Tahimik ang buong Palasyo—parang pati hangin natutulog.
Pero hindi siya.
Narinig ko agad ‘yung mahinang thud na umaalingawngaw sa pasilyo. Isang paulit-ulit na tunog—parang kamaong humahampas sa leather.
Curiosity… o baka obsession, ang nagtulak sa’kin bumangon.
Naka-paa akong naglakad sa hallway, hinanap kung saan nanggagaling ‘yung tunog. Hanggang sa makarating ako sa gym sa may west wing—lugar na ni minsan, ‘di ko pinasok.
At doon ko siya nakita.
Hades.
Naka-itim. Pawis na pawis. Yung jacket niya nakasabit lang sa gilid, habang bawat suntok niya sa punching bag ay may kasamang poot at kontroladong galit.
Tumigil ako sa may pinto, tahimik na nakamasid.
He looked dangerous. But God, he was beautiful.
Parang isang hayop sa sarili niyang teritoryo—malaya, mabangis, nakakaadik.
I bit my lip. This man is going to ruin me.
“Enjoying the show?”
Mabilis kong narinig ang boses niya—malamig, walang effort, pero diretso sa kaluluwa. Hindi man siya lumingon, alam niyang nando’n ako.
Napangiti ako. “Maybe I am.”
Tumigil siya. Nakasandal ang mga kamay niya sa bag, hingal pa rin sa pagod, habang dahan-dahan siyang lumingon.
Isang tingin lang, at parang nag-freeze ang paligid.
“This isn’t a playground, Miss Montefalco.”
“Good thing I’m not here to play,” sagot ko, sabay lakad papasok. Sinara ko ang pinto, pinanatili ang ngiti ko kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib.
“I couldn’t sleep. Akala ko makahanap ako ng kausap.”
“You thought wrong.”
Pero tuloy pa rin ako sa paglapit, paikot-ikot sa kanya parang pusa. “You know, iba ka rito. Mas... tao. Hindi masyadong yelo.”
“Leave,” mariin niyang sabi.
“Or what?” hamon ko, sabay hakbang palapit hanggang halos magdikit na ang hininga namin.
Bago ko pa mapigilan, iniangat ko ang kamay ko at pinunasan ‘yung butil ng pawis sa sentido niya—dahan-dahan. Sinadya ko.
Pero agad niyang hinawakan ang pulso ko—mahigpit pero hindi marahas.
“Don’t,” banta niya. Mababa. Mabigat. Mapanganib.
Ngumiti ako, tumingala. “Why not? Natatakot ka bang may maramdaman ka?”
Ramdam ko ang bigat ng hininga niya, kung paano gumagalaw ang dibdib niya sa bawat paghinga. Para siyang bomba na anytime puwedeng sumabog.
Akala ko hahalikan niya ako.
Akala ko bibigay na siya.
Pero bigla niyang itinulak nang malakas ang punching bag sa pagitan namin, parang pader.
“You don’t know what kind of man I am,” aniya, mariin ang bawat salita. “Stay away before you regret it.”
Tumawa ako, mabagal. “Kung ganito ka-kasaya ang regret, Hades… mukhang gusto kong subukan.”
Hindi siya sumagot.
Tinitigan lang niya ako—puno ng galit, pigil, at isang bagay na ayaw niyang aminin.
At sa katahimikan na ‘yon, alam kong talo na siya.
Hindi siya manhid.
Hindi siya immune.
At ako… ako ang unti-unting nananalo.
Mabigat ang amoy ng gym—pawis, leather, at siya.
Alam kong dapat umalis na ako, pero kuryosidad ko talaga ang pinaka-masamang bisyo ko.
Napansin ko ‘yung mga armas sa gilid—baril, kutsilyo, lahat nakaayos na parang parte ng katawan niya.
Cold. Deadly. Just like him.
Lumapit ako.
“What are you doing?” mabilis niyang tanong, parang latigong pumutol sa hangin.
Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ‘yung baril, inangat gamit ang dalawang kamay. “So this is what makes you so dangerous?”
In a flash, nasa harap ko na siya.
Hinawakan niya ang pulso ko, madiin, mabilis, sanay. Inalis niya ‘yung baril sa kamay ko bago pa ako makareact.
Tumama ako sa pader.
Nasa harap ko siya, malapit. Sobrang lapit.
Isang kamay niya nakahawak sa mga pulsuhan ko sa taas ng ulo ko, ‘yung isa nakasandal sa pader, parang ayaw akong palayain.
“Do you have a death wish?” mariin niyang sabi, halos dikit na ang mukha namin. “You don’t touch my weapons. Ever.”
Huminga ako nang malalim, pero hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa thrill.
Ngumiti ako, bahagyang tinaas ang kilay. “You’re so intense when you’re angry. I like it.”
Mas lalo siyang lumapit. Mainit ang katawan niya, mabigat ang bawat hinga.
“Don’t test me, Sharlene,” halos paos niyang sabi.
“I want to test you,” bulong ko, halos dumikit ang labi ko sa panga niya. “Gusto kong makita kung hanggang saan mo kayang magpigil.”
Mainit ang hininga niya sa balat ko.
Nararamdaman ko ang pagpipigil, ang tension, ‘yung sandaling baka bumigay siya.
Pero hindi.
Umungol siya ng mababa, saka umatras bigla, halatang galit sa sarili.
“Stay the hell out of my space,” singhal niya, habang isinasabit ulit ang baril sa rack.
Naiwan ako ro’n, nakasandal pa rin sa pader, habol ang hininga—ngumingiti.
Akala niya siya ang nanalo.
Pero nakita ko ang pader niyang nag-crack.
At ngayon, alam kong gusto ko lang ‘yung masira pa lalo.
Curiosity is a sin. Pero mas masarap kapag bawal, ‘di ba?
Ilang araw na iniiwasan ako ni Hades. Tahimik lang siya, puro trabaho, laging malayo.
Pero lalo lang akong tinutulak ng pangungulila sa tingin niyang ‘yon.
Kaya isang gabi, habang tahimik ang buong Palasyo, naglakad ako palabas ng kwarto ko.
Tahimik. Naka-paa. Parang magnanakaw.
Hanggang sa makarating ako sa wing ng mga guwardiya.
Iba ang lugar na ‘to—walang karangyaan, walang chandelier. Amoy pawis, bakal, at disiplina.
May narinig akong mga boses mula sa isang bukas na pinto—mga lalaki, nagtatawanan, nagbubuno.
Sumilip ako.
Dalawang guwardiya ang nag-aagawan sa sahig, pawisan, habang ‘yung isa nakatayo, nanonood.
Napasinghap ako—mahina pero sapat para marinig nila.
Tatlong ulo ang sabay na lumingon.
“Well, well… look who’s wandered into the wolf’s den,” sabi ng isa, nakangisi.
Umayos ako ng tayo, kunwaring kalmado. “Relax. Nag-eexplore lang ako.”
“Exploring what?” sabi ng isa pa, tinatapunan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “The way we live? Or the way we sweat?”
Tumawa sila, mababa, may halong biro. Pero ramdam kong out of place ako.
Hanggang sa isang boses ang dumurog sa lahat ng ingay.
“Out.”
Lahat sila natahimik.
At sa dulo ng hallway, nando’n siya.
Hades.
Basang-basa pa ang buhok, suot ‘yung itim na shirt na nakadikit sa katawan niya.
Tumingin siya diretso sa’kin—galit, at may halong takot na parang gusto akong itago.
“Hi,” mahina kong bati, pilit na ngumiti. “Di ako makatulog.”
Lumapit siya, mabagal pero puno ng bigat bawat hakbang.
Paglapit niya, walang sabi-sabi, hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo.
Diretso sa kwarto niya.
Pagkapasok namin, sumara agad ang pinto—may tunog pa ng lock na kumlik.
“Do you have any idea what you just did?” galit niyang sabi. “Those men—this place—it isn’t for you.”
Nakangiti ako, pero ramdam ko ang kaba. “But you’re here. So maybe I belong.”
“Hindi mo alam kung anong klase ng mundo ‘to, Sharlene.”
Lumapit ako. Mabagal. Hanggang magkadikit na halos kami.
“Then show me.”
Pumikit siya sandali, halatang pinipigilan ang sarili.
Pagmulat niya, boom—kamay niya biglang nasa desk sa likod ko, malapit, parang gusto akong kulungin.
“You’re going to ruin yourself chasing me.”
Ngumiti ako, tiningala siya. “Then maybe you should catch me before I do.”
Tahimik. Mabigat. Parang mismong hangin ay takot gumalaw.
Pero sa huli, umatras siya.
Naglakad palayo, parang nilulunok ang sarili niyang apoy.
“Get out,” mariin niyang sabi. “Before I lose the last shred of control I have.”
Ngumiti ako, ‘yung ngiting alam kong kinaiinisan niya.
Kasi kung hanggang gilid na siya ng bangin,
ako ‘yung tutulak.