Chapter 4: Cornering the Untouchable

865 Words
It became my new addiction— to see how far I could go before Hades snapped. Every glare, every clenched jaw, every flicker of emotion in those cold eyes… it was my reward. Proof na kahit papaano, hindi siya ganun ka-untouchable tulad ng gusto niyang ipakita. That night, I decided to raise the stakes. Nando’n na naman siya sa labas ng kwarto ko—tahimik, matatag, parang rebultong binuhay para lang bantayan ako. Walang imik. Walang galaw. Untouchable. I smirked. Challenge accepted. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nakasandal sa frame habang suot ang silk nightgown na halos hanggang hita lang. Saglit siyang tumingin, mabilis at matalim, bago ibinalik ang tingin sa malayo. “You’re like a painting, you know that?” I teased softly. “So stiff. So cold. Parang dapat kang isabit sa museum.” “Go back inside, Miss Montefalco.” Mababa ang boses niya, kalmado, pero ramdam ko ang tensyon sa ilalim ng tono. “Mm, not until you tell me something.” Lumapit ako ng isang hakbang. “Do you ever smile? Or laugh? Or…” Tinapunan ko siya ng tingin mula ulo hanggang balikat. “…feel anything at all?” Bahagyang kumunot ang panga niya. Sagot na ‘yon. Bago pa siya makapagsalita, lumapit pa ako at dahan-dahang idinampi ang palad ko sa braso niya. Mainit. Matigas. Parang apoy na nakakulong sa ilalim ng bakal. “Sharlene,” sabi niya—mababa, mabigat, parang babala. Pero nang marinig kong binigkas niya ang pangalan ko, tumakbo ang kiliti sa buong katawan ko. Lalo akong lumapit. “Someday, Hades,” bulong ko sa tenga niya, halos humaplos ang labi ko sa balat niya, “you’re going to lose this control you cling to. And when you do… I’ll be the one you break for.” Narinig ko ‘yon. ‘Yong bahagyang hinga na hindi niya napigilan. Victory. Pero bago pa ako makangiti, bigla niyang hinawakan ang pulso ko. Hindi masakit, pero ramdam ko ang lakas. Isinandal niya ako sa pader, mga mata niyang nagliliyab. “Don’t play games you don’t understand,” mababa, magaspang, parang kidlat sa pagitan namin. “You’ll get burned.” Napatigil ako. Pareho kaming hindi gumalaw. Ang hangin, mabigat. Ang t***k ng puso ko, parang sumasabay sa kanya. Tapos binitiwan niya ako. Umatras. Parang walang nangyari. “Goodnight, Miss Montefalco.” Naiwan akong hingal, pulso kong mainit pa rin kung saan niya ako hinawakan. Dapat natakot ako. Pero hindi. Ngumiti ako. Because for the first time, I’d seen him crack. My back pressed against the cold wall, his heat still clinging to me like a ghost. Every nerve in me was alive. “You think you scare me?” bulong ko, taas ang baba. “You don’t. You thrill me.” Tumigas ang panga niya. Nagdilim ang mga mata. For a second, akala ko bibigay na siya—na hahawakan niya ulit ako, o… iba pa. Pero umatras siya. Dahan-dahan. Mga kamao niyang nakasara sa gilid, parang pilit pinipigilan ang sarili. “You don’t know what you’re asking for,” singhal niya, mababa, kontrolado. “Oh, I know exactly what I want.” Lumingon ako, dumikit ng konti sa kanya habang dumadaan. Ramdam ko ang hinga niyang humigpit. “Goodnight, Hades,” bulong ko, mapang-akit. “Sleep tight. I know I will.” Paakyat na ako ng pinto nang marinig ko ang boses niya— “Sharlene.” Napahinto ako. Ang pangalan ko, parang dasal at babala sa iisang tono. Lumingon ako. Ang mga mata niya, madilim. Ang panga, mahigpit. “Don’t mistake my silence for weakness,” he said, every word cutting through the air. “I don’t break. And if I did… you wouldn’t survive it.” Dapat natakot ako. Pero hindi. Ngumiti lang ako, mabagal, mapanganib. “Oh, Hades,” bulong ko. “That just makes me want you more.” At sinara ko ang pinto, marahan pero sigurado. Nakatayo ako, hingal, kamay sa dibdib. Naririnig ko pa rin ang t***k ng puso ko—at maririnig ko pa rin siya sa labas, hindi umaalis. Hindi pa rin siya umaalis. Tahimik. Nakatayo. Pero ramdam ko, gising siya. Alert. Rattled. I cracked the door open, just a little. Nando’n pa rin siya. Arms crossed, jaw tight, staring straight ahead. Pero alam kong naramdaman niya ako. “You’re still here,” I teased. “Where else would I be?” sagot niya, kalmado pero mababa, halos paos. “You could’ve walked away.” Finally, tiningnan niya ako—isang tingin lang, pero sapat para pigilin ko ang hinga ko. “I should’ve.” “Then why didn’t you?” Tahimik. Ang klase ng katahimikang may apoy sa ilalim. “Because you don’t want to,” bulong ko, halos pabulong pero malinaw. His hands flexed. Then, bigla siyang tumalikod, boses niyang mababa at matalim, “Get inside, Sharlene. Now.” Tumawa ako nang mahina, pabalik sa kwarto ko. “Goodnight, Hades.” Sinara ko ang pinto, at alam kong kahit hindi siya sumagot, narinig niya ‘yong ngiti sa boses ko. Hindi ko pa siya napapanalo. Pero ngayon alam ko na— hindi siya bato. Hindi siya immune. At ang laban na ‘to, kakasimula pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD