CHAPTER 46: Prepare Myself Mabilis naman kaming kumilos ni Manong at sinugod sa hospital si Stephen. “M-manong mas bilisan niya pa ho,” utos ko habang hawak-hawak ang kamay ni Stephen. Nakapikit pa rin ang mata niya at bawat segundo kong pinapakinggan ang kaniyang paghinga. Nakahawak din ako sa kaniyang pulsuhan. Natatakot akong baka huminto ang kaniyang paghinga. Mas nagiging malamig din ang kaniyang kamay at mas lalo siyang namumutla. Nakarating nga naman kami sa hospital at mabilis naman na binuhat ni Manong si Stephen. Nakasunod lang ako sa likuran. Naalala ko tuloy ang hospital na ito. PhiPiv Hospital, dito nilipat dati si Stephen. Isa ito sa mga private hospital kaya madaling naasikaso si Stephen. Nasa labas lang kami pareho ni Manong. “P-paumanhin sa ginawa ng aking a-asa

