Dimple Erycka Alonzo Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang tumunog ang alarm clock ng cellphone ko. Antok na antok pa ako. At pagod. Bumaling ako sa tabi ko ngunit wala na doon si Vince. Nakaalis na kaya ito? Bakit hindi ako ginising. Namiss kong bigla si Vince. Ilang ulit kaming nagniig nung isang gabi at kagabi ay hanggang sa gupuin na kami ng antok. "Grabe naman, ang wild ko.", bulong ko sa sarili. Tinungo ko ang kusina, hoping na andon pa si Vince, pero wala na talaga. Alas syete pa lang naman. Ang aga naman nitong pumasok. Nagtimpla ako ng kape gaya ng aking nakagawian sa umaga. Naagaw ang atensyon ko nang mag-ring ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot dahil alam ko naman kung sino iyon. "Good morning sleepy head.", malambing na boses ng aking nobyo. Lalo ko tuloy syang namis

