Chapter Sixteen
Ilang araw na rin ang lumipas simula nang sabihin ni Dr. Faraday ang mga abilidad mayroon sina Cedric, Ellina at Matt na talaga namang malaking tulong para sa amin upang malabanan ang mga ABI at ipagtanggol na rin ang aming mga sarili. Ang mas nakamamangha pa rito ay kaya na nilang gumalaw kapag i-freeze ko ang time sa Asymptote Universe. Hindi tulad ng dati na nagiging statue rin sila sa tuwing pini-freeze ko ang oras.
Panandalian nagkaroon ng katahimikan sa loob ng Campsite, pahinga lang ang tanging ginawa namin buong maghapon. Ilang araw na rin kaming walang ginawa kung hindi ang magplano lang ng mga strategy namin sa Asymptote Universe. At ngayon, wala na naman si Mom at Dr. Faraday. Lagi talaga silang busy araw-araw at hindi man lang nagbigay at laan ng oras upang magpahinga. Bago ito ngayon, sapagkat kasama nila si Matt. Kanina pa sila nasa laboratory at alam kong may dini-develop na naman silang bagong idea.
Malamang ay tungkol na naman sa mga computer programs. Ilang oras na rin sa loob ang mga ito. Habang kami, nina Ellina at Cedric ay nakatunganga na lang habang hinihintay ang mga susunod naming gagawin. Walang nagkikibuan sa aming tatlo ngayon habang naka-upo sa benches. Titigan at ngitian lang ang ginagawa naming tatlo kaya medyo nawe-werduhan na ako sa kanila at maging sa sarili ko.
Ilang sandali ay tumunog na ang pinto at iniluwa roon si Matt na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Tila may maganda yatang nangyari sa loob.
Magkadikit pa ang mga kamay ni Matt habang naglalakad palapit sa amin at isa-isa kaming binato ng makahulugan niyang ngiti.
Kasama niya sa paglabas sina Mom at Dr. Faraday na gayon din ang ekspresyon ng mukha. Tila may nagawa na naman silang bagay na nagustuhan nila na alam kong magpapamangha na naman sa amin.
Ilang hakbang lang ay nasa harap na namin sila, naiwang nakatayo si Mom at Dr. Faraday habang si Matt ay lumapit sa kinauupuan ko at pumagitna sa amin ni Cedric.
"Everyone listen to me," my Mom uttered.
We fix our eyes on her and look at her intently. Isa-isa niya kaming pinukol ng tingin habang nakangiti.
"My husband Zackaria plan this, but unfortunately we didn't finish it 'cause the Cyborgs trace our location," she started. Nangunot ang noo ko sa mga inusal ni Mom. "I don't know how they track our location, but I have the guts that it was someone on our team who traitor us. After all, months later and here it is! I made it, I fulfill Zackaria's dream, our dream rather. Thank you for Matt for helping me building this one. And also of course to Frances," mahabang paliwanag ni Mom.
Nakikinig lang kami sa kaniyang mga sinasabi, hindi ko alam kung ano ito. Sapagkat walang binabangit si Mom sa akin ukol dito.
Ngayon lang nga ako naging aware sa mga bagay na ito eh. Mabuti na rin at ganito ang nangyari dahil sa mas nakilala ko pa ang aking sarili.
"What is it, Mom?" I asked her confused.
She smiles at me and said, "I build a world which we can change your clothes. A world where you can take a get a g*n as your protection," sabi nito na nagpalaki ng mata naming tatlo.
Si Matt naman ay nangiti lang sa mga inusal ni Mom. Si Cedric ay nanlaki na lang ang mata.
"We're here, because I want you all guys try it," she said.
Nagtaas ng kamay si Ellina na nakatawag ng atensyon naming lahat. Ugali na talaga nitong magtaas ng kamay kapag nagtatanong.
"Hmmmm? Want something to say?" tanong ni Mom.
Tumango si Ellina at umusal, "Maaari ba naming gamitin ang aming kapangyarihan sa mundong nagawa niyo?"
"No, Ellina. We created the world not exact how the Asymptote Universe created. It was vulnerable. This might create errors and will trap you there," Si Dr. Faraday na ang sumagot.
Nanlaki ang mga mata naming lahat sa inusal ni Dr. Faraday. Ito ang mundo na sinasabi ko rati. Na pwede kang magpalit ng damit. Sa wakas, natupad na rin ang isa sa mga gusto ni Dad.
"Your father was right, Ellina, but don't worry, because after that. We will divert you to the Asymptote Universe," sabi ni Mom.
Napalunok ako ng aking laway. Ito na naman... Bakit ba kami papasok pa ng Asymptote Universe kung kapahamakan lang ang kahahantungan namin? Parang gusto ko na lang mag-stay muna rito. Bakit ba kasi hindi pa rin kami makahanap ng clue kung paano mapababagsak ang Asymptote Universe.
"Ano? Let us try it?" aya ni Mom sa aming lahat.
Tumango na lang kami bilang pagsang-ayon kay Mom. Sabay-sabay pa kaming tumayo at sumunod kina Dr. Faraday papasok sa lugar kung saan nakalagay ang aming mga sickbays.
Nang makarating ay nahiga kami sa aming mga sickbays, kasabay noon ay ang pag-install ni Dr. Faraday ng stripped wires sa aming lahat.
Bumilang si Dr. Faraday simula Three pababa hanggang one at bigla ngang dumilim ang buong lugar. Tulad ng nauna, ramdam ko ang malakas na pwersa na humihila sa akin. Para akong nahuhulog.
Kalaunay, nagmulat din ako ng aking mata. Napabuka na lang ako ng aking bibig sa sunod kong nasaksihan.
Inilibot ko ang aking mga mata at bahagya pang kinusot kung totoo ba ang aking nakikita.
Isang buong silid na punong-puno ng iba't ibang uri ng damit ang tumabad sa amin. Para kaming nasa loob ng mall na puro damit ang nakalagay.
"Wow... Cool..." sabi ni Cedric habang inililibot ang mata sa buong paligid.
Si Ellina naman ay halos mabali na ang leeg kakalibot ng kaniyang mata.
"Guys, that part where you can choose your clothes. Maglakad pa kayo ng kaunti patungo sa dulong bahagi na iyan. There, you will see the different kinds of g*n. Yeah, is it not suitable for you cause you're too young to handle the g*n, pero wala tayong ibang choices. You need it to protect yourself from ABIs," mahabang paliwanag ni Mom sa aming lahat na umalingawngaw sa aming mga utak.
Isa-isa kaming nagkatapunan ng tingin bago. Isa-isang kumurba ang ang mga labi at tila alam na ng bawat isa ang iniisip. Ilang sandali lang ay nagsimula na kaming mamili ng damit na maisusuot.
Naghiwa-hiwalay pa kami upang maghanap ng damit na babagat sa amin.
Makalipas ang ilang minuto ay nakahanap na kami ng aming isusuot. Agad kaming pumunta ng fitting room upang makapag-palit na kami ng aming mga kasuotan.
Hindi kami nag-usap pero naka-kulay itim kaming lahat. Magka-iba lang sa suot naming mga jeans.
Lumipas ang ilang saglit ay muli kaming nagtipon na apat sa iisang sulok.
"Let go where the guns are placed, let's rock the Asymptote Universe," Cedric said to us. Nakangiti pa ito sa amin ng malapad kaya't napangiti na lang din kami sa kaniya.
Tumango kami isa-isa bilang pagsang-ayon saka nagsimulang maglakad.
Ilang minuto rin ang aming nilakad hangang sa makarating kami sa isang lugar kung saan nakahilira ang iba't ibang uri ng b***l.
May machine g*n, 45, riffles and marami pang iba na hindi ako familiar. Nanlaki na lang ang aming mga mata habang pinagmamasdan ang buong paligid namin na walang ibang nakalagay kung hindi ang b***l.
"Kumuha kayo ng b***l na gusto niyo guys ang in a minutes I will divert you to the Asymptote Universe," sabi ni Mom.
"Mom? Why we still use g*n instead of our ability? Para saan pa ang kakayahan namin hindi ba?" I asked.
Napatingin kami sa isa't isa. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata na gayon din ang nais nilang sabihin at sumasang-ayon sila sa sinabi ko.
"Take some, you need it just in case. I told you everyone that you shouldn't use your ability except it is necessary. Okay?"
"Sige po, ma'am Britty," sagot ni Matt.
Isa-isa na silang dumampot ng b***l. Kumuha sila ng mga malilit lang kung saan kaya lang itago sa loob ng kasuutn nila.
"Kumuha ka na," sabi ni Matt.
"Ha? O-o-oo," I said and take some.
"Mayroon na ba lahat?" my Mom asked.
"Precisely," sagot ni Cedric.
"Okay, ready yourselves. In a minutes you'll be divert in Asymptote Universe."
Ilang sandali ay bigla na lang nagbago ang temperatura ng buong lugar.
"Nasaan na tayo?" tanong ni Ellina.
"Asymptote Universe, malapit tayo sa tower," sabi ni Matt.
Ngumuso siya upang ituro ang kinatitirikan ng tower. Nanlaki na lang ang aming mga mata.
"Guys! Ready! I don't know how but, they ABI is on your ways!" sabi ni Mom sa amin.
I feel the sudden bang in my heart as my Mom uttered those. Mapapalaban na naman kami.
Ilang sandali na lang nga ay dumating na sa kinaroroonan namin ang mga ABIs.
Isa-isa naming hinugot ang aming mga b***l. Lumapit ang mga ABIs sa amin.
Isang malakas na "Bang!" ang kumawala sa dulo ng b***l ni Cedric. Tumama iyon sa paa ng ABI kaya hindi na ito nakapaglakad.
Sumunod na ako sa pagbaril. Ramdam ko ang init na nagmumula sa hawak kong 45 guns.
Sunod-sunod kung kinalabit ang gatilyo. Hindi ko sila pinapatamaan sa dibdib, bagkus sa kanilang mga paa lang.
Habang tumatagal imbis na kumunti ang mga ABI ay lalo pa itong nadadagdagan. Hindi nin alam kung saan ba sila nagmumula.
Ilang kalabig pa ang ginawa namin hanggang sa tuluyang naubus ang aming mga bala.
"Guys! Where trap!" sabi ni Cedric.
Napalibutan kami ng mga ABI kaya't pumabilog kaming lahat.
"Wala na kayong ligtas," sabi ng isa sa mga ABI saka ngumisi. May hawak itong isang bagay na tila isang remote. May pinindot siya roon.
Bigla na lang may parang magnetic field na bumalot sa buong paligid.
"Guys! Careful, they use Illusion!" sabi ni Dr. Faraday.
"Zyck, freeze the time and I'm gonna fire them up," sabi ni Cedric.
Tumango ako sa inusal ni Cedric. Napabuka na lang ang aming mga mata nang biglang dumilim ang lugar at pinalot kami ng isang parang metal na bagay.
Nakulong kami sa loob kasama ang mga ABI. Biglang nagbago ang lugar kung saan kami naroroon. Kung kanina ay nasa city kami ngayon ay para na kaming nasa isang disyerto.
Pumalibot amg mga ABI sa amin at naghahanap ng tyempo para umataki.
Nang makahanap nga sila ng tyempo ay sabay-sabay silang tumakbo patungo sa amin.
"Stop!" I shouted and everything stop.
"Take this!" sigaw ni Cedric.
Bigla na lang naging isang revolving machine g*n ang kamay nito. Umikot iyon ng mabilis. "Yaaaah!" he shouted. Nagpaulan ito ng bala sa mga ABI.
"Papalutangin ko silang lahat!" sigaw naman ni Matt.
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Biglang napahinto si Cedric sa pag-b***l at ibinalik sa dating anyo nito ang kaniyang mga kamay.
"Go!" sigaw ni Cedric.
"Good job guys, you're doing great!" sabi ni Dr. Faraday.
Nang tignan ko si Ellina ay natahimik lang ito at napukos ang sarili sa ibang bagay. Hindi ko alam kong ano na ang ginagawa niya ngayon. Siya lang kasi ang may kakayayahang imanipula ang system. Baka may plano rin ito hindi lang namin alam.
Isa-isang umangat ang mga ABI. "It works!" sigaw ni Matt.
Napabuka na lang ang aking mga labi at nanlaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang mga naglulutangang mga ABI.
"Continue mo na!" sigaw ni Matt.
"Continue!" I shouted.
Bigla na lang bumagsak ang mga ABI sa seminto at napapilipit sa sakit ng katawan.
"Guys, ibabalik ko sa normal ang lahat. I got how they make the Illusion!" sabi ni Ellina.
Sabi ko na may binabalak itong si Ellina eh. "Do it!" sigaw ko.
Bigla na lang nag-glich ang buong lugar. Ilang sandali lang nasa city na kami ulit.
"We have to leave this place," aya ni Cedric. "Let's go!" he added.
Umalis kami sa lugar at iniwan ang mga namimilipit na mga ABI dahil sa sakit ng katawan mula sa pagkakabagsak. Ang iba sa kanila ay tuluyan ng nawalan ng malay.
Magtagumpay kaming nakaalis ng wala man lang nakasusunod na ABI.
----