"Ayoko na", mahinang saad ni Kay na patuloy parin ang pagduwal. Nakaupo na sya sa sahig halos yakapin ang toilet bowl. Hinang hina sya, wala namang ibang lumalabas sa kanyang bibig kundi tubig at laway. Nagsimula ito nang maamoy nya ang hinahandang tanghalian na inorder lamang ni Vince sa isang restaurant, nang maamoy nya ang bagoong na para sa kare kare ay sumama na ang kanyang pakiramdam. Marahang hinahagod ni Vince ang kanyang likod, nakaluhod ang nobyo sa kanyang likuran at ginagawa nyang sandalan. Awang awa ang lalaki sa nobya. "We should really see our doctor baby.", mahinahong saad ni Vince habang humahaplos ang kamay sa pisngi ni Kay. Hindi pa man ay sigurado na syang dala na ng babae ang kanyang dugo't laman sa sinapupunan nito. Nang masiguradong hindi na nasusuka ang dalaga ay

