha na kumawala sa akin. Malaya kong inihayag kay Jonas ang sama ng loob ko. “I made myself busy, kahit bumaba ang grades ko, I made sure na hindi ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. Still, may mga hinabol akong subjects. I’ve always been supportive and understanding. Tell me Jonas, anong naging pagkukulang ko? s*x lang ba ang basehan ng relasyon?” Kalmado na ako sa puntong ito. Siguro dahil nailabas ko na ang pitong taon kong kinimkim. Inabot ni Jonas ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa, hinalikan ang likod ng mga palad ko at lumuha, “I am really sorry, Calai. There’s no justification for what I did. You are perfect, you are everything a guy could ask for. Ako ang naging mahina, ako ang may problema. I want you back, Calai. I’ll make myself worthy of you again. Please give me a chance.” pagsusumamo ni Jonas. “I’m sorry Jonas, but I can’t trust you anymore...” at unti unti ko nang kinuha ang mga kamay ko sa kanya. Pinahid ko ang mga luha, umupo ng maayos, inubos ang kape, at tuluyan na akong nagpaalam kay Jonas. Nagpasalamat ako sa kanya sa oras na inilaan niya. Ito nga ang kailangan ko, closure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD