ENTERING TOGETHER

1930 Words
Chapter Thirteen Kinabukasan ay natagpuan na lang namin ang aming mga sarili sa parihong silid. Nasa loob na kami ng shielded round glass. Kaharap namin ngayong lahat si Mom at Dr. Faraday na nagbibigay ng instructions sa aming apat. "This is the day. You enter the Asymptote Universe and tell us everything you see," Dr. Faraday started. " A little bit information is a great help for us." "Mas maganda na ring lapitan niyo ang tower para mas lalong mapag-aralan niyo ito. Understood?" dagdag ni Mom. Tango lang ang aming nagiging sagot sa bawat sinasabi nilang dalawa. "If you want to get back her, walang mang-iiwan dapat sabay-sabay pa rin kayong lahat," my Mom said snapped. "Yes, Dr. Holmes," biro ni Matt kaya't biglang napatigil ang dalawa sa pagsasalita at natoon ang atensyon naming lahat kay Matt. "Dear, don't call me Doctor okay. I am not. You guys can call be Britty or Ma'am Britty if you aren't comfortable." Napatango na lang ang tatlo sa inusal ni Mom. Nangiti naman si Dr. Faraday at si Mom habang magkatinginan ang dalawa. "Everyone, lay down to your respected sickbays," sabi ni Dr. Faraday. Nagtungo agad ito sa kinaroroonan ng mga sickbays habang si Mom ay naiwan sa harap ng computer at pinagmasdan lang kaming lahat. Agad din kaming sumunod kay Dr. Faraday at nahiga na sa aming mga suckbays. Isa-isang ininstall ni Dr. Faraday sa aming mga batok ang stripped wires. Tulad ng nauna. Wala akong maramdamang sakit. Nagsimula na ring magtipa si Mom sa keyboard ng computer niya. "Ready?" sigaw ni Mom sa aming lahat. Bigla na lang akong napalunok ng laway at napatingin sa celling kung saan ako nakahiga. "Yes!" sigaw naming pabalik. "In one!" "Two!" "Three!" My eyes turn shut and everything's became black. Naramdaman ko na naman ang biglaan paghugot ng aking katawan ng isang malakas na gravity force. Para akong nahuhulog mula sa kalawanan.  Hanggang sa ilang sandali lang ay natagpuan na lang namin ang aming sarili na nakatayo sa city ng Asymptote Universe. Tulad ng nauna kong pasok rito ay napaka-busy pa rin ng mga tao sa kani-kanilang mga gadgets. Nang ilibot ko ang aking mga mata nakita ko na sina Cedric at Ellina na busy rin sa kakasipat ng buong paligid. Kahit pa ilang ulit na akong pumasok rito ay talagang hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa buong paligid. "Ang ganda talaga no?" biglang nagsalita si Matt na noo'y nasa tabi ko lang pala. Tumango ako sa kaniya saka intinuon ang aking mga mata. Biglang kumurba ang mga labi nito sa akin at bahagyang naningkit ang mga mata. Gumiti rin ako sa kaniya bilang ganti. "Tara, lagaw na us," sabi pa nito. Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi. Lumapit na sa direksyin namin sina Ellina at Cedric. Agad na umakbay sa akin si Cedric, naalala ko ito nga pala ang habit niya sa tuwing maglalakad kami. Napakibit-balikat naman si Ellina habang papalapit sa amin.  "Let's go," sabi ni Cedric sa aming lahat. Nagsimula na kaming maglakad habang patuloy sa paggala ang aming mga mata. "What if we got caught here. Look, our clothes are different. The ABI must distinguish us easily," I said to them. Hindi nila ako tinignan kahit pa may halong pag-aalala ang aling tinig. "No, we were not, okay? Huwag lang kayong magpahalata," Ellina replied without throwing me a glance. Napalunok na lang ako bigla ng aking laway at nag-ayos ng sarili kahit pa may kaunting pangamba akong nararamdaman. "Juts, palitan nga tayo dito ka sa tabi ni Ellina," sabi ni Cedric sa akin kaya't napahinto kaming bigla sa paglalakad. "Bakit?" I asked confused. "Kuya! Baka gusto mo masapak?!" bulyaw ni Ellina kay Cedric. "Hahaha.... Yieeee!" biro ni Cedric kasabay pa ang pagsundot nito sa tagiliran ni Ellina. Napangiti na lang si Cedric sa aming lahat. Habang ako ay napangisi na lang ng patago. Isang mahinang suntok sa braso ang pinakawalan ni Ellina na tumama sa balikat ni Cedric. Kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito na halos sakupin na ang buo niyang mukha. Napahalakhak ng bahagya si Cedric habang umaakbay sa akin. "Ano ba, hahaha... mapanakit ka sige. Iisipin ko mamaya may crush ka talaga kay Zyck." Nanlaki ang mga mata ko sa pang-aasar ni Cedric kay Ellina. Tumingin sa akin si Cedric saka kumindat. Napangiti na lang ako sa kaniya.  "Pft." It's Matt. "Hayssstt... Mga batang ito," sabi nito na animo'y sobrang tanda na kahit pa ka-edad lang namin siya. "Ako? Magka-crush sa isang iyan? Huwag na! Cheee!" Umismid ito sa aming lahat. "Do you hear me?" Napatigil kaming lahat ng marinig ang tinig ni Dr. Faraday. "Si Dr. Faraday ba iyon? Naririnig ko boses niya. Ako lang ba?" paliwanag ni Matt. "You're not. I heard him too," sabi ni Cedric habang seryosong nakatingin sa aming lahat. Napatapon kami ng tingin sa isa-isa. "Tama na pagtatalo niyo guys, you have to observe your surroundings," Dr. Faraday's voice. Nanlaki ang mata nilang lahat ng marinig muli ang boses ni Dr. Faraday. Pero, hindi na ito bago pa sa akin. Nagawa ko na rin ito dati pa. "Guys, you can talk to him using your mind. Watch this," I said. Bumulong ako sa aking isipan at kinausap si Dr. Faraday. "Yes, Dr. Faraday we can hear you. We will doing our jobs, where we can start specifically," I whispered to my mind. Alam kung narinig nila ang mga sinabi ko sa isip ko, sapagkat napatingin silang lahat sa akin. Napabuka pa ang bibig ni Matt habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanilang lahat bilang ganti. "So, we can talk without bubbling a words! We are just like a mind reader now, is it?" sabi ni Cedric sa kaniyang isip. Umalingawngaw ang mga iyon sa aming utak. "Indeed," sagot ni Dr. Faraday. Nagngitian kaming lahat na parang baliw. Kung may makapapansin sa amin ngayon ay malamang napagkamalan na kaming may tama. Biruin mong ngumingiti kami ng hindi alam ang dahilan. Mukha na talaga kaming mga baliw. "Mukha kayong baliw, alam niyo ba iyon?" bulong ni Ellina sa kaniyang isipan kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Siya lang ang seryoso sa aming tatlo. Tinignan niya kami ng matalim niyang mata. "Guys, focus," my Mom's voice. " There is not time for playing. Okay?" sabi ni Mom. "Focus." Bigla na lang kaming naging seryoso sa inusal ni Mom. Tama si Mom. We have to focus for our plan. There's a time for playing. "Let's go!" sabi ni Cedric sa aming lahat. Nagsimula kaming maglakad muli sa kahabaan ng kalsada. Habang naglalakad ay halos mabali ang aming mga leeg sa kakasipat ng lugar, kinakabisado namin ang buong paligid kahit pa napaka-imposible. Ilang iskinita at kanto ang natataanan namin. Kung saan-saan kami sumuot at nag-observe. Ang daming company buildings ang nadaraanan namin, may mga stores, at iba pang mga structures na talaga naman napakaganda ng pagkakagawa. Hanggang sa umabot kami sa isang open space na lugar. Wala ng masyadong tao sa bahaging ito ng Asymptote Universe. Malapit na rin ito sa tower kung saan ito nakatayo. Naglakad pa kami ng ilang sandali hanggang sa mapadpad kami sa isang hindi pa gawa na building. Ginagawa pa lang at ang daming mga construction worker sa itaas at baba ng building. "Oh no, pare!" umalingawngaw ang sigaw ng isang construction worker. Napatigil kami sa paglalakad at tumingin sa pinagmumulan ng boses. Sunod-sunod na sigawan na ang aming narinig. Nang makita namin ang pinagmumulan nito. Napalaki na lang ang aming mga mata.  Bigla kasing bumigay ang railing na hinahawakan ng isang construction worker kaya't pumaidosdos ito pababa. "No!" sigaw ng kaniyang mga kasama. Nanlaki lalo ang aming mga bata nang makita naming na tuluyan itong pumapaibaba mula sa itaas na bahagi ng building. Babagsak ito sa lupa at kamatayan ang naghihintay sa kaniya sa baba. Napatakip na lang ng bibig si Ellina gamit ang kaniyang kamay habang si Cedric ay napabuka na lang ng bibig. Itinabon naman agad ni Matt ang kaniyang mga kamay sa mata upang hindi makita ang susunod na mangyayari. Nang ilang metro na lang ang layo nito mula sa lupa. Hindi, kailangan may gawin ako. Kailangan kong iligtas ang isang ito. Bigla kong i-tinutok ko ang kamay ko sa lalaki at umusal, "Stop!" I shouted. Isang enerhiya na animo'y magnet na nag-release ng current ang lumabas sa aking kamay. Isang animo'y wave ang sumakop sa lugar at tunog na parang isang bomb sa loob ng lupa. "Zcyk, you don't have to do this!" my Mom said. May pag-aalala sa tinig ni Mom. "No, Mom. Mamatay ang lalake kapag hindi ko ginawa, hindi kaya ng konsensya ko Mom," I replied. "You'll be in danger!" Hindi ko na sinagot si Mom, bagkus patakbo akong lumapit sa construction worker at inabot na lang sapagkat ilang metro na lang ang layo nito sa pagbabagsakang seminto. Ipinatayo ko siya sa lupa ang kaniyang mga paa, upang makasigurado akong hindi na ito masasaktan pa. Pagkatapos ay bumalik ako sa kinaroroonan ko. "Continue!" I shouted. Tulad ng nauna, isang parang magnet ang sumakop sa lugar bago tuluyang bumalik sa normal ang lahat. Nagulat ang lahat ng makita nilang nakatayo ang lalaki mula sa pinagbagsakan niya. Maging sina Cedric, Ellina at Matt ay gayon din ang reaksyon. "P-paano?" sabi ni Matt habang nakaturo sa lalake. "Guys, listen. Bumalik na kayo ngayon din dito sa camp. The ABI must know what Zyck did," sabi ni Mom. Napatapon sila ng tingin sa akin. "Pinatingil mo ang oras?" sabi ni Matt. Tumingin ako kay Matt sa kaniyang mga mata at tumango bilang sagot. "Let's go, we have to leave," aya ni Cedric sa amin. Napatapon bigla ng tingin ang lalakeng construction worker sa amin at pinagmasdan kami ng may pagtataka sa kaniyang mga mata.  Alam niyang hindi normal ang nangyari sa kaniya. Dapat sana ay babagsak ito sa seminto. Iyon ang inaasahan niya pero hindi ito nangyari. Umalis kaming bigla sa lugar na iyon, pero hindi pa man kami nakalalayo. Ilang grupo ng mga ABIs ang tumambad sa amin. Napalunok na lang kaming lahat ng laway ng makita nila kaming apat. "There!" sigaw ng isa sa kanila habang itinuturo ang direksyon namin. "Get them!" "Run!" sigaw ni Cedric. Tumakbo kaming lahat palayo sa mga ABI. Bawat makita naming basurahan ay i-niharang namin sa raan para kahit papaano ay mapabagal ang paghabol nila sa amin. Ang dami nilang humababol sa aming apat. Tiyak akong mahuhuli kami kung hindi kami nakahanap ng paraan. "Sabi na kasing huwag magpabibo eh!" sumbat ni Ellina sa akin. "Wala ng sisihan nangyari na, takbo lang!" sigaw ni Matt. "Ah! Ayaw kong tumakbo, nakakatamad!" sigaw pa ni Ellina. "Edi maiwan ka!" sagot ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako sa aking nga sinabi. Ilang liko rin ang ginawa namin sa mga iskinita para lang mailigaw ang mga ABIs. Hanggang sa isang bukas na pinto ng bahay ang tumambad sa amin. Agad pumasok si Cedric doon kaya't wala kaming nagawa kun'di sumunod na lang. Nang masigurado nitong nakapasok na kaming lahat sa loob ay mabilis niya iyong isinara. Nababuga na lang kaming lahat ng hangin. Ramdam ko na rin ang pawis na umaagos sa aking mukha. Nagtago sandali sa loob ng bahay at pinakiramdaman ang humahabol sa amin. Ilang sandali lamang ay narinig na namin ang ingay ng mga ito. Ramdam namin ang mga yapak nila mula sa labas at patuloy pa rin ang mga ito sa lagtakbo. Lumipas ang sandali bigla ay tuluyang nawala ang ingay sa labas ng bahay, ngunit isang boses ang nagpatigas ng aming mga katawan. "Sino kayo?! Anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?! Mga magnanakaw kayo ano? Magnanakaw!" sigaw ng isang hindi pa katandaang babae. Nagmula ito sa kusena ng kaniyang bahay. Nakapambay na suot ito at medyo may mga wrinkles na ang bumabalot sa kaniyang mukha. "H-hindi po... Hindi po... May humahabol lang po sa amin..." paliwanag ko kahit pa napaka-imposibleng maniwala ito sa amin. "Alis! Alis!" sigaw nito at saka dumampot ng walis tambo at dustpan. Tumalima agad kami upang umalis sa lugar pero bigla na lang bumukas ang pinto ng bahay at isang lalake ang tumambad sa amin. Nanlaki ang mga mata naming lahat nang makita kung sino ang pumasok sa loob. Maging siya ay nagulat din. "Bernardo may mga magnanakaw!" sigaw nito sa dumating na lalake. Siya iyon! Siya iyong construction worker na iniligtas ko. ----- 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD