Akarie Mukhang tama si Alaric sa sinabi niya sa akin. I can't escape from him. Dahil kahit na anong gawin kong pag-iwas ay mukhang ang tadhana na ang naglalapit sa aming dalawa. Destiny is really on Alaric’s side, no matter how hard I try to avoid him, we still end up together. Gaya na lang ngayon, hindi ko inaakala na makikita ko siya sa party na dinaluhan namin. At iniiwasan ko na nga na magtama ang mga mata namin dahil kinakabahan ako sa lamig ng titig niya pero mukhang wala akong kawala dahil palapit kaming dalawa ni Troy sa kanya. Hindi ko naman kasi inaakala na ang lalaki palang tinutukoy ni Troy na 'something big' ay walang iba kundi si Alaric, na siya pala ang lalaking gusto niyang makausap. May pagkakamali din naman ako, sana noong sabihin niya sa akin na may gusto siyang

