Chapter Fifthin
Tahimik kaming lahat at parang wala sa sarili. Tila lahat ay pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga hitsura namin.
Narito na naman kami sa sofa upang magpahinga sandali. Kalalabas lang din namin galing sa aming mga sickbays. Iniisip pa rin kung paano namin natakasan ang mga ABI sa kabila ng lahat. Muntikan na kaming mahuli ng mga ito sa Asymptote Universe. Mabuti na lang at nasagip kami ng train.
Isa-isa akong napatingin sa aking mga kasama na ngayon ay tila wala sa sariling pag-iisip. Naiwan yata ito sa Asymptote Universe nang umalis kami.
Napansin ko si Ellina na nakatulala na lang sa kawalan, gayong din ang reaksyon ni Matt. Si Cedric naman ay napakagat na lang ng kaniyang hintuturo habang may malayong tingin.
Napahinga na lang ako ng malalamin kaya't nakatawag ang atensyon nilang lahat.
They fix their eyes in me. "Ang seryoso niyo na masyado," I said to them. "Nami-miss ko na iyong pang-aasar niyo alam niyo ba iyon?" sabi ko sa kanila upang kahit papaano ay ma-lift up ko ang atmosphere naming lahat.
Wala silang naging sagot sa inusal ko, bagkus tinignan lang nila ako sa mata. Muli akong napabunga ng hangin, ano bang nagyayari sa kanilang tatlo?
"Zyck." Napatingin ako kay Mom na kalalabas lang galing sa isang pinto kung saan kami nagmula. Kasama niya si Dr. Faraday at papalapit din ito sa amin. "How would you know the ability you had?" sabi nito saka napa-upo sa sofa katabi si Ellina. Magkaharapan kaming dalawa ngayon.
Seryoso ang boses ni Mom at alam ko kapag ganito ay may magaganap na hindi namin magugustuhan.
Napaayos na silang lahat ng upo nang nagsimulang magtanong si Mom. Tinapunan ko siya ng tingin. Ito na nga ang abilidad ko na ayaw sabihin sa akin ni Mom at Dad noon pa man.
"Hmm?" she said to me when she notice that I still don't want to answer her.
Tumabi si Dr. Faraday kay Matt habang nakapako ang tingin sa akin. Tulala pa rin si Matt kaya't medyo nagulat ito nang tumabi si Dr. Faraday sa kaniya. Napatingin siya rito saka umusog ng kaunti upang bigyan ng space si Dr. Faraday.
I look straight to my Mom's eyes. "I accidentally use it last time I entered the Asymptote Universe," paliwanag ko. "Why?" I added.
"You shouldn't know this, alam kong ganito ang mangyayari," she said seriously. "Pero, wala na akong magagawa. Baka ito na rin ang itinakdang araw para malaman mo."
Nangunot bigla ang aking mga noo at naningkit ng bahagya ang mga mata. "What is it?" I asked her.
"You can freeze the time in Asymptote Universe using your mind. Your brain produces current in order for you to stop the time there Honey. Ito na ang kinakatakutan namin ng Dad mo before, that's why we won't allowed you to enter to the Asymptote Universe or tell you about this kasi alam naming manganganib ka, tayo," she said that left me dumbfounded.
"Everytime you use your ability there is some possible cases to happened," sabi nito.
Natawag ang atensyon ng lahat at ngayon ay nakatingin na sila kay Mom at punong-puno ng pagkasabik sa susunod na sasabihin ni Mom sa akin.
"One, they might be trace the location of our camp. Two, they will know your location in Asymptote Universe, and three they might replicate the features of yours and make there own version of this or worse, they might not be affected if you freeze time," paliwanag ni Mom na sabay-sabay nagpalaki ng aming mga mata.
"Katulad ng unang nangyari sa atin dito hindi ba Dr. Faraday?" tanong ni Matt.
"Indeed, they trace us. Fortunately, we lost their link to us and we use other IP address," sagot ni Dr. Faraday.
"Mabuti nga at hindi nila na-trace ang location natin at ang location niyo lang sa Asymptote Universe ang nakuha nila, you have to be careful using that ability. Hindi pweding basta mo na lang gagamitin iyan Zyck," may pag-aalala sa tinig ni Mom.
Napayuko na lang ako sa mga inusal ni Mom. "Sorry, Mom."
"It doesn't matter. Ang mahalaga, we're safe after all hmmm..." Inilibot niya ang kaniyang mga mata at isa-isa niya kaming tinapunan ng tingin.
"Okay... Wala ba kayong i-kukuwento sa amin sa kaganapan sa Asymptote Universe?" tanong ni Mom.
"I bet you heard about the person we encountered. His name was Bernardo and his wife named Losing," Cedric dowelled.
Napatingin si Mom sa kaniya, maging si Dr. Faraday ay napako rin ang tingin sa kaniya.
"Oh the one who save you from the ABIs, right?" sagot ni Mom.
Tumango si Cedric sa tanong ni Mom sa kaniya. "They're being aware of the surrounding they have. Dati kasi, hindi sila ganito. They are just like a robot before, but now. It changes... mukhang unti-unti na nating mapababagsak ang Asymptote Universe." Napangiti siya habang inuusal ang mga kataga sa aming lahat.
"After all, we aren't still sure, Cedric. We need confirmation about that. What if it is just a pitfalls?" may pag-aalala sa tuno ng tinig ni Dr. Faraday.
"Yes, we aren't still sure," my Mom assented.
Bigla na lang nagtaas ng kamay si Ellina, kaya't napatapon kami ng tingin sa direksyon niya.
"Matanong lang po, hindi po ba kayang i-replicate iyong ability ni Zyck? I mean, what if my ganiyan din po kami. I guess, it will help us to protect ourselves from the ABI," tanong nito.
"Tama po, hindi naman maaari na tumakbo lang kami hindi ba? Paano kung na-trap kami ng ABI?" pagsang-ayon ni Matt kay Ellina.
Tama silang dalawa. Kailangan din nila ito para protektahan ang kanilang mga sarili kapag nagkataon.
Nagkapalitan ng tingin si Dr. Faraday at si Mom sa inusal ng dalawa.
"We can't replicate the features what we putted on Zyck's coaxial cables," sagot ni Mom na nagpalumo sa dalawa.
"Why?" tanong ni Cedric.
My Mom fixes her eyes in Cedric. "Because, we putted those features since Zyck was just an infact. A baby..."
"So, hindi talaga ma-re-replicate po?" tanong ni Matt kay Mom.
Uniling si Mom sa tanong ni Matt. Napabagsak na lang ang balikat nilang lahat sa kanilang narinig.
"But, don't worry guys. I can create your own." Ngumiti si Mom ng napakalapad sa kanila.
Bigla na lang tila nagka-ilaw ang mata ng tatlo sa sinabi ni Mom.
"Kung gano'n magkakaroon din ka?" sabi ni Ellina.
Tumango si Mom. "I can't replicate Zyck features, but I can create you your own ability. I'm going to install some chips behind you so that you can it to protect yourselves."
"And what ability is it?" tanong ni Cedric.
"You'll find it out. But, for know. Take a rest and time... You need to gain your energy... And, I'm gonna prepared the chips will be implant in you," paliwanag ni Mom sa aming lahat.
Napatango na lang kaming apat bilang pagsang-ayon ni Mom.
"Britty, I will help you creating the Chips," sabi ni Dr. Faraday.
"S-sure."
"Okay. Guys, we will called you if the chips are ready okay?"
"Thank you, Ma'am Britty," sabi ni Matt.
Tumango lang si Mom saka tumayo. Sinundan na siya ni Dr. Faraday at nilisan kaming apat sa benches.
Muli na namang natahimik ang buong paligid. Napasandal na lang kaming lahat sa backrest ng benches upang bumawi ng kahit kaunting lakas.
"By the way, I need to rest," pagbasag ni Cedric ng katahimikan.
Napahawak siya sa kaniyang batok na animo'y pagod na pagod. Tumango na lang kami sa kaniya bilang pagsang-ayon.
Bahagya itong tumayo. "Sasama na ako, gusto ko rin magpahinga..." sabi ni Matt.
"Tara." Tumayo si Matt at pumunta na sa direksyon ni Cedric.
Umalis silang dalawa at naiwan kami ni Ellina sa benches. Magkaharapan kaming dalawa at tila nagkakahiyaan sa tuwing magtatama ang aming mga mata.
"A-a-ayos ka lang?" pagbasag ko ng katahimikan. Ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan. Hindi ko alam, bigla ring kumabog ang dibdib ko. Para akong nahihiya na iwan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Tumango ito sa akin ng hindi man lang nagtatapon ng tingin sa akin. Palihim akong nangiti sapagkat tila hindi yata mainit ang ulo niya sa akin ngayon.
"H-hindi ka ba magpapahinga?" tanong kong muli sa kaniya.
"Later," tipid niyang sagot kaya't tumango na lang ako. "Ikaw ba?"
Nanlaki ang mga mata ko nang ibalik niya ang tanong ko. Siya ba talaga ito?
"O-okay lang ako," sagot ko. Ramdam ko ang biglaang pag-init ng aking pisngi.
"Hmmm... Good, I'm.... I'm gonna go..." sabi nito.
Tinignan ko lang siya, bigla siyang tumayo at mabilis na umalis sa kinauupuan niya. Naiwan ako sa benches ng mag-isa.
Napabuga na lang ako ng hangin sa aking ilong at unti-unting humiga. Ramdam ko ang katawan kong bumaon sa foam at napaka-comportable sa katawan.
++++
Lumipas ang ilang araw ay tuluyan na ngang natapos nina Mom at Dr. Faraday ang chips na sinasabi nila.
Pinatawag na nila kami upang magtungo sa aming mga sickbays.
Pagdating namin roon ay agad na tumambad sa amin sina Dr. Faraday at Mom. Nakaharap silang pariho sa monitor at tila may inaayos.
"Ngayon na po ba?" agad na bungad ni Matt na nagpatigil kina Mom.
Tumingin sila sa aming apat saka tumango.
"Yes. The chips, content of what particularly skills you have. Dr. Faraday helps me doing it," my Mom explained.
"Indeed, and I added some other features on it," dugdong ni Dr. Faraday.
"Like what?" Cedric asked baffled.
"You can move if Zyck freeze the time," sabi ni Mom.
Napangiti silang lahat sa inusal ni Mom sa kanilang lahat.
"Okay. Lay face down to your sickbays and I'm gonna implant the chips," my Mom said.
Agad silang tumalima sa inutos ni Mom at dumapa na sa kanilang mga sickbays. Kasama rin nila si Dr. Faraday at hawak na niya ang mga maliliit na chips na kasya lang sa butas sa batok namin.
Naiwan ako katabi si Mom at pinanagmasdan na lang sila Ellina.
Tumaba sila isa-isa at nagsimula na ring magtipa si Mom sa keyboard ng computer niya.
Bigla na naman bumukas ang ceiling ng silid at lumabas na naman ang mga robotics hand. Hindi na ito bago sa akin sapagkat ito na ang pangalawa kong kita sa mga ito.
Inilagay ni Dr. Faraday ang mga chips sa kamay na robot. Tulad ng nauna, nang magtipa si Mom sa computer niya ay bigla na lang naging parang sinulid ang mga kamay nito. Hindi ko alam kung paano na break down into small particles and mga chips.
Unti-unting pumasok sa batok nina Ellina, Matt at Cedric ang mga maliliit na kamay ng robot.
Ilang minuto rin ang itinagal nito bago tuluyang pinaalis ni Mom ang mga robotics hands sa batok nina Ellina at muli itong i-pinabalik sa Ceiling.
"Done!" sigaw ni Mom. "Now, you are officially had your own ability."
Isa-isang umupo sina Ellina, Matt at Cedric. Lumapit na rin kami ni Mom sa kanilang tatlo.
Tumabi rin si Dr. Faraday sa amin ni Mom. Kaharap namin ngayon ang tatlo habang hawak ang kanilang mga batok.
"I feel like being there an energy flowing into my brain," sabi ni Cedric.
"Ako rin," sabi ni Matt.
Si Ellina naman ay tila walang naging reaksyon. Nang magtama ang aming mga mata, ngumiti na ito sa amin na nagpakabog ng aking dibdib.
Anong nangyayari? Hindi ako sanay sa inaasal ni Ellina. Hindi ba dapat galit siya?
Napabuka na lang ako ng aking mga labi habang nakatingin sa kaniya. Nakakapanibago.
"Guys, listen. Dr. Faraday will explain to you your ability. You have to be aware and use this on purpose. Understood?"
Tumango silang tatlo kay Mom bilang pagsang-ayon. Lumapit si Dr. Faraday sa kanila. Napatingin lang sila rito at naghintay sa sasabihin ni Dr. Faraday.
"Cedric," he said. Napatingin sa kaniya si Cedric ng mataman. "Your ability if you're in the Asymptote Universe is; you can transform your hands into what ever you want." Nanlaki ang mga mata ni Cedric sa kaniyang narinig.
"Wow, cool!" sabi nito at pinagmasdan ang kaniyang mga kamay.
"Matthew." Nakangiting tinignan siya ni Matt. " You can lift up things using your mind. Telekinesis I must say."
"Hala, thank you Dr. Faraday, ma'am."
Tumango lang si Mom sa kaniya. Nagkatinginan sila ni Cedric at nag-apir pa. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa habang pinagmamasdan sila.
"Ellina, my daughter." Natahimik kaming lahat at tinignan si Ellina.
"Your ability... You can manipulate the system by means of looking at them. You can put virus and recieve files in your mind."
Napabuka ang mga labi naming lahat ng marinig ang mga ito kay Dr. Faraday. Maging si Ellina ay tila hindi rin makapaniwala.
----