Too good to be true

2111 Words
CHRIS Kanina pa ako nag aalala dahil hindi sumasagot si Calai sa mga texts ko. Baka naman busy lang, kaya lang ay kanina pa tapos ang trabaho niya. Baka naman lowbatt. Nahihiya naman akong tawagan. Inabala ko ang sarili sa pagsusulat ng bagong kanta, pati na rin ang pag aral ng mga kantang icocover namin. Ilang taon na rin kaming tumutugtog, pero sadyang maswerteng marami pa rin ang sumusubaybay sa amin. Palaging puno sa bistro, sold out concerts, at matao kapag may mall performances kami. Hindi ito ang bread and butter naming magkakaibigan, pero ito ang escape namin sa lahat ng stress sa trabaho. Masaya ako sa pagkakaibigan namin na nabuo mula pa noong highschool kami. Paminsan may tampuhan, pero tulad ng magkakapatid, mabilis rin namang lumilipas. Ngayong gabi ay sasabihin ko na rin sa mga ka banda ko na si Calai ang mystery fan na matagal ko nang hinahanap. Tutal naman ay pormal na rin ang panliligaw ko sa kanya. “Guys, I want to confess something. Si Calai si mystery fan,” banggit ko sa mga kaibigan. Hiyaw lang ang isinagot nila at isa isa akong kinamayan. Si Lee naman ay tinapik ako ng malakas sa balikat, “kaya naman pala iba talaga ang tama mo pre! Pupunta ba si Carla ngayon? Malapit na mag start ang set ah.” “Hindi pa nga sumasagot eh. Nag aalala na ko. Kahapon pa siya hindi nag rereply sa mga texts ko. Kagabi hindi rin siya sumagot sa tawag ko. Baka may nangyari sa kanya...” may pag aalala sa boses ni Chris. Naisip niyang puntahan si Calai sa umaga, dadalhan niya na rin ng breakfast. Magmula nang magkausap sila Calai at Jonas ay bahagyang naapektuhan ang dalaga. Hindi niya sinasagot ang mga text ni Chris, maging ang tawag nito. Pakiramdam niya ay magkakasakit siya, dulot ba ito ng stress o dahil lamang sa nagpapalit na panahon. Tiyak niya namang hindi niya na mahal si Jonas, ngunit sa pagkakataong ito ay napapaisip siya kung tama pa nga bang bigyan ito ng pagkakataon. Pero hindi niya rin maikakaila na unti unti nang nahuhulog ang damdamin niya kay Chris. Nagpasya si Calai na tumungo na lang rin sa gig kahit pa masama ang pakiramdam. Madalas naman ay bumubuti ang lagay niya niya kapag napupunta sa ibang environment. Second set na ng banda nang dumating siya, at sa bar dumirecho. Kahit palagi siyang sa lamesa ng banda sa gilid ng stage umuupo, nahihiya naman siyang dumiretso doon nang walang imbitasyon. Nakaubos siya ng isang bote ng beer nang mabilisan, atsaka umorder ng isa pa. Dalawang bote lang ang limit niya dahil uuwi pa siyang mag isa ng Laguna. Feeling niya ay hindi naman siya napapansin ni Chris kaya inenjoy niya na lang munang makinig at mag relax. Tama nga siya dahil nang matapos ang set ay hindi siya pinuntahan ni Chris, ngunit nagulat siya nang tumunog ang kanyang telepono. “Hello.” “Calai, I’m sorry, I hope I’m not disturbing you.” “You’re not, I’m here by the bar.” Biglang nasa likod niya na si Chris at mataman siyang ininspeksyon. “Are you okay? You’re not answering my texts, my calls. May nangyari ba sa’yo Calai? May masakit ba?” Pag aalalang tanong ng binata. Hinawakan ang kamay niya, at dinama ang noo nang maramdaman na siya ay mainit. “Nilalagnat ka ata,” sabi ni Chris. “Hindi naman, medyo masama lang ang pakiramdam ko. Pero okay naman ako, salamat.” Niyaya na siya ni Chris na lumipat sa kanilang lamesa. Sinaluhan niyang kumain ang dalaga nang malaman niyang hindi pa pala ito naghahapunan. Inabutan niya na rin ng paracetamol dahil tila malamlam ang mata ng dalaga, namumula ang pisngi, at lalo pa yatang uminit ang katawan. Pinahiram niya na rin ng kanyang jacket dahil nagsimula nang lamigin si Calai. Natapos na ang gig, at nagpumilit pa rin si Calai na mabuti ang pakiramdam niya, kaya inihatid na ni Chris sa sasakyan. Hindi pa rin mapakali si Chris kaya naman sumakay na rin sa kanyang kotse para sundan ang dalaga, ngunit bago pa niya mai-start ang kotse ay narinig niya ang pagsigaw ni Kim na humihingi ng tulong. Dalawang araw nang nasa ospital si Calai mula nang itakbo ni Chris. Dengue fever ayon sa doctor, at may namumuo na ring pneumonia kaya mabuti na lang nadala agad sa ospital at naagapan. Mahinang mahina ang katawan ni Calai, magdamag lamang siyang tulog at hirap ding makakain dahil nahihilo ito. Yes Tito, she is okay naman po. No more fever since last night and her platelets are starting to increase. She’s taking antibiotics for her pneumonia as well. Chris Salamat hijo, for being with Calai. Alam kong may trabaho ka rin. Papupuntahin ko ang Tita niya para naman may kahalili ka sa pagbabantay. Mr. Vergara No problem po Tito. Ako na po ang bahala dito. Nadalhan na rin ng damit ni Tita si Calai, at sinabi ko pong itetext ko rin siya palagi for updates. Chris Okay Chris. Hindi ko alam kung bakit pa kasi nagpakita yang si Jonas eh. Na stress tuloy si Calai, at ayan nga, nagkasakit. Mr. Vergara Nagpakita? Hindi alam ni Chris ang tinutukoy ng matanda dahil wala namang nakukwento si Calai. Ngunit hindi naging maganda ang dating nito sa kanya. Kaya ba hindi nagreply si Calai sa kanya nitong mga nakaraang araw? Nag usap kaya sila? Nagkabalikan? Kinakabahan si Chris. Pero hindi ito importante sa ngayon. Ang mahalaga ay maalagaan niya si Calai hanggang sa makalabas ito. CALAI Sobrang bigat ng ulo ko nang magising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa akin. Nagulat din ako na may suwerong nakakabit sa kaliwang kamay ko. Anong nangyari? Bakit ako nandito sa ospital? Anong araw na ba? Napalingon ako sa sofa na nasa gilid, at nakita si Chris na natutulog. Nakakaawa naman, hindi siya kasya sa sofa, kailan pa kaya siya nandito? Tila naman naramdaman ng binata ang paggalaw niya kaya nagmulat ito ng mata, at lumapit sa kanya nang makitang gising nga ito. “Kumusta? May masakit pa ba sa’yo? Nagugutom ka ba?” “Anong nangyari Chris?” “Hinimatay ka nung hinatid kita sa kotse mo after ng gig. Mabuti na lang at hindi ka rin iniwan agad ni Kim. Sabi ko naman kasi sa’yo ihahatid na kita. Nung dinala kita dito, they ran laboratory tests, and may dengue fever ka, plus mild pneumonia. Hindi ka pa kumakain, halos 2 days na. Gusto mo ba ng soup? Teka bibili ako.” hinawakan ko ang kamay ni Chris, “Salamat, Chris.” Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit. Niyakap naman ako ni Chris at hinalikan sa ulo. Naitulak ko siya, at kita ang gulat sa mukha niya. “Ano, kasi, nakakahiya. Ilang araw na akong hindi naliligo. Sorry” Napayuko ako at narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Chris. “Mabango ka pa rin.” wika niya. Lumabas sandali si Chris para bumili ng pagkain, kaya sinamantala ko na rin na makapag shower, toothbrush at palit ng damit. Tinulungan niya naman akong makakain nang makabalik siya. “Hatid na kita ha, yung kotse mo, yung driver ko na ang magdadala, don’t worry.” “Chris nakakahiya naman sa’yo, pati yung hospital bill ko bakit naman ikaw pa ang nagbayad, ikaw na nga nagdala at nagbantay sa akin dito. Sobra sobra naman na, nakakahiya.” “Maliit lang naman ang binayaran ko kasi may healthcard at insurance ka naman eh.” ngiti naman niyang sagot sa akin. Lumapit si Chris sa may tabi ng kama kung saan ako nakaupo. Hinawakan ko ang isang kamay niya, at minuwestra na maupo sa tabi ko. “Sorry ha kung pinag alala kita. Nagkita kami ni Jonas last week. Sa isang coffee shop. Nag usap kami. Nag sorry siya. Nailabas ko lahat ng laman na sakit ng puso ko.” Hawak ko ang kamay ni Chris habang sinasabi ko yun sa kanya. CHRIS “Nagkita kami ni Jonas last week...” Medyo kinabahan ako nang banggitin yun ni Calai. Hindi ko siya tinatanong, dahil gusto ko ay sa kanya mismo manggaling kapag ready na siya. Isa sa napansin ko kay Calai ay hindi rin naman siya malihim, ngunit hindi rin agad nagkukwento. Naghihintay ng tamang tiyempo, kumbaga. Nagpatuloy siya sa pagkukwento ng napag usapan nila. At sinabi niya nga na humihingi ng isa pang pagkakataon si Jonas. Tila ba nanikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung ano ang isinagot ni Calai, dapat ko bang tanungin? “Hindi ko na siya mahal, Chris. Napatunayan ko yun nung magkaharap kami. Hinawakan niya ang kamay ko, pero talagang wala na akong naramdaman. If at all, I felt peaceful. Sorry ha, mga ilang araw din kasi nag linger sa isip ko yung pag uusap namin, napabalik ako sa mga nangyari, pati yung process ko ng pag move on. Nag disconnect ako sa mundo ng ilang araw. Hindi ko naman sinasadya na pati sa iyo.” May lambing na wika ni Calai. Hinalikan ko ang noo niya at nginitian, “Tara na, hatid na kita.” Pagbalik ni Calai sa school ay may magandang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng table niya. Sabi ng secretary, mag nagpadeliver daw noong umagang iyon. I hope you are feeling better today, Calai. “Napaka sweet naman ni Chris, magkasama lang kami hanggang kagabi,” naisip ni Calai. Nilagay niya ito sa isang vase na nakatabi sa cabinet. Nag text naman ito agad kay Chris para magpasalamat, at nagulat siya nang tumawag pa ito. Sinabi ng binata na hindi sa kanya galing ang bulaklak, na ipinagtaka naman ni Calai. Naisip niya na lang na baka galing sa kanyang co-teachers o sa principal. Hindi niya na pinansin, bulaklak lang naman iyon. Kinabukasan ay may isang bouquet ulit siyang nakita sa ibabaw ng table. Mas malaki at mas marami itong bulaklak ngayon. Kung kahapon ay puro puting roses, ito naman ay iba’t ibang matitingkad na kulay ng tulips. Walang nakasulat sa card, ngunit nakita naman ni Calai ang contact number ng flower shop. Naisip niyang tawagan yon para malaman kung kanino galing ang mga bulaklak. CHRIS Halos maibato ni Chris ang mga hawak na papel nang makausap si Calai, na ikinagulat naman ng mga kasama sa opisina. “May nagpadala daw ng bulaklak kay Calai!” Sigaw nito. “Easy pre, bulaklak lang yun. Baka naman kaibigan o principal ang nagpadala,” sagot naman ni Martin, ang pinaka mahinahon sa kanilang lahat. “Iba ang kutob ko pre. Umaaligid yung jerk na ex ni Calai. Feeling ko siya yun.” “Eh di higitan mo! Padalhan mo ng mas malaki, mas magandang bouquet! Samahan mo pa ng kahon kahong chocolates!” Buwelta naman ni Lee. Maloko si Lee, pero alam niya kung gaano ka seryoso ang kaibigan sa panliligaw nito. Maghapong tahimik si Chris. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Natatakot siya na manalo ang namagitan kila Jonas at Calai, at magsimula sila ulit. CALAI Sa buong linggo ay nakatanggap si Calai ng iba’t ibang bouquet ng bulaklak, noong Miyerkules ay pink carnations ang ipinadala, noong Huwebes ay Stargazer Lilies, at Sunflower naman noong Biyernes. Tinawagan ni Calai ang flower shop ngunit ayon sa kanila ay hindi nila pwedeng idisclose ang customer information. Hindi alam ni Calai ang mararamdaman. Nahiya siya nang sabihin niya kay Chris tapos hindi naman pala siya ang nagpadala. Ano na lang ang iisipin ni Chris sa kanya, na tumatanggap siya ng iba pang manliligaw. Sumagi rin sa isip niya na baka si Jonas. Pero malinaw niya namang tinanggihan ang binata para sa hinihinging pagkakataon. Tatanungin ko ba? Paano kung hindi naman pala siya ang nagpapadala? Dahil kung siya, madali lang namang sabihin na tumigil na. 3RD PERSON Noong sumunod na linggo ay wala na ring natanggap na mga bulaklak si Calai, kaya napanatag na rin ang loob niya. Bumalik na rin ang sigla ng kanyang katawan, pati ng kalooban. Madalas na ulit silang magka text ni Chris, at magkausap sa gabi bago matulog. Paminsan ay pinadadalhan ni Chris ng lunch si Calai, o kaya naman ay donuts. Hindi na muna pinapunta ni Chris sa kanilang gig ang dalaga para hindi ito mabinat, ngunit inatasan niya si Kim, ang parking boy, na mag live sa kanilang social media account para mapanuod pa rin ng talaga. Kung tutuusin ay perfect boyfriend itong si Chris. Mabait, magalang, masipag, talented, supportive, at ubod ng gwapo. Kaya naman hindi maiwasan ni Calai na mag alinlangan dahil aniya, too good to be true.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD