CHAPTER 44: I Like You “Nandito na ako!” Masayang sabi ko sabay pasok sa kuwarto niya. Sinalubong niya naman ako ng ngiti at tinapon sa akin ang isang unan niya. Nasalo ko naman ito at tinapon pabalik sa kaniya. “Bangon na d'yan may dala akong Ice Cream,” sabi ko at nakita ko naman ang pagbangon niya. Nilapitan ko agad siya at tinulungan makaupo sa kaniyang wheelchair. “Saan ka galing?” “S-sumama ako kay Manang Lucy kanina na mamalengke dumaan na rin ako at bumili ng ice cream." “Bakit hindi ka nagpaalam sa 'kin?” Tiningnan ko na lang siya at binigay ang isang baso na ice cream. “A-alam ko naman kasing hindi ka papayag kaya hindi na akong nag-atubili pang mamaalam sa 'yo.” Suminghal lang siya at sinamangutan ako. “P-paano kung hindi ka bumalik, paano ko malalaman na umalis

