Pilit naging civil si Calai kay Chris. Minsan rin siyang tinext ni Jenny gamit ang numero ng binata para sabihin na she is here to stay for good, para kay Chris. Kinalimutan na ni Calai ang panliligaw ng binata. Hindi na rin siya pumupunta sa gig sa bistro, na siyang ipinagtaka naman ni Chris. Wala namang bakas ng di pagkakaunawaan sa kanila ni Calai, kaya hindi niya alam kung bakit. “Boss Chris, bakit hindi na nagpupunta si Ate Calai? Nag away ba kayo? Dalawang linggo na eh. May number ka ba niya? Pahingi naman, kukumustahin ko lang si Ate,” wika ni Kim kay Chris. “Hindi ko rin alam, Kim. Eto ang number ni Calai, may load ka ba? Teka papaloadan kita. Kumustahin mo siya, tapos balitaan mo ko ha, kung bakit hindi siya pumupunta sa gig.” Sagot ko sa binata. “Eh boss akala ko ba si Ate Calai ang nililigawan mo, bat may iba ka nang girlfriend?” “Girlfriend?!” “Oo yung lagi niyong kasama, sabi niya girlfriend mo daw siya eh. Ang saya ko pa naman nung nalaman kong nililigawan mo si Ate, alam mo crush ka nun eh. Gustong gusto niya ang boses mo, tapos nung nagkakilala kayo, sabi niya mabait ka daw tsaka sobrang gentleman. Kaso magmula noong nakita ko yung girlfriend mo dito sa bistro, nag iba na si Ate. Malungkot siya tuwing uuwi. Tsaka hindi niya na tinatapos minsan yung 3rd set niyo, umaalis na siya. Bakit ganun, boss?” Bakit nga kaya, naisip ni Chris, tinotoo kaya ni Calai yung sinabi niya sa akin na wag na akong manligaw? Pero nag explain naman ako. Hinarap ni Chris si Jenny noong gabi ring iyon. Ngunit ayaw magpatalo ng dalaga, desidido siyang makipagbalikan kay Chris.
CALAI “Hello, sino to?” sagot ni Calai sa kanyang telepono nang may tumawag na unknown number. “Ate Calai, si Kim ito.” “O Kim, napatawag ka? Paano mo nalaman ang number ko?” “Hiningi ko po kay boss Chris. Ate bakit di ka na pumupunta dito sa bistro? Miss na kita, two weeks na kitang di nakikita.” “Asuuus! Ikaw naman Kim. Hehe, medyo busy lang ako. Pasensya ka na ha. Teka, kailangan mo ba ng pang baon? Padadalhan kita ha, itext mo sa akin ang details mo tapos bukas na bukas padadalhan kita sa money transfer.” “Ate Calai naman, hindi naman yan ang kailangan ko. Nag aalala lang ako sa’yo. Hindi kasi tulad noong nagkasakit ka, alam ko kung bakit ka wala dito. Hindi rin daw alam ni boss Chris kung bakit hindi ka na pumupunta.” “Naku Kim, eh alam mo naman na may girlfriend na si Chris di ba, ayoko namang makagulo sa kanila. Maigi na rin yung ganito. O paano, itext mo sa akin ang details mo ha? Salamat sa pagtawag, text tayo palagi ha.” “Sige po, Ate Calai. Mag iingat ka palagi ha. Dalaw ka pa rin dito, may ibang banda ka namang pwedeng panuorin.” Binaba ko na ang telepono, namiss ko rin si Kim. Oo nga pala, malaking bahagi ng baon niya sa isang linggo ay galing sa tip na inaabot ko. Kaya kinabukasan ay kinulit ko siyang isend ang details para mapadalhan ko siya. Kasama niya daw ang mama niyang kumuha kaya masayang masaya sila. Ang balita ko ay girlfriend na raw ni Chris ulit si Jenny. Hindi naman niya kinoconfirm sa akin, pero bakit pa ba ako magtatanong di ba. Tama nang magkakumustahan kami minsan. Kapag naman tumatawag siya, nakakapag kuwentuhan naman kami. Nanghihinayang lang ako kasi akala ko si Chris na. Nasabi ko na rin kay dad ang tungkol dun. Hindi naman siya nagalit, pero hindi maikakaila na nawalan siya ng amor kay Chris. Hindi ko na kinwento yung nakita ko sa kwarto, basta sinabi ko lang na bumalik na yung ex. Speaking of ex, paminsan minsan ay kinukumusta pa rin ako ni Jonas. Sinasagot ko naman, pero talagang hindi ko na kayang bigyan ng pagkakataon.
CHRIS “Jenny please naman, stop spreading rumors that you are my girlfriend! Stop all the lies, before I run out respect for you!” “Bakit Chris, sinagot ka na ba ni Calai? Eh ang bilis ka nga niyang binitawan di ba. Ni hindi nga siya nakikinig sa’yo eh.” “Because you keep on spreading lies, Jenny!” “She didn’t even fight for you when I told her that I will!” “You did what?! Oh my God Jenny! That’s it! That is the last straw, leave now and don’t show your face to me ever again!” I stormed out of the office and went to the nearby park to get some air. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Jenny na ipaglalaban niya ako, when I made it clear from the start na wala nang babalikang kami. Kaya siguro hindi na nanunuod si Calai sa mga gigs, tumatanggi siyang makipagkita sa akin, palagi niyang sinasabi na busy pa siya sa school. Naniwala naman ako dahil malapit na rin mag bakasyon. Yun pala ay umiiwas siya dahil sa pag aakalang nobya ko na nga ulit si Jenny. Lilinawin ko sa kanya ang lahat. Umaasa ako na makabawi sa kanya ngayong nalaman ko na ang mga ginawa ni Jenny.
CHRIS Huling beses ko nang nakausap si Jenny noong nagalit ako sa kanya sa loob ng opisina ko. Tumawag siya sa akin at sinabing babalik na ng US. Humingi siya ng tawad sa nagawa, mas gusto niya daw na maging mabuti kaming magkaibigan, kaysa magalit ako sa kanya ng tuluyan. Sinusubukan ko pa rin suyuin si Calai, pero mukhang para sa kanya talaga ay hindi niya na ako tinuturing na manliligaw. Nanuod siya nang minsang mag gig kami sa may Parañaque, pero ramdam ko ang pagka ilang niya sa akin kahit noong ayain siya ni David na sumalo sa lamesa namin. Nakita ko rin na may lalaking bumati sa kanya at may ilang minuto rin silang nag usap sa may bar. Lalong gumanda si Calai. Pero dahil sa nakita niya at sa mga sinabi ni Jenny, nawawalan na ako ng pag asa. Maraming lalaki ang bumabati kay Calai dito sa bar na ito. O masyado lang akong nagbabantay kaya napapansin ko. Hindi na rin nagpapadala ng request si Calai, kahit sa ilang beses na nanuod siya ng gig sa bistro. Tinutugtog pa rin namin ang kanta, pero sa tuwing naroon siya ay nakikita ko ang lamlam sa mga mata niya kapag naririnig yon. God, ano bang pwedeng kong gawin to ease her pain. Gusto ko talaga si Calai.
CALAI Inimbita ako nila David sa gig ng Before Sunrise sa Parañaque. Familiar ako sa bar dahil madalas din sila tumugtog dito noon. Wala namang pasok bukas, atsaka kumpara sa Anonas, di hamak na mas malapit ito. Pagdating ko ay nagulat ako na halos lahat ay mga fans din na nanunuod sa Anonas. Nilapitan ako ng isang lalaki, si Jake, yung madalas na kumakausap sa akin sa bistro. Mabait naman siya at magaan kausap, wala namang rason para supladahan ko siya. At nagulat nga siya nang dumating ako. Inimbitahan niya akong saluhan siya sa may bar, nagka kuwentuhan naman kami sandali bago ako tinawag ni David at niyaya sa table nila. Ayoko na nga sana, kahit pa ba mga kaibigan ko na sila, nakakahiya pa rin na may special treatment lalo at wala naman nang special sa amin ni Chris. Nagpalitan muna kami ni Jake ng numero bago ako tuluyang nagpaalam sa kanya. “Carla! Long time no see!” Bati sa akin ni Lee, “Namimiss na namin yung chocolate chip cookie mo,” dagdag pa niya. Nanlaki naman ang mga mata nila nang ilapag ko ang isang paper bag sa lamesa, sa loob ay may limang containers na puno ng chocolate chip cookie. Nag bake ako kagabi dahil maaga akong natapos sa paperworks. “Yown! Salamat!” wika ni Martin habang binubuksan ang share niya, humanap pa ng marker para lagyan ng pangalan ang sa kanya. “Thank you,” mahinang sabi naman ni Chris. Halos bulong, kaya medyo kinilabutan ako dahil nakatayo pala siya ng sobrang lapit sa likuran ko. “You’re welcome,” sagot ko naman. Naupo na ako sa tabi ni David, sa pinaka sulok ng couch, para hindi na ako matabihan ni Chris. Hindi ko na nakikita si Jenny, ang sabi ay bumalik na raw sa US. Pero kahit ganun ay pinipilit kong dumistansya kay Chris. Ayoko namang isipin ni Jenny na porke wala siya eh may ibang nilalapitan ang nobyo niya. Alam ko ang pakiramdam ng niloko kaya ayoko ring gawin sa iba. Nagulat ako nang tumunog ang phone ko, nag text si Jake. Napangiti ako sa mensahe na ipinadala niya, at agad naman akong nag reply.
CHRIS Talagang sa pinakasulok ng couch umupo si Calai kaya naman sa may harapan niya na lang ako umupo. Hindi ko maiwasan na lihim siyang titigan. Gusto ko siyang kausapin, pero masyado nang maraming tao. Susubukan ko na lang siyang yayaing mag kape pagkatapos ng gig.
Nang matapos ang set, nilapitan ko si Calai, “Can I invite you for some coffee?” tanong ko, “Ay sorry, may lakad kasi ako, maybe some other time,” sagot naman ni Calai. “Una na ako ha, magpapaalam na rin ako sa kanila,” paalam niya sa akin. Nakita kong lumapit siya kay David, at nilapitan ang lalaking kausap niya kanina sa bar, sabay silang lumabas pero sumakay sa kanilang mga sasakyan. SIya kaya ang kasama ni Calai ngayong gabi? Hindi ako mapakali. Umalis ako nang hindi nagpapaalam sa mga kaibigan at pasimple ko silang sinundan. Huminto sila sa may coffee shop malapit na sa expressway. Hindi ako bumaba ng sasakyan, pinanuod ko lang sila. Nakaka miss makitang nakangiti si Calai, yung totoong ngiti, namimiss ko na ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Malungkot akong umuwi noong gabing yun.