Back to Square One

1604 Words
Matagumpay ang naging family day activity sa school nila Calai. Dumirecho na sila sa kanyang bahay na hindi kalayuan. Malaki ang bahay para kay Calai na nag iisa lang. Noon daw kasi ay palaging tambayan ang bahay nila kaya pinalaki ng mga magulang niya para sa mga kaibigang nakikitulog. Nagkayayaan silang uminom kaya naman nagpasya na rin ang magkakaibigan na dito na matulog tutal naman ay Sabado kinabukasan. May apat na kwarto sa bahay nila Calai. Sa isang blue na kwarto na may bunk bed at pull out bed sila Lee, Jad at Martin. Sa isang puting kwarto na may dalawang single beds naman sila Chris at David, habang si Jenny ay sa isang light green na kwarto na mayroong double sized bed. Nagpalit na sila sa mas kumportableng damit, at nagsimula nang magluto sa kusina si Calai. Mayroon din siyang naka ready na frozen chocolate chip cookie dough na ibinaba niya na habang ang oven ay naka pre heat na. Kadugtong ng kusina ang lanai, kung saan sila nag set up ng mahabang table na puti at mga plastic stools. “Hanep ah, kumpleto ang gamit mo dito pang party, Carla!” sambit ni Lee. “Oo, palagi kasi dito tumatambay mga kaibigan ko lalo noong highschool,” sagot naman ng dalaga. Spaghetti with meatballs, garlic bread, at caesar salad ang inihain ng dalaga sa mga kaibigan. Nagbukas din siya ng red wine, habang ang mga lalaki ay umiinom na rin ng beer. Sarap na sarap ang mga kaibigan sa luto niya, at kita ang ningning sa mga mata ni Chris, na nagustuhan din ang chocolate chip cookie na ginawa niya. Masaya ang naging takbo ng kanilang dinner habang nagkukuwentuhan. Magkatabi sila ni Chris, ngunit sa kabilang gilid ng lalaki pa rin pinilit na umupo ni Jenny. Tila tinatamaan na ito sa iniinom na red wine at panay na ang baling ng ulo sa balikat ni Chris. “Ikaw lang mag isa dito palagi?” tanong ni Chris kay Calai nang tumayo si Jenny papunta sa sala. “Oo. Ganito naman na noon pa, sanay na ako. Safe naman dito sa village, kilala ko naman itong mga nakatira sa paligid.” “Sigurado ka ba? Ang akala ko kasi may helper ka man lang na kasama, o kaya ang Tita mo.” “Ayoko na abalahin si Tita. Di ko rin naman kailangan ng helper. Tuwing Sunday naman nakakapaglinis ako dito sa bahay. Malapit lang ang school kaya maaga rin akong nakakauwi, naaasikaso ko ang mga halaman ni mama. Sabado ng umaga naman ako naglalaba ng mga damit ko.” “Grabe napaka organized mo naman. Ang galing mo mag manage ng oras.” Nakangiting tumango si Calai kay Chris. “Chris…” tawag ni Jenny sa binata. “Sandali lang ha, tingnan ko lang si Jen,” paalam niya kay Calai. Nagpatulong si Jenny papunta sa kwarto. Hinatid naman ni Chris. Nagulat siya nang bigla siyang halikan ni Jenny nang makapasok na sila sa loob ng kwarto. Niyakap ni Jenny ang kanyang mga braso sa leeg ni Chris, atsaka siya hinalikan ng marahan. Nanlaki ang mga mata ng binata sa nangyari, at may ilang segundo bago siya nakakawala sa pagkakayakap ni Jenny. “Jenny what are you doing?!” “Chris, I love you, I still love you…” hindi alam ni Chris kung dahil lang ba sa kalasingan kaya ito nagawa ni Jenny, pero dalawang baso pa lang ng wine ang naiinom nito. “Jenny I’m sorry. Si Calai na ang mahal ko.” Umiiyak si Jenny nang tumalikod ako. Napansin kong may dumaan sa may kwarto, s**t bukas pala ang pinto! CALAI Sumunod ako kila Jenny at Chris para dalhan ng kumot at tuwalya si Jenny. Ngunit nabigla ako sa aking nakita. Alam ko nang ex ni Chris si Jenny, pero hindi niya pa rin pinapaliwanag kung bakit siya nandito at palagi silang magkasama. Naisip ko na wala naman ako sa posisyon na magtanong, hindi naman ako girlfriend. Oo nililigawan. Pero paano kung nagsawa na, hindi na makapag hintay. Eh nandiyan naman na ang ex, na obviously, very much in love pa rin sa kanya. Pero ano ito? Magkalapat ang mga labi nila. Nakayakap sa leeg ni Chris ang mga braso ni Jenny at nakahawak siya sa bewang ng ex niya. Pinigil ko ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Nagbalik sa ala ala ko ang umagang nakita si Jonas na may kasamang babae sa kama. Pero iba ito. Hindi ko naman nobyo si Chris. Tumalikod na lang ako at bumalik sa lanai. Inisang lagok ang natitirang wine sa baso, atsaka nagbukas ng beer. Hindi nila dapat mahalata na apektado ako. Nagpatuloy kami sa kwentuhan nila Lee, David, Jad, at Martin. “Nakakabilib pala itong si Carla, ano, napaka independent. Kung ako boyfriend nito, maiinsecure ako sa ayos ng bahay at ng buhay nito eh,” wika ni Lee, na sinang ayunan naman ni Martin, “Kaya naman pala no pressure kang magka boyfriend, kayang kaya mo lahat. Bills, groceries, magluto, magbake, mag organize ng party at mag entertain ng guests!” Si Jad naman na madalas na tahimik lang ang biglang nagsalita, “kaya nga ang kailangan niya na lang sa lalaki ay yung committed. Yung magiging partner niya. Sure ako magaling ka mag alaga Carla,” wika nito. “Hindi ko sure. Hahaha!” may pait sa tawa ko. Hindi ko nga naalagaan ang ex ko eh, ngayon mukhang pati ang manliligaw ko. Nagulat ako nang hawakan ako ni Chris sa likod, at umupo sa tabi ko. Nagpatuloy kami sa kwentuhan, hanggang sa nakaramdam na ng pagod at antok ang mga kaibigan at pumasok na sa kanilang mga kwarto. CHRIS Tinulungan kong magligpit ng mga bote at ng lamesa si Calai. Yung mga pinagkainan namin ay si Martin ang naghugas, si Lee naman ang nagligpit sa cabinet. Kahit mga lalaki kami ay marunong kami sa mga gawaing bahay. Nakita kong aakyat na sana si Calai sa kanyang kwarto nang hawakan ko ang kanyang kamay at hinila papalapit sa akin. Niyakap ko siya. “I miss you,” bulong ko sa kanya. Naramdaman kong nabasa ang tshirt ko sa may dibdib kaya inilayo ko siya para tingnan ang mukha. Lumuluha si Calai. “Chris, okay lang naman. Wala pa naman tayong relasyon, pwede mo nang itigil ang panliligaw mo,” wika niya habang lumuluha. Hinila ko siya para maupo sa stool sa may breakfast counter at tumayo ako sa harap niya. “What are you talking about?!” “Alam ko na ex mo si Jenny. Alam ko na naghiwalay kayo dahil kinailangan niyang pumunta ng US para sa mommy niya. Ang hindi ko alam ay kung bakit siya nandito at kung bakit lagi kayong magkasama. Hindi ako nagtatanong kasi hindi mo naman ako girlfriend, hindi mo rin naman obligasyon na magkwento.” “I’m sorry Calai. Jenny’s staying for two weeks lang tapos babalik na siya sa US. I’m just helping her with the house renovation, pero yun lang yun. Naging maayos ang break up namin, and over the years nagkakausap kami, kaya confident ako na wala na akong nararamdaman para sa kanya.” “Pero iba yata yung nakita ko kanina Chris. Dadalhan ko sana ng kumot at tuwalya si Jenny, pero sana hindi na lang ako sumunod,” hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ni Calai kahit pa anong agap niya sa pagpahid nito. “Oh s**t, I’m sorry Calai. It’s not like that…” “Hindi mo naman kailangan mag explain, Chris. Hindi mo naman ako pinagtaksilan kasi hindi naman kita boyfriend. Kita ko naman na gusto ka pa rin ni Jenny, narinig ko ring sinabi niya kanina. Siguro nga maigi na rin na ganito, hindi ka na mahihirapan. Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan.” May ngiti pero ramdam kong nasasaktan si Calai. Niyakap ko lang siya. Pinaramdam ko sa kanya ang init ng pagmamahal ko. Pero unti unti siyang kumawala, “Okay lang ako Chris. Halik lang naman yung nakita ko, tsaka hindi naman kita boyfriend. Kumpara naman sa ginawa sa akin ni Jonas.” Natatawa pa siya habang humihikbi, halatang pilit pinagtatakpan ang nararamdaman. “Pahinga ka na, akyat na rin ako. Good night, Chris.” Hindi ako mapakali. Pumasok ako sa kwartong kinaroroonan ni Jenny, kinausap ko siya. Alam kong may tama ng alak si Jenny, pero alam ko ring naiintindihan niya pa rin ako. “I’ll stay for a few more weeks, Chris. Please let me stay with you. If it’s Carla that you want, fine. But I won’t stop. Titigil lang ako kapag sinagot ka na niya.” “Pero paano niya ko sasagutin kung palagi kang nakadikit sa akin?! You are being unfair Jenny! I comforted you, and even supported you when you’ve had a relationship. Why can’t you do the same for me?!” pigil na sigaw ko kay Jenny. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko gustong nasasaktan si Calai ng ganito, at nang dahil sa akin. Niyaya ko si Jenny na umalis na, ihahatid ko na siya sa bahay nila. Pumayag naman ito , dahil na rin sa sobrang antok. Tahimik ang biyahe namin, hindi ko siya iniimik. Pinararamdam ko na talagang masama ang loob ko sa kanya. Nag sorry siya bago bumaba, pero walang maitutulong yun para mabago ang mga nangyari. CALAI Nakita kong pumasok si Chris sa kwartong tinutuluyan ni Jenny. Dumiretso na ako ng tingin paakyat sa aking kwarto, at doon malaya kong inilabas ang mga luha at sakit na kanina ko pa tinitiis. Narinig kong bumukas ang front door kaya sumilip ako sa bintana. Nakita ko sila Jenny at Chris na magkahawak ang kamay na lumabas, at tumungo sa sasakyan. Siguro nga tama ang naging desisyon ko. Maigi na rin yun, na hindi pa ako ganoon ka invested sa nararamdaman ko para kay Chris. Sinasabi ko na nga ba, he is too good to be true. Kaya eto na naman, balik ako sa square one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD