By the third day, I decided na gawin miserable ang buhay ni Hades Azero.
In all honesty—madali lang pala.
Kasi sa tuwing sinusubukan niyang umasta na parang hindi ako nage-exist, mas lalo kong pinapaalala sa kanya na nandito ako.
Like now.
“Do you ever smile?” tanong ko habang naglalakad kami sa palace garden. Ang haba ng mga hakbang niya kaya halos tumatakbo na ako para lang makasabay. “O permanently frozen na talaga ‘yang mukha mo?”
Hindi man lang siya tumingin. “Focus on where you’re walking,” malamig niyang sagot.
“I am walking,” sabi ko, sabay harang sa daraanan niya para mapatigil siya. “Pero siguro mas enjoyable kung hindi mukhang laging nasa lamay ang bodyguard ko twenty-four seven.”
Bahagyang gumalaw ang panga niya. Kaunting twitch lang.
Victory.
Ngumisi ako, lumapit nang konti. “You’d be so handsome if you smiled, you know.”
Doon pa lang siya tumingin sa’kin—mata niyang matalim, parang kutsilyong nakatutok sa balat. “Keep your distance, Miss Montefalco.”
Bumati ako ng pilit na inosente. “But isn’t it your job to stay close?”
Bago pa siya makasagot, umikot na ako, tumawa nang malakas sa reaksyon niyang pinipigil. God, this was addictive.
Maya-maya, nakita ko ulit siya sa tapat ng study ko. Nakatayo, naka-cross arm, parang statue na walang emosyon.
“Guarding me again?” tanong ko habang umiinom ng alak na obviously bawal sa’kin. “I should start paying you extra. Parang glued ka na sa’kin.”
Tiningnan niya ang baso, tapos ako. “You’re underage.”
“I’m twenty.”
“Underage,” ulit niya, malamig. Kinuha niya ‘yong glass sa kamay ko bago pa ako makareact at inilapag ito sa table. Para bang evidence ng krimen.
Napahawak ako sa dibdib ko. “Did you just steal from me? Wow, Hades Azero, I didn’t know you had it in you.”
Huminga siya nang malalim—parang pinipigil ang sarili. “You’re insufferable.”
Ngumiti ako ng matamis. “And yet, here you are. Stuck with me.”
Sandaling bumuka ang labi niya, parang may sasabihin. Pero gaya ng dati, bigla rin siyang tumalikod. Tahimik.
Walang paalam.
Pinanood ko siyang lumakad palayo. My chest burned.
He thought he could ignore me.
He thought those walls would hold me out.
Pero mali siya.
Nakapasok na ako.
At hindi ko planong umalis.
That night, nakita ko ulit siya—nakatayo sa labas ng kwarto ko, parang anino na hindi napapagod.
“You know,” sabi ko, nakasandal sa doorframe, “if you’re going to hover outside my door every night, we might as well make it fun.”
Mabilis siyang tumingin, tapos umiwas. “Go to sleep, Miss Montefalco.”
“I can’t sleep.”
“Not my problem.”
“Oh, but it is,” sagot ko, dahan-dahang lumapit. “Kasi kapag gising ako, baka lumabas ako. Then you’ll have to chase me. Nakakapagod ‘yon, ‘di ba?”
Napadiin ang panga niya, halatang inis na inis.
Tinilt ko ang ulo ko, sabay bulong, “Tell me, Hades… do you ever get tired of pretending you don’t notice me?”
This time, tumama ang tingin niya sa akin. Matalas. Mabigat. Nakakakuryente.
“Go. To. Sleep.”
Bawat salita, parang utos. Parang babala.
Alam kong dapat umatras ako. Pero hindi ko kaya.
So I leaned in—close enough to feel his breath—and whispered, “One day, Hades… you’re going to break. And I’ll be right here when you do.”
Tahimik. Pero ramdam ko ang tension sa pagitan namin, parang sasabog ang hangin.
Tumalikod siya, nag-step back, as if kailangan niyang lumayo bago siya tuluyang sumabog.
“Goodnight, Miss Montefalco,” mababa ang boses niya—parang pinipigil ang kung anong mas malalim.
Ngumiti ako. “Goodnight, Mr. Azero.”
At isinara ko ang pinto, may ngiti sa labi.
Akala niya nanalo siya. Pero nakita ko na ‘yong bitak.
Maliit. Sandali lang.
Pero totoo.
At sapat na ‘yon para ipagpatuloy ko ang laban.
By the end of the week, isa lang ang napatunayan ko:
Si Hades Azero ay may pasensya ng santo—o puso ng yelo.
At balak kong subukan pareho.
Una, simpleng kalokohan lang.
Nahulog ko ang phone ko.
Pinulot niya, walang emosyon.
“Careful,” sabi lang niya.
Strike one.
Next, kunwari natapilok ako sa marble steps.
Agad niyang hinawakan ang braso ko bago pa ako matumba. Sandaling dumikit ang katawan ko sa kanya—mainit, solid, nakaka-baliw.
Pero agad din niya akong binitiwan.
“Watch your step.”
Strike two.
Kailangan ko ng mas matindi.
Kaya that afternoon, ginawa ko ang masterpiece ko.
Kasama ko si Atasha, tumatawa kami habang may dala akong tray ng iced tea. Sobra ko lang inartehan ang paglalakad—at ayun, boom. Nabuhos lahat.
Diretso ako sa kanya.
Nasalo niya ako.
Matigas ang hawak niya sa bewang ko, mainit ang palad niya sa braso ko.
Halos hindi ako huminga nang dumikit ako sa dibdib niya.
Amoy ko siya. Lalaki. Malinis. Nakakabaliw.
Tumingala ako. “Guess I’m more clumsy than I thought.”
Tumama ang tingin niya sa akin. Matalim. Delikado.
Tapos bigla niyang binitiwan ang kamay ko, umatras.
“You’re reckless,” matigas niyang sabi. “One day, someone won’t be there to catch you.”
Ngumiti ako nang dahan-dahan. “But today, you were.”
Tahimik si Atasha sa likod, tawang-tawa pero takot din.
Hades gave her a look that could kill. Then he turned and walked away.
Pinanood ko siyang lumakad palayo, puso kong parang tatakbo sa bilis.
He could keep ignoring me all he wanted.
Pero naramdaman ko ‘yon. ‘Yong sandaling nagduda siya kung bibitawan niya ako o hindi.
At doon ko nalaman—
This was only the beginning.