WARNING!! Slight SPG sa bandang dulo!! Vince Delas Nueres Malalaki ang hakbang kong nilapitan si Kay. Hindi pa ako sigurado sa sinabi ni Mommy pero ngayon pa lang ay iingatan ko na ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Ngunit paano kung ngayon palang ay hindi ko na yata makakaya ang ginagawa ni Kay. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga kumag, at ang nobya ko ay dikit na dikit kay Crust. Tila pati mga mata nito ay nakangiti. "Baby," I called when I got to them. Nakipag-fist bomb pa silang lahat maliban kay Feigh na tinanguan ko lang. I held her arm at pinatayo. "Let's go, it's getting late." I uttered. Tila nagtatanong ang kanyang mga mata. "I told mom and dad that you're going with me sa condo. Dun ka na ulit.", I said with finality. Mabuti naman at hindi sya tumutol. Ng

