FAYE POV Tumingin naman ng direcho sa akin si Joshua. "Look, ikaw na ang gusto ko at hindi na si Cherry. Mayaman nga siya pero wala siyang binatbat sayo. Di hamak na mas maganda at mas matalino ka naman sa kanya. Mas gusto ko nga ng simpleng babae kaysa sa isang kagaya niya eh." "Teka lang ha? Kasi alam mo, sobra talaga akong nalalabuan sayo eh. At isa pa, never ko talagang gagawin na makiapid sa isang lalaki na mayroon nang ka relasyon. Malay ko ba na baka ginagawa mo lang akong part time relationship sa tuwing mag aaway kayong dalawa ng fiance mo? Kawawa naman ako, ayaw ko pa naman na maging second option lang." "Teka lang? Bakit para naman yatang di ka pa rin kumbinsido ha? Handa ko naman patunayan ang sarili ko sayo eh. Basta ang bukod tanging hinihiling ko lang naman sayo ay an

