Chapter 12

1485 Words
JETT Inuunat ko ang aking braso sa pananakit ng likod at leeg ko. Dere-deretso ang pananahi ko ng dress na hindi ko namamalayang mahigit tatlong oras na ang nakalipas. Tumayo muna ako saka lumabas ng silid. Naglakad-lakad ako sa aming shop upang magalaw-galaw ang dalawang kong namamanhid na binti. “Break time ka na, Ate Jett?” pumasok sa shop si Yuna na may dala-dalang anim na mango shake. “Tamang-tama! Kabibili ko lang ng mga shake! Kuha ka po!” “Salamat, Yuna.” malugod ko iyong tinanggap, saka ako naupo sa mahabang couch. “Ipamimigay ko lang po ito kina Vicky!” aniya at lumisan upang tunguhin ang kapwa empleyado sa loob. Tahimik kong sinigop ang straw ng mango shake. Ang lamig at ang refreshing nitong lasa ay mas lalong nakapagpa-relax sa akin. Maya-maya lamang ay bumalik muli si Yuna at naupo sa aking tabi. “Patay ang araw ngayon, ah. Simula nung nagbukas tayo kaninang umaga, isa pa lang na customer ang napadaan.” “Napansin ko nga.” ani ko saka napailing. “Nga pala, Yuna, hindi ba may mga kapatid ka?” Inosente siyang napatango. “Ah, opo! Twins po ang kapatid ko sa step-mother ko, Tanya at Tonio po ang palayaw nila.” “Wow, babae't lalaki pala. Ilang taon na nga ulit sila?” “Magsi-six na po sila sa July.” “Six,” napaisip ako. Hindi na masama. “Um, hindi ba minsan mo na ring nabanggit na parehong may trabaho ang papa mo tsaka stepmother mo?” Tumango-tango siya. “Opo, Ate Jett. Pero pareho paring hindi sasapat ang kinikita nila sa pagiging katulong at construction worker, kaya nagtatrabaho na rin ako para hindi na nila intindihin ang allowance at tuition ko.” “Ah, kung ganoon sinong nagbabantay sa twins?” “Wala po, ate. Pinapabantay lang namin sa katiwalang kapit-bahay.” Napatango-tango saka sandaling nag-isip-isip. “Bakit mo nga pala natanong, Ate?” kuryosong tanong niya. Nang makapagdesisyon sa isipan ko ay saka ko sinabi ang pakay. “Ang anak ko kasing si Jelly walang kalaro. Mukhang nabo-bored siya mag-isa at nagseselos sa ibang mga bata na merong kapatid na kinakalaro nila.” Napabuntong-hininga ako saka ngumiti. “Yuna, puwede ko bang ipakilala ang twins kay Jelly at maging playmates sila? Maaari mong ipagkatiwala ang twins sa amin dahil marami namang bantay sa mansyon. Marami ding toys do'n na paniguradong mae-enjoy ng mga bata. Kung hindi mapapanatag ang step-mother mo, eh puwedeng-puwede rin siyang mamasukang katulong sa amin dahil kasalukuyang naghi-hire si Hugo.” Napasinghap siya ng malalim na hangin. “Hala, Ate! Napakaganda naman ng alok mong iyan! Naku! Nakakatuwa!” bumakas ang pananabik sa mukha niya. “Sa totoo lang ate Jett, pabaya sa pagbabantay ang kapit-bahay namin sa mga kapatid ko kasi nakakarating sila sa kanto at nito lang nakaraan ay muntik masagasaan si Tonio! Pero wala kaming choice dahil wala namang ibang gustong magbantay sa twins kaya halos nerbyosin si Mama at hindi magawa ng maayos ang trabaho niya sa pag-aalala. Kaya napakalaking tulong nito sa amin, Ate Jett!” Napahinga ako ng maluwag at nagliwanag ang aking mukha. “Kung gano'n, ipaalam mo na agad sa mama mo ang alok ko, ah? Generous naman din magpasahod si Hugo as long as maganda ang pinapakitang pagtatrabaho ng mga empleyado niya.” Tumango-tango siya na may malaking ngiti sa labi. “Agad-agad sasabihin ko kay mama pag-uwi! All-rounder siya at mabait, Ate Jett! Kahit nga step-mother ko lang siya ay hindi niya ako tinatrato na parang ibang tao hindi tulad ng iba.” napahagikgik siya ng tawa. “The best ka talaga, Ate Jett! Salamat ng marami!” Napatawa ako sa kakulitan siya. “Ano ka ba. Ako itong nanghihingi ng pabor dahil nag-aalala rin ako sa anak ko.” “‘Wag ka na mag-alala dahil paniguradong magkakasundo sila ng twins, Ate!” “Mabuti kung gano'n.” nakahinga ako ng maluwag sa isiping nasolusyunan ko agad ang problema. “Teka, parang may nakalimutan ako…?” kapagkuwa'y sambit ni Yuna. Napapakamot siya sa ulo na may pilit inaalala. “Gamit? Cellphone mo?” taka kong tanong. “Ah! Oo nga pala!” napatunog siya ng daliri at mula sa kanyang bulsa ng pantalon ay may inilabas siyang puting card. Inabot niya iyon sa akin. “Kahapon po nung umalis kayo, may nagpunta na lalaki na nakasuot ng business attire. Mukhang yayamanin. Tinanong niya po kung dito ba kayo nagtatrabaho, ang sabi ko naman kayo ang boss namin. Tapos sabi niya wala naman siyang kailangan sa'yo pero babalik siya kasama ang boss niya.” Habang pinapaliwanag niya iyon ay pinapakatitigan ko ang business card na may nakapangalang “Shanlee”. “Hmm?” napuno ako ng pagtataka, nalulukot ang noo may inaalala. “Shanlee? May kakilala ba akong Shanlee? Bakit niya raw ako hinahanap kung wala naman pala siyang kailangan?” Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko nga po alam. Ang mysterious niya masyado. Sana nga lang ay ang intensyon nila ay magpatahi sa atin.” Napalabi ako. Parang pamilyar ang pangalan. Saan ko nga ba iyon narinig? Pero at the same time, wala naman talaga akong kakilalang Shanlee. Ano naman kaya ang kailangan ng isang iyon? Napailing-iling ako at tinago na lamang ang card sa bulsa ko. Hindi rin nagtagal ang break time namin ni Yuna, at bumalik na kami sa kanya-kanyang ginagawa hanggang sa magdilim ang kalangitan. Ginugol ko ang buong araw sa pagtaatahi gaya ng nakasanayan. At nang sumapit na ang ala siete ay tinigil ko na ang pagtatrabaho para umuwi kasama ng aking mga empleyado. “Anjettie!” Hindi ko inaasahan si Hugo nang salubungin ako ng sasakyan niya sa kanto. “Sakay na.” “Oh?” nagugulat akong napangiti. Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. “Sinusundo mo ako? Mukhang humahanap ka lagi ng libangan para takasan ang trabaho ah?” natatawa ko pang pang-aasar. Napatawa siya at sinimulang magmaneho muli. “Well, palagi naman akong may time sa'yo at kay Jelly.” “Ay sus.” “Bakit? Totoo naman, ah! Sabihin mong hindi.” Napaisip ako saka sumusukong napaasik. “Okay, okay! Thank you palagi sa time~” Napahalaakhak siya. “Mukhang hindi ka naman grateful eh.” “Biro lang naman.” tinitigan ko siya habang nagmamaneho siya. “Saan nga pala tayo pupunta? Hindi mo naman ako susunduin kung wala tayong ibang pupuntahan, ‘di ba?” “Yep! Magdi-dinner tayo sa nireserbahan kong restaurant ngayon. Nandoon na sina Lola, ang nurse niya, si Jelly, at ang Yaya Naty niya. Tayo na lang ang wala pa.” “Wow!” mas lumaki ang ngiti ko. “Tama ‘yan! Hindi puwedeng puro trabaho lang, kailangan din natin lumabas kahit minsan. Ang thoughtful mo talaga.” “Ako pa ba?” nagmamalaki niya pang tugon. Napakabait talaga ni Hugo. Kahit abalang-abala siya sa trabaho, nakapaglalaan parin siya ng panahon kay Lola at sa amin. “Nga pala, Anjettie.” aniya. “Si Jelly kaninang tanghali, natunton ako sa construction site dahil tinakasan niya ang yaya niya.” Nawindang ako. “Ano?! Ayos lang ba siya? Hindi naman siya napaano? Paano siya nakarating do'n? Hindi ba siya hinika?” “Don’t worry, nothing happened. Pinagsabihan ko na ang mga guwardiya dahil nalusutan din sila ng bata. Kaya ang yaya na lang niya ang pagsabihan mo na bantayan ng maayos si Jelly kada minuto. Alam mo naman kung gaano kakukulit ang mga bata sa gantong edad.” “Whew!” napahawak ako sa aking dibdib. “Salamat naman. Pero bakit ka niya tinunton doon? Ano namang ginawa niya? Nakikipaglaro ulit?” “Not really. Sinadya niya akong hanapin dahil may gusto raw siyang itanong sa akin.” napatawa siya. “Alam mo kung ano ang tinanong niya?” “Ano naman?” “Kung gusto ko ba raw maging papa niya.” Nanlaki ang mga mata ko at natitigilan. “Oh my…. H-Hugo, ano kasi, um, dahil siguro ‘yun sa napag-usapan namin nung gabi kasi—” “Kasi raw gusto niya ng kapatid at kailangan niya ng mama't papa.” pagtutuloy niya. Napaawang ang labi ko. “Oo….” kaagad akong nagpaliwanag. “Pero, ‘wag mo na iyong isipin. Ang totoo niyan kaya gusto ng kapatid ni Jelly ay dahil gusto niya ng may makalalaro na bata. Huwag kang mag-alala dahil nakahanap na ako ng puwede niyang maging playmates. ‘Wag mo na lang masyadong pagtuunan ng pansin ang sinabi niya.” Sandali niya akong binalingan ng tingin at ngumiti ng matamis. “It's okay. Naiintindihan ko rin naman ang bata. Dahil lumaki rin ako ng walang papa… pati mama. But Anjettie, habang lumalaki siya, paniguradong maghahangad pa siya ng higit pagdating sa pamilya niya hanggat may nakikita siyang kulang.” Napalunok ako at napayuko sa aking mga daliri. “I know…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD