Chapter 45: Something Wrong “Inumin mo na itong gamot oh, bilis na.” “Araw-araw ko na ngang iniinom 'yan sana huwag na muna ngayon,” reklamo niya. “K-kailangan mo kasi itong inumin para mas mapadali gumaling ang binti mo.” Inabot ko sa kaniya ang isang tabletas na gamot at ang tubig. Matapos niyang inumin ang isa ay iniabot ko naman ang isa na namang gamot. Bale lima ito kaya pagkatapos niyang kumain ay pinapainom ko ito sa kaniya. Magdadalawang araw ko na rin ito sa pinainom sa kaniya. Mabilis lang maubos ang gamot kasi every meal ay pinainom ko sa kaniya. Hanggang ngayon napapansin ko pa rin ang pamumula ng mata niya. Simula kahapon ng madaling araw ay hindi raw siya makatayo at maging ngayon ay tinutulungan ko siya pero ayaw daw ng katawan niya. Inabot niya rin sa akin ang

