FAYE POV
Paglabas ko sa cr, nagulat na lamang ako dahil sa nakita ko ang fiance ni Cherry. Nakatitig siya sa akin na tila ay may something siya. Pagnanasa or what? Ang hirap nitong basahin. Ilang segundo lamang ito nagtagal kaya naman lumihis kaagad ang tingin ko sa daan.
Sa ganda ng fiance niya, siguro ay imposible na magustuhan nito ang isang katulad ko. Bumalik na ako sa reception area at mismong si Doktora Danaya na ang nag turo sa akin ng gagawin.
6 pm naman ng gabi ang labas ko sa hospital. Nakaka pagod mag trabaho pero kinakaya ko na lamang. Mas maigi na ito kaysa naman sa isa akong maging dakilang tambay.
Sa hirap pa naman ng buhay ngayon, ang hirap nang pagkasyahin yung kakarampot na kikitain pero mas maigi na ito kaysa sa mangutan. Nang dumaan ako sa parking lot, mayroon naman akong naramdaman na sumusunod sa akin. s**t! Dapat pala ay nagdala ako ng peper spray para naman mayroon akong proteksyon para sa sarili ko.
Medyo madilim pa naman sa lugar na ito kaya nakakatakot din. Siguro kung may tatay talaga ako na nagmamalasakit sa akin, mayroong susundo sa akin sa pag uwi ko. Kaya lang, sobrang walang kwenta yung napili ni mama.
"Miss. gaano ka na katagal na nagtatrabaho rito?" tanong ng isang lalaki sa likuran ko, mayroon siyang malamig na boses.
Paglingon ko ay nagulat ako dahil ang lalaki na ito ay walang iba kung di ang fiance ni Cherry. Mas makinis pala ang mukha niya sa malapitan. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako makapaniwala na siya ang lalaking sumusunod sa akin. Siguro naman ay dapat na akong magpa kampante sapagkat wala siyang gagawin na masama sa akin.
"Ah... good evening sir... baguhan lang po ako rito..." nauutal na sagot ko sa kanya.
"I see... I just saw you eating at the canteen later and I could not help because you looked like exactly my ex girlfriend... she was as beautiful as you are..."
Ayos lang ba siya? The way he talks, para bang wala siyang pakialam na maaaring magselos ang kanyang fiance sa ginagawa niyang ito. Wala akong plano na mang agawa ng jowa kahit na ito pang si Joshua ang defenition ko ng perfect guy para sa akin. Hindi lang talaga pwede!
"Ganun po ba..."
Lumapit pa siya sa akin dahilan para humakbang ako patalikod. Hindi lang din siguro talaga ako sanay na may ibang lalaking lumalapit sa akin bukod kay Justin.
"Wag kang matakot sa akin kasi hindi naman kita sasaktan. As a matter of fact, gusto nga sana kita yayain na magkape or kahit anong food trip. Treat ko naman bilang bagong employee ka rito."
Kung sa ngiti lamang pagbabasehan, ang hirapn niyang tanggihan. Kaya lamang, aware ako na mayroon na siyang karelasyon at kahit na saang anggulo pa tingnan ay mali itong ginagawa naming dalawa.
"Sorry pero..."
"I take no for an answer. I am the new executive of this hospital. You might want to change your mind!"
Napalunok na lamang ako sa kaba. In as much as I'd like na tumanggi, mukhang ginagamit niya ang kanyang posisyon upang makuha niya ang gusto niya.
"Sige pero five minutes lang po sana ha? Kasi kailangan ko pong umuwi."
"It turns me off when someone address me by using po when in fact I am as same as you are. Anyway, let's go to a nearby coffee shop. Pramis, my fiance is not going to know about this. This is just between you and me!"
He gave me this wide smile na para bang ang saya saya niya na pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Pumunta naman kaming dalawa sa star bucks at ngayon lang ako naka tikim ng tag 300 na coffee. Yung grande na ang sarap sarap ng lasa. Puro 3 in 1 kasi ang madalas kong inumin. Galanteng galante siya pero sigurado akong barya lamang sa kanya ang ganitong klase ng kape.
"Salamat sa libre sir..." nauutal ako, nahihiya lamang din akong tanungin kung ano ang pangalan niya.
Ngumiti siya sa akin, "Just call me Joshua. You can drop the sir since nasa labas naman tayong dalawa."
"Ay sorry Joshua..."
"By the way, I really wanted to know you more. And consider this one as a friendly talk. Don't worry, alam ko naman ang mga limitations nating dalawa. Just tell me something about yourself?"
"About myself?"
"Yes... like nasaan ang mga magulang mo at ano ang mga work nila?"
Nakakatawa naman yung tanong niya sa akin. Talagang inumpisahan niya talaga sa mga magulang ko. So ano yung gusto niyang malaman? Na totoong tatay ko si sir Miguel at half sister ko yung fiance niya? At yung nanay ko ay mayroong nobyong lasingero?
"Eh housewife lang naman ang mama ko at yung papa ko naman ay mayroong maliit na barbershop," pagsisinungaling ko. "Tapos ako naman, nakapagtapos ako ng nursing. Hindi naman sa pagyayabang pero isa akong honored student at ito ang first job ko."
Napangiti naman siya sa sinabi ko. Wala naman akong ibang ipagmamalaki sa buhay kung di ang pagiging honored student ko. Aside from that, wala na akong iba pang maipagmamalaki.
"Wow! So sobrang talino mo pala talaga? Ang layo mo naman kay Cherry. Kasi iyang fiance ko, hindi niya talaga kaya kapag wala ako sa tabi niya. Wag mo na lang sabihin kasi may pagka engot siyang babae."
Napakunot naman ang noo ko sapagkat hindi ko siya inaasahan na ilalaglag ang kanyang fiance sa akin. Kanina lamang ay sobrang sweet nilang dalawa tapos ngayon ay sinisiraan na niya ito sa akin.
"Ha? Pero-"
"Pramis, I am not trying to destroy her image. I am just telling you the entire truth. Wala naman akong galit sa kanya or anything of the sort."
"Pero mawalang galang na sana... kailan pala kayo ikakasal?"
"Five months from now, ikakasal na kaming dalawa kaso she is facing a lot of problems. At yung mga problema na iyon ay sobrang titindi. Magugulat ka na lang."
Lalo tuloy akong na curious kung gaano kalala ang pino problema nitong half sister ko.