Matapos ang eksena ni Kay at Sophie ay nanatili nalang si Kay sa mesa na para sa kanila. Magkakasama silang mga nasa HR Department sa isang table. "And now please welcome, the Prince of Delas Nueres, the Royale Tycoon himself. Mr. Vince Delas Nueres." anang emcee at sinundan iyon ng ingay ng palakpakan ng mga nasa bulwagan. Halos hindi makahinga si Kay sa taglay na kagwapuhan ni Vince. He is wearing the usual three piece suit na lagi nitong suot. Ngunit iba ang awra nito ngayon. Napakalinis ng mukha nito, wala ni katiting na bakas ng bigote. At ang clean haircut nito ay nagpalabas ng tunay nitong kagwapuhan. He stood in front na para bang ipinaparating sa lahat na sya ang pinakamakapangyarihan. And she saw how they differ from each other. Nakita ni Kay ang milya milyang agwat ng kanilang

