FAYE POV Nakasalubong ko naman si Doktora Danaya habang papunta ako sa reception area. "Good morning Ma'am," masayang pagbati ko sa kanya. "Good morning din. It seems na blooming ka ngayong araw ha? Ganyang ganyan din ako noong in love ako eh." Right after niyang magsalita, dumaan naman bigla si sir Joshua sa aming harapan. Lumingon na naman si Ma'am Danaya, mas lalo akong kinabahan kasi sa tingin ko ay mas lalo na siyang naghihinala na talagamg mayroon kaming something ni Joshua. Nang umalis na si sir Joshua, mas lalo siyang napatingin sa akin. Yung mayron na siyang pagdududa sa akin. Hapon naman, habang naka duty ako, mayroon na namang dumating na bulaklak sa akin. Subalit hindi kagaya ng kahapon, mas maliit ito pero red roses pa rin naman. "Sana all na lang talaga teh!" sabi

