FAYE POV
"Talaga? Pwede ko bang malaman?" pag uusisa ko pa, gusto ko lang malaman kung ano ang rich problems nitong half sister ko na sobra kong kina iingitan.
Tumingin naman siya sa kanyang orasan at muling napatingin sa akin, "Oh it's already five minutes, sorry pero kailangan mo na sigurong umuwi."
"Hindi ayos lang sa akin," pangungulit ko pa. Kailangan ko lang talaga malaman kung ano na ang nangyayari sa buhay niya.
Bigla namang nag ring ang cellphone niya. Binitin lamang ako sa gusto kong malamang impormasyon. Kinuha niya ang cellphone niya.
"Sorry kailangan ko na rin pa lang bumalik sa loob. Isang minute lang akong ma late, sigurado ako na magagalit sa akin si Cherry. Let us talk about this some other time. Naniniwala naman ako na hindi ito yung huling beses na mag uusap tayong dalawa di ba?"
"Ah ganun ba? Sana sa susunod ay maging mahaba ang usapan nating dalawa."
"Oo naman. But again, I just want to remind you na sana ay wag makakarating sa ibang tao itong conversation nating dalawa. Lalong lalo na kay Cherry or sa doktorang kausap mo kanina. Ayaw ko lang na magkaroon ng issue."
"Kahit naman ako ay ayaw ko rin magkaroon ng issues. Basta ang gusto ko lang sana ay tahimik na buhay."
"Sige," bigla niyang kinuha ang wallet niya at binigyan ako ng tatlong libong piso. Nagulat na lang ako.
"Consider that as your advance payment. Bili ka ng mas magandang uniform sa office kung wala silang ipo provide."
Pagkatapos nito ay umalis na siya. Ayaw ko man tanggapin pero aaminin ko na malaking bagay na rin sa akin yung pera na binigay niya. Pwede kong abutan si mama mamaya kapag umuwi ako para naman mayroon siyang pang grocery.
Umuwi na rin ako mag isa at pagkarating ko naman sa bahay, nagulat na lamang ako kasi sa gate pa lang ay rinig na rinig ko na ang boses ni Justin. Kausap niya pa si mama. At sa tingin ko ay sa sala silang dalawa nag uusap.
Really? Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito ngayong gabi na? Right after ko siyang makita kanina na may kasama at ka holding hands na ibang babae, mayroon pa talaga siyang mukha na maihaharap sa akin?
Pumasok ako sa loob at tama nga ako, siya ang bwisita ko ngayon at may dala siyang bulaklak. At sobrang nag imporve pa kasi isang bouquet ng bulaklak ang dala niya. At mayroon pa siyang dalang cake na kinakain na nilang dalawa ni mama. Sarap na sarap sila sa pagkain nila nito at tila ay mayroon silang mga sariling mundo.
"Nandito na po ako," sambit ko, tsaka sila parehas na lumingon sa akin. Pinilit ko namang ngumiti kahit na pagod ako.
Sumigla naman ang mukha ni Justin nang makita niya ito. Lumapit naman ako sa kanila at nilapag ko ang bag ko sa lamesa. Si mama naman, umalis bigla at hinayaan niya kaming makapag usap ni Justin.
"So kamusta nga pala ang first day of work mo? Mahirap ba ang trabaho mo? Hindi ka ba sinungitan ng boss mo?" sunod sunod niyang tanong sa akin.
"Maayos naman ang trabaho ko," sagot ko sa kanya. "Pero nakakapagod lang din."
"Ganito talaga ang buhay. Kahit naman ako nahihirapan din sa trabaho ko eh. Sobrang hirap kaya mag turo lalo na nang pasaway na mga students sa classroom. Tapos pag quiz naman, ang daming mga nangongopya. Minsan nga hinahayaan ko na lang kasi minsan naaawa na lang ako. Noong student din kasi ako, madalas akong mangopya."
"So noon pa lang talagang cheater ka na?" tanong ko, nagpapasaring lang ako sa ginawa niya kanina na pakikipag holding hands sa ibang babae. Ayos lang naman kasi sana sa akin kung aamin na lang siya na mayroon siyang ibang babaeng nililigawan. Pero sa nakikita ko, hindi pa rin siya sumusuko sa akin.
"Cheater?"
"Oo... kasi di ba cheat yung pangongopya sa klase? Bakit parang ang slow mo naman? Ano bang cheat yung iniisip mo? Yung cheat sa relationship?" pahaging kong ulit, sana man lang ay sabihin na lang niya sa akin ang totoo para wala na kaming problema pa.
Dinaan niya lang ang reaksyon niya sa isang ngiti, "Grabe ka naman... hindi ko naman magagawa yung bagay na iyan kasi loyal akong lalaki. At tsaka wala naman akong ibang nililigawan na iba. Ikaw lang talaga..."
Ang sarap lang talaga panuorin ng lalaki na huling huli kong nagsisinungaling. Mas lalo ko tuloy siyang ayaw na sagutin sa ginawa niyang ito.
"Hayaan mo na. Ayaw kong mapalayo ang usapan nating dalawa. Pero salamat naman at dumalaw ka rito at nagdala ka pa talaga ng cake at flower bouquet. Hindi ko ine expect na ganito ang bawi mo sa akin pagkatapos ng ilang araw natin na hindi pagkikita," sambit ko.
"Ah eh kasi... sobrang busy lang din ako nitong dalawang araw. Sobrang dami ko rin ni record na mga exams ng students ko. At tsaka nagkaroon lang din ako ng mga personal problems that is why I was unable to come here for two days."
"Look, hindi mo naman kinakailangan na pumunta rito sa bahay palagi eh. At mas lalong hindi mo kailangan na magdala ng kung ano ano sa akin. Busy na rin ako ngayon kaya minsan kapag uwi ko, talagang pahinga ang hinahanap ng katawan ko. Sana naman ay maintindihan mo rin."
"Sige... pero sana pumunta tayo sa park minsan. Or kaya i schedule natin. Gusto ko lang din kasi gumala pampatanggal ng stress."
"Okay fine..." sagot ko kahit na tinatamad talaga akong sumama sa kanya. "Pero sa ngayon, let us call it a night. Pwede ka nang umuwi kung gusto mo. Magkita na lang tayo next time."
"Saglit lang... bago pala ako umuwi mayroon pa akong gustong sabihin sayo..."
"At ano iyon?"
"Mayroong gaganapin na event sa school ang mga teachers. Eh kasi mala JS prom din. Katuwaan lang ng mga teachers. Eh ako na lang kasi ang walang partner kaya ikaw sana yung gusto kong isayaw. Wag kang mag alala kasi gabi naman gaganapin yung event. So ano papayag ka ba?"