Chapter Fourteen
Lumapit ang babae sa lalakeng dumating na nasa loob na ngayon ng bahay. Tinawag siya ng babaeng Bernardo. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa habang nakatingin sa aming apat.
Napalunok na lang ako ng laway ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Patay na...
"Mahal, mga kaibigan ko sila," sabi ng lalake sa kaniyang asawa na nagpalaki ng aming mga mata.
"Hmmm... Totoo?" hindi makapaniwalang sabi ng Babae.
"Oo, 'di ba?" Tumingin ito sa aming apat kaya't napatango na lang kaming lahat kahit pa naguguluhan. "Sinabi ko sa kanila kung saan tayo nakatira kaya pinauna ko na silang apat dito."
"Ah... kaya pala," sagot na lang ng Babae.
"Mahal, huwag kang mag-alala, kaibigan silang apat," sabi nito ng may paglalambing.
Napabuga na lang ako ng hangin sa aking ilong. Doon ko napansin na mahigpit na palang nakahawak sa kamay ko si Ellina, subalit nang mapansin niya ito ay agad din niya iyong binitawan.
"Maupo kayo," aya ng lalake sa aming apat.
Nauna siyang naupo sa sofa na ilang metro lang ang layo sa pintuan. Pinagmasdan lang namin siya, sa totoo lang ay naguguluhan pa rin kami sa kaniya. Sa inaasal niya at pinapakita sa amin. Napakahirap na kasing magtiwala sa lugar na ito.
"Anong gusto niyo, Juice o kape?" alok ng Babae sa aming lahat.
"Ah-eh... Juice na lang po..." si Matt ang sumagot.
"Sige, i-pagtitimpla ko lang kayo. Maupo kayo."
Tumango na lang kami sa kaniya bilang sagot. Isang ngiti lang ang i-ginanti niya sa amin bago tuluyang umalis at pumunta na ng kusina.
"Maupo kayo," aya muli ng lalake sa amin nang mapansing hindi pa kami kumikulos. "Nakita ko kayong hinabol ng mga—" napatigil siya nang biglang may kumatok sa pintuan.
Malakas ang pagkakakatok nito sa pinto na halos masira na ito. Napatapon ng tingin sa amin ang lalake at muling tumayo kaharap ang pinto.
"Diyan lang kayo," sabi nito sa amin kaya't napatigil kaming lahat.
Binuksan nito ang pintuan at alam kong ABI ang mga ito. Tiyak, wala na kaming ligtas kung sasabihin nitong nasa loob kami ng kanilang bahay.
"Bakit po?" agad na bungad ng Lalake.
"May nakita ba kayong mga kabataaan dito? Apat sila, isang babae, mag-ingat kayo sa kanila mapanganib sila," sagot ng isa sa mga ABI.
Napalunok ako ng aking laway at unti-unti bumalot ang panlalamig sa buo kong katawan. Ramdam ko ang biglaang pagkalabog ng aking dibdib na halos marinig ko na ito. Ramdam ko na rin ang panginginig ni Matt habang si Cedric ay wala man lamang reaksyon at napakagat na lang ng hintuturo.
Napahawak na rin si Ellina sa aking kamay ng mahigpit at ramdam ko ang panlalamig nito.
"Gano'n po ba? Wala naman po akong napansin," sagot nito kasabay ang pag-iling.
Tila bigla na lang kaming nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Sige, kapag makita mo sila o masalubong man lang, tumawag kayo sa amin huh... Hindi sila taga rito... Mapanganib silang apat."
Tumango na lang ang lalake sa mga inusal ng ABI sa kaniya. Ilang minuto lamang ay tuluyan ng umalis ang mga ABI sa kanilang bahay.
"Wala na sila," agad nitong bungad kasabay ang pagsara ng pintuan.
"Hindi ka ba natatakot sa amin? Hindi ka ba naniniwala sa mga ABI?" I said.
Napangisi siya sa amin saka umusal, "Kung mayroon mang masamang tao at dapat katakotan iyon ay ang mga ABI, hindi kayo," sabi nito sa amin saka naupong muli sa sofa.
Nangunot ang aming mga noo sa inusal ng lalake sa amin. Ngayon, kumbinsido na akong kakampi namin ito.
"Guys, huwag agad kayong magtiwala, baka pain lang iyan," umalingawngaw ang boses ni Mom sa aming mga utak.
Nagkatingin pa kaming apat bago tuluyang pumunta sa sofa at naupo kaharap ang lalake.
"Don't worry Ma'am Britty, we can handle this," sagot ni Cedric sa kaniyang isip.
"Paano niyo po nasabi? Hindi po ba kayo sang-ayon sa pamamahala nila?" tanong ni Ellina sa lalake.
Sasagot na sana ang lalake, pero bigla rin itong napatigil nang mapansing paparating ang kaniyang asawa.
"Ito na ang juice... Bernardo, siya nga pala. Bakit ang aga mo yatang umuwi ngayon?" tanong ng kaniyang asawa habang sukbit ang apat na baso ng may lamang juice.
Inilapag nito ang kaniyang dalang juice sa coffee table kaharap namin.
"Salamat po," sabay naming sabi sa Babae.
Napakalawak ng space ng sofa, pero parang napakasikip para sa amin. Nagsisiksikan na kasi kami rito. Honestly, we still feel uneasy and uncomfortable.
Naupo ang babae katabi ng kaniyang asawa at nakangiting humarap sa amin ngayon. Parang kanina lang ay halos maging dragon na ito sa galit.
"Pina-uwi ako ng maaga ng boss ko, pahinga raw muna ako," sagot nito sa asawa.
"Hindi ba ibabawas sa sweldo mo? Alam mo naman ang patakaran dito?"
"Hindi... Ano ka ba?"
"Mabuti... Tika, naiwan ko ang sandwich sa kusina... Kukunin ko lang..." Agad itong tumayo at nagtungo ng kusina.
"Pasensya na kayo sa asawa ko medyo may pagka-bunganga talaga. Ako nga pala si Berbardo. Ang asawa ko namin si Losing," paliwanag nito sa aming apat.
"Bakit mo po kami pinagtakpan sa mga ABI?" agad na tanong ang lumabas sa aking labi.
"Kasi, alam kong hindi kayo masamang tao," sabi nito.
"Paano kayo nakatitiyak na mabuti nga kami?" tanong ni Matt.
Napangiti si Bernardo sa inusal ni Matt. "Kung masama kayo dapat kanina niyo pa kami sinaktan... Kung may masama dito hindi kayo, kung hindi ang mga ABI at ang sistema ng lugar na ito," paliwanag nito na nagpalaki ng aming mga mata.
Sa tuno ng boses nito ay tila hindi ito sang-ayon sa pamamahala ng lugar.
"Hindi po kayo sang-ayon?" si Ellina ang nagtanong.
Bigla itong napasandal sa backrest ng sofa at huminga ng malalim.
"Sabihin na nating oo," tipid itong ngumiti sa aming lahat. "Pinupwersa nila ang mga tao, walang nakikinig sa hinaing ng bawat isa sa lugar na ito. Tila walang nakikinig sa nakatataas. Sarili lang nila ang iniisip nila at walang karapatan ang mga tulad naming nasa baba. Matindi ang magiging kaparusahan," paliwanag nito sa amin. Ramdam ang hinanakit sa bawat binibitawan niyang salita.
Akala ko perpekto na ang lugar na ito, pero ganito pala ang pamamahala sa lugar na ito.
"Ano po ba ang pamamahala nila dito?" tanong ko sa kaniya.
"Mahirap... Para kaming mga alipin sa lugar na ito. Bibigyan ka nila ng task sa isang bagay at kailangan tapos na ito sa itinakda nilang oras at panahon. Kulang naman ang binibigay nilang oras para matapos ang pinapagawa nila sa amin. Sa katunayan, walang pakialam ang gobyerno sa mga nasasakupan nila sa lugar na ito ang mahalaga lang sa kanila ay kumita," sabi nito sa aming apat.
Nagkapalitan kaming lahat ng tingin sa mga inusal ni Bernardo. Mabuti na lang at napunta kami sa bahay na ito. Nalaman namin ang mga bagay na ito. Akala ko talaga walang mga pakialam at emosyon ang mga tao rito, subalit nagkamali ako. Sumusunod lang talaga sila sa utos at walang oras sa ibang bagay sa sobrang kabisihan.
"Kaya po ba napaka-busy ng tao dito? Tutok po sila sa gadgets na hawak nila ano po bang mayroon at halos hindi na nila maalis ang mata nila roon?" tanong ni Matt.
Gusto ko rin sanang itanong iyon kay Bernardo. Napaka-weird nga ng mga tao ukol doon.
"Ah, iyon ba? Nasa gadgets kasi nila ibibigay ang task. Kailangan nilang sundin ang mga inuutos sa kanila sa screen ng computer nila. Kapag kasi nalingat ka lang sa task mo at may nakaligtaan, tiyak may kaparusahan. Dinudukot agad ng mga ABI at hindi na alam kung saan dinadala," paliwanag nito sa amin.
Dumating na rin si Losing sa kinaroroonan namin dala ang isang baso pa ng juice at plato ng sandwiches. Inilapag niya iyon sa lamesa saka ibinigay ang juice sa kaniyang asawa.
"Salamat, Mahal," sabi ni Bernardo.
Pinagmasdan lang namin silang dalawa. Naupo ng muli si Losing katabi si Bernardo.
"Bernardo, sino nga pala itong mga kaibigan mo? Saan sila nangaling? Saka parang kakaiba ang kasuutan nila?"
Napatapon bigla ng mata sa amin si Bernardo. Isa-isa niya kaming binato ng makahulugan niyang tingin. Alam kong umaasa siyang kami na ang sasagot sa bagay na iyon.
"Ako po si Ellina," pakilala ni Ellina katabi si Matt.
"Matt naman po ang pangalan ko," Matt followed.
"Zyck po."
"Cedric," tipid na sagot ni Cedric.
Isang ngiti lang ang binigay sa amin ni Losing, "Mukhang ang babata niyo pa huh? Saan kayo galing?" tanong muli nito sa amin.
"Nanggaling po kami sa totoong mundo," I directly answered her.
Nalukot ang mukha ng dalawa sa mga inusal ko. Tila biglang nabingi ang dalawa sa kanilang narinig.
"Totoong mundo?" Losing asked perplexed.
"Mahirap pong ipaliwanag, napakahabang istorya po..." pagpapatuloy ko.
"Hindi ba ito na ang totoong mundo? Ano bang pinagsasabi niyo?" sabi ni Losing.
"Their memories had been manipulated. The Aliens erased everything from their past and put another one," paliwanag ni Cedric.
Napatingin ang dalawa kay Cedric. "Hindi po kami nagmula sa mundong ito," sabi ni Cedric na nagpakunot ng kanilang noo.
"Paanong hindi?" tanong ni Bernardo.
"Tama po ang sinabi ng mga ABI na hindi kami taga-rito, pero hindi po kami masama. We come here to seek informations. You are under the power of Aliens. They manipulated your brain function pero mukhang may nangyayari ng hindi namin inaasahan," mahabang paliwanag ni Cedric sa dalawa.
"Dr. Faraday, Ma'am Britty. I guess, nagsisimula ng masira ang pundasyon ng Asymptote Universe. Some of the peoples here are being enlightened and aware of the government they had," Cedric whispered.
Napatingin lang kami kay Cedric ng umalingawngaw ang boses nito sa aming utak.
"Good, it is a good sign," sagot ni Dr. Faraday.
Muli naming itinuon ang aming mga mata kay Bernardo at Losing. Punong-puno ng katanungan ang kanilang mga mata.
"Nagmula po kami sa lugar kung tawagin ay Earth. Maraming taon na ang lumipas simula ng sakupin ng mga Aliens ang lugar namin. Natin..." paliwanag ko.
"Natin?" nagtatakang tanong ni Bernardo.
"Oo, nagmula rin kayo roon. Nasa virtual world lang po tayo, ginawa po ito ng mga Aliens para dito ilagay ang mga nakukuha nilang tao para imanipula, hindi po talaga ito ang totoo nating mundo. Ginawa nila ito para sa sarili nilang satisfaction, upang madali nilang makontrol ang mga tao, nakipagkasundo po kasi ang gobyerno natin noon sa mga Aliens kaya ganito po ang nangyari," paliwanag ni Matt sa dalawa. "Alam ko pong mahirap paniwalaan pero iyon po ang totoo."
Napabuka na lang ang bibig ng dalawa habang nakatingin sa amin.
"Kung gano'n? Peki ang mundong ito?" pagsang-ayon ni Bernardo. Si Losing naman ay tila napipi na at hindi na nakagalaw sa kinauupuan.
"Opo, you are under control," si Cedric ang sumagot.
"Guys, you have to leave that place... you have to get back her. Now... " boses ni Mom na nagpatigil sa aming apat.
Napuno ng katahimikan ang lugar ng ilang minuto. Tila iniisip ng mag-asawa kung paniniwalaan ba nila ang mga sinabi namin sa kanila o hindi.
"Mang Bernardo, hindi na po kami magtatagal," paalam ko sa kanilang dalawa.
Napatingin ito sa aming apat. May bahid pa rin ng katanungan ang kanilang mga mata.
"S-sige, mag-iingat kayo..." sagot nito sa aming apat.
Tumango na lang kami bilang pagsang-ayon sa inusal ni Bernardo.
"Maraming salamat po mang Bernardo. Sa pagtago sa amin dito at sa juice po aling Losing," sabi ni Matt. "Aalis na po kami," dagdag pa nito.
Tumayo na kami mula sa aming pagkaka-upo at nagtungo na sa harap ng pintuan. Binuksan ni Cedric at pinto saka lumabas na ng bahay, pero bago tuluyang labas sinulyapan muna namin ang mag-asawa. Tila gulong-g**o pa rin ang mga ito, subalit alam kong nagsisimula na silang magtanong sa gobyerno at pamamahala mayroon sila. Bahagya silang napatingin sa aming apat saka tipid na ngumiti.
Ngiti lang din ang aming naging sagot bago linisan ang lugar at agad na naglakad patungo sa pinakasentrong city ng Asymptote Universe.
Nang makarating kami roon ay agad kaming pumasok sa isang underground highway. Pababa na iyon sa isang train terminal. Dito rin ako dinala ni Cedric noon nang pabalik na kami sa Earth.
Walang kumikibo sa aming lahat at nakikiramdam lang sa buong paligid.
Ilang sandali lang ay narating na namin ang terminal ng train. Naupo kami agad sa waiting area ng train. Kakaunti lang ang mga tao rito at maging sa lugar na ito ay naka-organisa talaga ang lahat.
Ilang sandali lang ay nakita na namin ang train na papalapit sa terminal, subalit ang hindi namin nabatid. Nasa paligid na pala namin ang mga ABI.
"Ayon sila!" sigaw ng isa sa kanila.
Dali-dali kaming napatayo nang marinig namin ang boses nila. Patakbo silang lumapit sa amin, mabuti na lang at sakto ang pagdating ng train kaya't ng bumukas ang pinto nito ay agad kaming pumasok sa loob. Sumunod pa ang mga ABI sa amin, pero tuluyan ng nagsara ang pintuan kaya't hindi na sila nakapasok pa.
Umandar na ang train na ang train at tuluyang naiwan ang mga ABI. Isang malalim na paghinga ang aking ginawa at napabuga na lang ako ng hangin sa aking ilong.
"That was close," sabi ni Matt.
Nang ituon namin ang aming mga mata sa buong paligid doon namin napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao.
Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan namin sa kanilang lahat.
"Hi?" sabi ni Ellina saka bahagyang kumaway, pero walang naging reaksyon ang mga ito. Bagkus, napatingin agad sila sa hawak nilang gadgets.
Ellina sighed deeply. "Worse," she said.
Tuluyan lang sa pag-andar ang train hanggang sa muli itong huminto sa isang terminal. Bumaba kaming lahat at mabilis na naglakad.
Mabuti na lang at walang mga ABI na naghihintay sa amin sa lugar.
Lakad-takbo na ang aming ginawa para makarating lang sa sirang building.
Ilang minuto na paglalakad ay muli naming narating ang isang sirang building. Agad kaming pumasok sa loob at tulad ng inaasahan ko, sira-sira na ang mga parte nito. Nagtungo kami agad sa lugar kung saan may mga kuryenting wala ng balat na rubber. Umiilaw-ilaw pa ang mga ito.
"Ellina, mauna ka na," Matt said.
"Okay," sagot nito.
Hinawakan ni Ellina ang kuryente at bigla na lang nanigas. Napakurap na lang ako bigla ng aking mata nang biglang maglaho si Ellina sa harap naming tatlo. Parang may humugot sa kaniya papasok sa loob ng kuryente.
"Ikaw na Matt," sabi ni Cedric.
"Si Zyck na muna."
Ngumiti ako sa kaniya. "Ikaw na..." I said.
Napayuko siya sa inusal ko. "Sige," he replied.
Humawak ito sa hinawakan ni Ellina at gayon din ang nangyari sa kaniya. Hinigop din siya ng kuryente. Hindi ko alam kung paano nangyayari ang bagay na iyon.
"You first," saad ni Cedric.
Tumango lang ako sa inusal niya at humawak na rin sa kuryente. Bigla na lang pumikit ang aking mga mata ng kusa. Nanigas rin ang buo kong katawan at naramdaman ko na lang na para akong nahuhulog sa isang malawak na space.
Nang magmulat ako ng mata, tumambad na lang sa akin ang ceiling ng Campsite ni Dr. Faraday. Nasa Earth na akong muli...
----