With or Without You

980 Words
CALAI Ninanamnam ko ang katahimikan ng paligid, bukod sa paminsang pagtilaok ng manok, at sa malakas na hampas ng alon. Ito ang kailangan ko ngayon, katahimikan ng paligid, ng kalooban, at ng puso. Nangako ako kay Chris na haharapin ko siya pagbalik ko galing sa aking munting bakasyon. Ramdam ko naman ang sinseridad niya, kahit pa nga nagkaroon ng confusion sa pagbalik ni Jenny. Ilang araw ang lumipas noong puntahan ako ni Chris sa aking opisina, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang unknown number. Si Jenny. Humingi siya ng tawad sa mga nasabi at nagawa. Nangako siya na walang namagitan sa kanila ni Chris noong umuwi siya, at umaasa na mapapatawad ko siya, at mabibigyan ko pa rin ng pagkakataon si Chris, dahil aniya ay seryoso ang lalaki sa panliligaw sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanya, at ilang araw rin akong malalim na nag isip bago humantong sa desisyong sasagutin ko na si Chris. Alam naman ni Jake ang tungkol dito, at hindi naman siya talaga nanligaw. Dinamayan niya lang din ako noong panahon na napansin niyang mas madalas akong malungkot at may ilang gigs na hindi pinanuod. Nabasag ang pagsesenti ko nang marinig kong may bumukas na bintana sa isa sa mga cottage na naroon. Hindi ko naman nakita yung nagbukas, pero naamoy ko yung halimuyak ng kape. Mag aalmusal na lang ako mamaya kapag may araw na. Dito na lang muna ako. Niyakap ko ang aking tuhod papunta sa dibdib, at sa ganitong posisyon ay ipinikit ko ang mga mata habang nilalanghap ang simoy ng hangin dagat. CHRIS Bitbit ang mug ng mainit pang kape, lumabas ako at naglakad papunta sa may dalampasigan. Wala pang tao. Sa ganitong bakasyon naman kasi, lalo kapag pagod sa maghapong pagtatampisaw sa dagat, eh tanghali ka na talaga babangon. Lalo pa kung ang hanging papasok sa kwarto mo ay mas malamig pa sa galing sa aircon. Naka paa ako habang naglalakad, sinasalat ang buhangin, at tumitigil kapag may maganda at buong shell na makikita. Lalakarin ko ang kabuuan nitong shoreline habang hinihintay si haring araw. Ang totoo ay kinakabahan ako sa pagkikita namin ni Calai. Hindi ko alam kung maganda ba ang ibabalita niya sa akin, o iyon na ang magiging katapusan ng pangarap kong maging girlfriend siya. CALAI Napatingala ako nang maka amoy ng kape. Naamoy ko na yun kanina nung may bumukas na bintana. Pero parang bakit lumalapit yung amoy. Hala, nagugutom na yata ako, eh pasado alas singko pa lang. Mamaya pa magbubukas yung resto. Tumingala na ako, nagsisimula nang lumiwanag ang paligid. Kung kanina ay maitim pa ang mga ulap, ngayon ay sumisilip na ang liwanag. Kita ko na ang may ilang puting ulap, at nag uumpisa na ring lumabas ang dilaw na sinag ng araw. Napalingon ako sa gawing kanan ko nang matanaw sa gilid ng mata ko na may naglalakad doon. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha kasi nakayuko, tsaka natatamaan ng sinag ng araw. CHRIS Naglakad ako nang naglakad. Napatingin nang unti unting tumama sa balat ko ang init ng sinag ng araw. Sinuot ko kaagad ang shades, saglit na humarap sa araw, at bumati ng “Magandang umaga!” nagpatuloy ako sa paglalakad, nang sa di kalayuan ay may matanaw ako na nakaupo sa dalampasigan at nakangiting nakatingala at ninanamnam ang mainit na sinag ng araw. Teka. Naglakad pa ako papalapit, nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Napayuko ako. Pailaim ko siyang tiningnan. Nakangiwi ang labi, nakapikit ang kaliwang mata, nasisilaw sa tumitinding sikat ng araw. Could this be… could she be… CALAI Lumalakad papalapit sa akin ang lalaking may dalang coffee mug. Kaya naman pala mas nalalanghap ko na ang kaninang nasa malayong amoy ng kape. Pero teka. Pamilyar ang lakad nito. Hindi ko lang makita ang mukha…. CHRIS “Calai?” CALAI “Chris! What are you doing here?” buong pagtatakang tanong ko. “Well I remember asking you to come with me on a vacation,” sabi niya, nakabuka ang mga braso at itinuturo ang paligid, “that’s why I’m here. How about you?” “Well I remember telling you that I am also going on a trip by myself,” at iminuwestra ko rin ang paligid katulad ng ginawa niya. Nagkatawanan kami ni Chris habang nakatingin sa mata ng isa’t isa. Nang matauhan ay inalok niya ako ng kape. Dahil nga natatakam na ako, ay nakisimsim na rin ako ng kaunti. Bumalik ako sa pagkakaupo, at tumabi naman si Chris. Tahimik namin pinagsaluhan ang isang mug ng kape na dala niya. Hindi kami nag uusap. Nakatingin kami sa langit, tapos sa dagat, tapos sa paligid. May paminsang sulyap sa katabi, tapos ngingiti. Walang salitang lumalabas mula sa amin. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa magsimula nang dumating ang mga bangka na may dalang bagong mga bisita sa isla. CHRIS Tumayo ako, humarap kay Calai at inilahad ang kaliwang kamay na inabot naman ng kanyang kanan at tinulungan ko siyang tumayo. Ipinatong ko ang kanyang kanang kamay sa aking kaliwang balikat, at sa kabilang balikat ko naman ang kaliwa niyang kamay. Inilapat ko sa kanyang bewang ang aking mga kamay. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, at nagsimulang kumanta. See the stone set in your eyes See the thorn twist in your side I’ll wait for you Sinimulan kong igalaw ang aming mga katawan, na siyang sinundan naman ni Calai at unti unti na itong napapangiti. With or without you I can’t live with or without you Hinalikan ko ang kanyang noo at bahagya naman siyang napapikit, nang matapos na ang kanta. May ilang minuto kami sa ganoong posisyon, ngunit mas magkalapit na ang aming mga mukha. Iniyakap na ni Calai ng tuluyan ang kanyang mga braso sa aking leeg at ako naman sa kanyang bewang. Binasag ko ang katahimikan namin nang tanungin ko siya ng, “Will you have breakfast with me?” at habang mahinang tumatawa ay sinagot niya naman ng, “Yes of course, I will.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD