FAYE POV Nakakapanghina ang ganito pero nagugustuhan ko na naman ang halik niya. Kaya naman nakisabay na lang ako sa agos. At aaminin ko, ngayon ay mas lalo nang lumalim ang pag tingin ko sa kanya. "Punta tayo ulit doon sa pinuntahan nating restobar. Na miss ko lang din yung kape." Bigla naman akong nakarinig ng yapak ng mga paa papunta sa sasakyan ni Joshua. "s**t! Magtago ka sa likod ng kotse, ano ang bahala sayo," sagot ni Joshua, bakas ko rin ang nagkukubling takot sa kanyang mukha. Sure ako na si Cherry itong babaeng dumating. Subalit imbes na sa likod ng kotse, lumabas ako at nagtago sa kabilang kotse. Ayaw kong ipahamak ang aking sarili kasi lagot talaga ako kapag nakita ako nitong maldita kong kapatid. Sakto namang paglabas ko ay nakita ko si Cherry. Lumabas naman si Joshua

