Akarie Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi habang pabalik-balik ako sa paglalakad sa aking kwarto. Hindi kasi maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Alaric kagabi. Siya pala ang dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa kompanya si Troy. Siya pala ang dahilan kung bakit malapit nang ma-bankrupt ang kompanya niya. At ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Alaric? Dahil sa akin. Dahil sa hindi ko pagsunod sa gusto niya. Dahil sa pagsuway ko. And now, Troy was facing the consequences of my actions. Naalala ko din ang sinabi ni Troy sa akin na mahirap kalabanin si Alaric, na kapag kinalaban mo siya, magigising ka na lang na wala na sa 'yo ang pinaghirapan mo. At iyon mismo ang nangyayari sa kompanya ni Troy. And all of this happened because of me. Bakit hindi lumaban ng patas si

