MARTIN Nagulat kaming lahat nang makita si Jenny sa bistro. Siya ang ex ni Chris na matagal nang nasa America. Umuwi raw ito kamakailan dahil namatay na ang mother niyang inaalagaan doon. Ang huling balita namin ay may nobyo na ito at ikakasal na rin. Mabuting magkaibigan pa rin naman sila ni Chris, maging naming lahat kaya wala namang problema na nandito siya. Binati ko siya, at niyakap niya naman ako. “Hi Mart! Long time no see! Grabe, parang walang nagbago sa inyo,” masayang wika ni Jenny. “Kumusta Jen? Are you here for a visit o for good?” tanong ko naman. Umikot siya sa lamesa at umupo sa tabi ni Chris. Wala pang masyadong tao dito sa bistro kaya tahimik pa kaming makakapag kuwentuhan. Nalaman naming hiwalay na rin pala si Jenny sa kanyang boyfriend at nandito lang sa Pilipinas ng dalawang linggo para bisitahin ang dati nilang bahay na ipapa renovate niya para maging paupahan. Ayaw daw kasing ipabenta ng kanyang ina dahil sa mga alaala at para raw kapag maisipan ni Jenny na dito mag retire. Masayang nagkukwentuhan ang grupo nang matanaw ko si Calai sa may pinto. Didiretso na ito sa bar nang makita ako at pinalapit sa aming lamesa. Napaka pormal nitong babaeng to. Hindi siya nangunguna, palagi niyang hinihintay na imbitahin siya sa table ng banda, kaya naman mataas din ang respeto ko sa kanya. Alam kong nakita niya na ang isa pang babae sa table namin, at hindi ko mawari ang kanyang ekspresyon dahil nakita niyang nagtatawanan sila Jenny at Chris, nagbubulungan pa. Ni hindi nga siya napansin ni Chris na dumating.
CALAI Nakita kong kumakaway sa akin si Martin kaya naman lumapit na ako sa kanila. May isa pang babae doon, katabi ni Chris. Aba, comfy silang nagtatawanan at nagbubulungan. Usually eh si Chris ang nag aabang sa akin kapag may gig sila. Pero kaya pala hindi sumasagot sa text ko ay dahil may kausap na iba. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, naiinis ba ako. Bakit, eh hindi ko pa naman siya sinasagot, kaya libre pa rin naman siyang makipaglandian sa iba. s**t, landian. Hindi naman malandi si Chris, sa pagkakaalam niya. Pero iba ang tinginan nila nitong babae, para bang matagal na silang magkakilala. Umupo ako sa kabilang dulo kung saan sila naroon, tinabihan naman ako ni Martin sa aking kanan, at si Lee sa aking kaliwa. Magkaharap kami nung babae at sa kanyang tabi naman ay si Chris. Binati naman ako ni Chris at ipinakilala, Jenny pala ang pangalan niya. Kaibigan daw nila. Pero mukhang kay Chris siya pinaka close. Matagal na raw nang huli silang nagkita. Kaya naman pala. Hinayaan ko na lang, para makapag catch up naman sila, dahil balita ko rin ay 2 weeks lang ang dalaga. Si Martin ang kausap ko buong gabi tuwing break nila sa set. Pagkatapos kasi ng first set nila, uupo sana sa tabi ko si Chris ngunit tinawag siya ni Jenny, hindi niya naman matanggihan kaya sinabi ko na okay lang. Pero ano ba itong nararamdaman ko, nagseselos ba ako? Hay naku Calai, itigil mo na nga yan. “Nagustuhan mo ba ang second set?” tanong ni Martin. “Oo, Mart, ang sipag niyo mag practice ng bagong covers ah,” sagot ko naman, “Over the years marami na rin naman kaming nabubuong covers, kaya pina-practice lang namin tapos pili lang kami para iba iba pa rin kahit papano tuwing gig. Isa lang naman ang consistent na hindi pwede mawala sa set list eh,” makahulugang sabi ni Martin habang nakatitig sa akin. Bahagya naman akong yumuko at nangiti sa sinabi niya. Pansin ko sa gilid ng aking mga mata ang panaka nakang pagsulyap ni Chris sa amin. Tila nawawala na ang atensyon niya sa babaeng kausap. Napalingon ako nang ipatong ni Lee ang braso sa sandalan ng upuan ko, “Kumusta ka Carla? Sorry ha at di man lang kami nakadalaw nung nasa ospital ka. Ito kasing si Chris tuliro noon kaya hindi na rin muna namin pinapasok sa opisina,” banggit niya. “Naku pasensya na naabala ko pa ang trabaho niyo...” nahihiya kong wika. “Wala yun. Ganyan talaga mag alala si Chris, parang noong sila pa ni Jen.” Natulala ako sa sinabi ni Lee. Kaya naman pala close na close sila, ex pala siya ni Chris. Come to think of it, ako naikwento ko na kay Chris ang tungkol sa ex ko, pero wala akong alam tungkol sa mga naging babae sa buhay niya
CHRIS “s**t, pre, hindi alam ni Calai na ex ko si Jen,” gulat na sabi ni Chris kay Lee nang sila na lang ang maiwan sa bistro. “Sorry pre, hindi ko naman alam. Tsaka wala naman sigurong masama na malaman ni Carla na ex mo si Jen. Isa pa hindi ka pa rin naman niya sinasagot. Kung nagselos man siya, eh di ibig sabihin affected siya, may something talaga,” pang aasar pa ni Lee habang nakangiting nakatingin sa akin. Kaya siguro biglang hindi naging kumportable si Calai pagkatapos nilang mag usap ni Lee, at agad na nagpaalam pagkababa pa lang namin ng stage nang matapos sa last set. Ni hindi na nga nagpahatid sa kotse niya at nandun naman daw si Kim, naka abang na sa kanya. Hindi ko halos nakausap si Calai buong gabi dahil kay Jen, tapos malalaman niya pa na ex ko ang kausap ko, at hindi pa mismo sa akin nanggaling. Hay paano ba ito.
CALAI “Ms. Vergara, the school’s family day will be 2 weeks away. I know that you are good friends with the vocalist of a famous band, do you think we can have them play at the program? Just submit the proposed fee to the organizing committee, so we can check if we can afford them even for a few songs,” saad ng principal kay Calai habang nagmi-meeting sila. Huwebes noon, kaya naisip niyang diretso nang tanungin si David, and manager ng banda. Sana mabigyan sila ng discount, at sana ay hindi pa booked ang Friday nila na yun. Maaga akong nakarating sa bistro, at sakto ngang nandun na si David, bakante pa naman daw ang Friday na yun, pero icoconfirm niya sa banda pag kumpleto na. Napalingon ako nang bumukas ang pintuan, si Chris kasama si Jenny, nakahawak sa kanyang braso. Agad na tinanggal ni Chris ang kanyang braso sa pagkakapit ni Jenny nang makita si Calai, at agad na nilapitan ang dalaga. “Nandito ka na pala, bakit hindi ka nagtext na papunta ka na?” tanong ng binata. “Ah nakalimutan ko na, maaga akong umalis ng school, may tinanong din kasi ako kay David.” mahinang sagot ko. Lumapit na ako sa bar, hindi ko na nilingon si Chris. Nag order na muna ako ng kape at nilabas ang mga folder na kailangan kong ireview. I’ll make it seem that I’m busy para hindi na ako lapitan ni Chris.
CHRIS “Guys, two weeks from now, may family day sa school nila Carla, the principal is asking if you are free to play on that day, at nagtatanong ng talent fee,” wika ni David nang makumpleto na kami sa table. Sa bar pinili ni Calai na mag stay, may kailangan daw siyang basahin na mga reports, pero feeling ko iniiwasan niya ako dahil nakita niyang nakahawak sa braso ko si Jen. Tipid ang mga reply sa akin ni Calai lately, maging sa gabi kapag nag uusap kami ay hindi siya nagkukwento tulad ng dati. Hindi ko naman siya masisisi, hindi sa akin mismo nanggaling na ex-girlfriend ko si Jen, at hindi rin ako nagkaroon ng chance para magpaliwanag, naduduwag na naman ako, kahit wala naman akong ginagawang masama. O baka yun lang akala ko. Baka iniisip niyang nagkakamabutihan kami ulit ni Jen kaya umiiwas siya. “Bawas mo na TF ko, David,” sabi ko sa manager namin. “Ako rin,” sambit ni Martin, “Same,” sabi ni Lee, “Ako na rin,” hirit naman ni Jad. “Get your percentage na lang David, para ma prepare ni Calai ang proposal niya,” wika ko naman. “Actually okay lang kahit free na, basta ipapasyal tayo ni Calai at pakakainin after,” sagot naman ni David habang nakangiti kay Calai na papalapit na sa lamesa namin nang tawagin ni Lee, “Oo ba! Sa bahay na kayo mag dinner, gusto niyo dun na rin kayo matulog, maraming extra rooms sa bahay,” masiglang sagot naman ng dalaga. “Uy sama ko!” napalingon ang lahat kay Jenny. “Sure, no problem,” si Calai na ang sumagot dahil napatingin rin sa kanya ang banda.
3rd PERSON POV Maagang dumating sa school para sa program ang bandang Before Sunrise. At dahil nga libre, masayang masaya naman ang principal at nagpa handa na lamang ng breakfast at snacks sa holding area nila. Pero dahil may mga booth, games at rides, naisipan na rin ng banda na libutin ang school grounds. Wala namang masama kung makihalubilo sila sa mga estudyante at mga pamilya nila. May ilang nagpa picture lang rin na kanila namang pinagbigyan. Nandoon din si Calai, binigyan sila ng tour sa mga department buildings, sa administrations office, sa library, sa canteen, sa gymnasium at sa open grounds. Palaging nakadikit si Jenny kay Chris, kaya naman hindi nagkakaron ang binata ng pagkakataon na makausap si Calai. Nakikita niyang nakangiti ang dalaga pero kapag nasa malayo siya ay napapansin niyang malalim ang iniisip nito. Paano naman kasing hindi, ex girlfriend niya ang kasama niya. “Jenny, si Calai, siya ang nililigawan ko ngayon,” banggit ni Chris. “Chris, I’m sorry I didn’t know. Palagi pa naman akong nakadikit sa’yo. But the last few days that we are together, I can still feel that we have this connection. And it made me want to extend my stay here. I want to spend more time with you, Chris.” “I’m sorry, Jenny. I am still here for you, but as a friend. I respected your decision to break up when you left, even when I told you pwede naman tayong LDR. So please, I hope you’d also let me be happy, with Calai.” “I will try, Chris.” Malungkot na sagot ni Jenny.
Nang lingunin ni Chris si Calai, nakita niyang may kausap itong lalaki. Si Jonas. Lumapit siya sa dalaga, “Chris, si Jonas, Jonas, si Chris,”pakilala sa amin ni Calai. Nakipag kamay ako, na agad namang inabot ni Jonas. “Sige Jonas ha, kailangan na kasi nilang mag prepare sa gym. Enjoy the fair,” saka niyaya ni Calai si Chris at tumungo na sila kasama ang iba pang miyembro ng banda, maging sila David at Jenny.