Akarie Isinandal ko ang aking likod sa swivel chair nang i-alis ko ang aking tingin sa harap ng laptop. Hindi ko nga din napigilan na mapabuntong-hininga. Kanina pa ako nakatitig sa harap ng screen ng aking laptop pero hanggang ngayon ay wala pa din akong naisusulat kahit na ilang salita. Kung noong nakaraang araw ay mabilis lang akong nakatapos ng isang chapter, ngayon naman ay halos wala akong maisulat. Hindi ko naman alam kung writers block ba itong nangyayari sa akin o may ibang dahilan pa. Ipinikit ko ang aking mga mata. At sa pagpikit ay hindi ko maiwasan na pumasok sa aking isipan ang malamig na ekspresyon ng mga mata ni Alaric na nakatitig sa akin. Mabilis naman akong nagmulat ng mga mata. Ipinilig ko din ang aking ulo para maalis siya sa isip ko. Hindi ko maipaliwanag kung b

