FAYE POV
Tatanggi na sana ako kaya lamang ay dumating si mama sa loob.
"Syempre papayag ang anak ko. Kahit na hindi mo siya pilitin, oo agad ang sagot niya."
Nabadtrip na naman ako sa sagot ni mama. Umepal na ba naman siya. Napaka wrong timing talaga!
"Sige..." pilit ko pang sabi sa kanya.
Naging maaliwalas naman ang ngiti ni Justin.
"Salamat Faye, pramis mag e enjoy ka rin sa event namin."
Tumayo na siya, "sige na mauuna na ako."
Hinatid ko naman siya sa labas at muli akong pumasok sa loob. Papasok na sana ako sa loob pero bigla na lamang akong tinawag ni mama sa sala.
"Saglit lang..."
Lumingon ako sa kanya ng may pagod na mukha.
"Bakit po ma?"
"Basta lumapit ka," pag uutos niya pa.
Lumapit naman ako sa kanya at tsaka kami nag usap dalawa.
"Ano ang plano mo kay Justin?" Seryoso nitong tanong.
"Ma..."
"Yung totoo? Hindi naman siya mag tatampo nang walang dahilan eh."
"Basta sinabi ko lang po na hindi pa ako ready. Na maghintay lang siya."
"Siguro iya ang dahilan kung bakit siya hindi nagparamdam sayo ng dalawang araw. Kagaya ng sinabi ko sayo, tao lang din si Justin at napapagod siya. Deserve niya na maging boyfriend mo. Ano pa ba ang kulang sa kanya?"
"Basta ma... Hindi pa ako ready na magkaroon ng boyfriend."
"Eh paano kung manlamig siyang bigla sayo ha? Ano ang gagawin mo?"
"Malayang malaya po si Justin na sabihin sa akin kung pagod na siyang manligaw. Ayos lang naman sa akin kung magkaka gusto siya sa ibang babae."
Pag nangyari ang sinasabi mo, ikaw na ang pinaka tanggang babae sa mundo. Matinong lalaki si Justin at bihira na ang mga lalaking kagaya niya sa mundo."
Napaka lalim naman ng sinabi niya sa akin. Naiinis lang ako.
"Basta ma, hindi pa talaga ako ready na sagutin siya."
"Ang tanga tanga mo talaga!" pagtataas niya pa ng boses sa akin.
Halos tumagos sa puso ko ang sakit ng kanyang sinabi. Sanay na ako sa pagsasalita niya ng masakit sa akin pero iba talaga yung pagkakasabi niya ng tanga sa akin. Sagad na sagad sa buto ko at nararamdaman ko yung panghihinayang niya.
"Ma? Tanga na po ba yung pagtanggi ko? Bakit, love life ko naman po ito ha?" matapang ko pang pahayag sa kanya.
"Oo isa kang tanga kasi hindi ka marunong mamimili ng lalaki. Anak, nagsasalita lamang ako base sa aking karanasan. At alam kong alam mo na ilang beses na akong nagpaka tanga sa mga lalaking hindi naman ako nagawang seryosohin. Simula sa totoong tatay mo na may asawa at ngayon ay sa lasingerong tambay. Nakita mo naman siguro ang kinahinatnan ko di ba? Wala akong naging future pero kahit sana matuto ka na sa akin. Patusin mo na si Justin kasi baka may sabit pa ang makuha mo eh."
Kahit na sobrang concern sa akin si mama at pinipilit niyang ireto sa akin si Justin ay wala pa rin akong pakialam. Basta ako, papanindigan ko lamang ang gusto kong mangyari. At wala rin naman ako plano na mag enter sa isang relasyon lalo na kung alam ko na alanganin ito. Itataga ko sa bato na never akong magiging kagaya niya. Never akong magiging kabit at mas lalong ayaw kong mag asawa ng isang lasingero. Sadyang mapusok kasi itong si mama kaya nangyayari ang lahat ng ito sa kanya.
"Basta ma, hayaan mo na lang ako sa gusto kong mangyari. Kung si Justin nga ay willing na maghintay sa sagot ko, dapat habaan mo rin ang pasensya mo."
"Siguraduhin mo lang. Nanay mo pa rin ako at alam ko kung ano ang mas makakabuti sayo. Kahit papaano naman ay marunong din akong kumilatis ng lalaki. At si Justin ang pinaka gusto kong makatuluyan mo."
"Pagod na po ako ma. Gusto ko na lang sanang ipahinga ang katawan ko," pagpapaalam ko pa sa kanya.
"Bahala ka na sa buhay mo. Basta ako, pagod na ako kakasalita sayo Faye. Sabagay, palagi namang nasa huli ang pagsisisi eh. Tingnan lang natin kung may idudulot na mabuti iyang pagiging matigas ng ulo mo."
Tumayo siya at umalis. Tinaasan ko na lamangng kilay ang nanay kong sobrang pakialamera. Kung tutuusin nga ay dapat matuwa siya kasi wala siyang kaagaw sa perang ibibigay ko. Bakit ba atat siya na maging kaming dalawani Justin? Bukas, kailangan kong umalis ng maaga sa bahay. Sa hospital na lang ako mag aalmusal para hindi na ako ma badtrip pa! Baka magpakita na naman dito si Justin bukas.
Pagpasok ko naman sa kwarto ko, nagulat na lamang ako ng makita ko kung sino ang nag friend request sa akin.
'Joshua Carmello wants to be your friend.'
Nagtaka naman ako kung bakit ganito lamang niya kabilis nalaman ang social media account ko? Kung si Doktora Danaya nga hindi pa nagse send ng friend request sa akin, tapos nauna pa talaga siya? Kumunot ang noo ko. Siguro may access siya sa mga employee files o baka naman tinanong niya ako sa boss ko? Either way, sobrang naghe hesitate ako na i accept ang friend request niya.
Hindi pwede na i entertain ko ang isang lalaki na kagaya ni Joshua kahit na sobrang naa attract ako sa kanya. First of all, may Fiance siya at ito ay walang iba kung di ang half sister ko. At secondly, ayaw ko pang i priority ang pag lo love life. Never akong papatol sa kanya kasi masisira lamang ang buhay ko. Pero I don't want to jump on conclusion just yet, baka ako lang itong naga assume sa kanya. Baka nga gusto niya lamang akong maging kaibigan kaya siya nag send ng friend request sa akin. Or pwede rin siguro na may work related reason siya kaya niya ito ginawa at ako lamang itong sobrang mag overthink?
Subalit bukas ko na lang siguro iintindihin yung pag accept or decline ng request niya sa akin, sa ngayon ay matutulog muna ako nang mawala itong stress kong nakakaloka. Ayaw ko pa naman sanang lumala ang eyebags ko kaya lang no choice naman ako.