CALAI Maaga akong nagising at binuksan ko na ulit ang phone ko. Naka airplane mode para walang pumasok na notifications. Kailangan ko pa ring makapag isip. Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Chris, na masyado akong independent, na bakit hindi ko rin siya hayaang alagaan ako. Tiningnan ko ang petsa. Ilang buwan na lang ay ikakasal na kami. Sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng pag aalinlangan. Masyado nga sigurong mabilis. Isang buwan pa lang kami nang mag propose si Chris. Siguro dapat hindi muna ako pumayag. Pwede pa naman siguro naming iurong ang kasal to a much later date. Kakausapin ko na lang ng maigi si Chris pagbalik ko. Ayoko namang sumabak kami pareho sa isang bagay na baka pagsisihan namin sa huli. Ayoko namang magmistulang isang nagger wife, at hindi ko rin gustong makasama

