Simula
"Amara! San ka naman pupunta?!" Sigaw ni manang sa akin.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag apak sa pang-walong palapag ng hagdan ng marinig ko ang sigaw ni manang. Half heartedly, bumaling ako sa kanya. Nasa paanan pa siya ng hagdan. Ang kanyang dalawang kamay ay kasalukuyang natukod sa kanyang bewang habang mapanuring tumitig sa akin.
Great! mukhang papagalitan nanaman ako nito.
"bumaba ka na diyan! Nag-uumpisa na ang party hinahanap ka na ng mommy mo!" Patuloy niya.
Ngumiti ako ng nagtagpo ang aming mga mata, at mistulang nagulat pa sa kanyang sinasabi. Na para bang wala akong alam sa kung ano man ang kanyang binanggit.
"Mayroon lang po akong kukunin sa kwarto ko!" sabi ko. "Tell mommy then i'll be there in a minute!"
There's my chance!
Tatalikod na sana ako ng marinig ko ang mga yapak ng takong. Nahulog ang aking mga balikat.
Mukhang wala na talaga.
I damn hate parties, and I just had the chance to get away from it, pero mukhang wala na talaga akong takas nito.
"Amara, let's go!" I heard my mother's voice.
Bumungad sakin ang napakagandang mukha ni mommy. She's wearing her christian dior cream-colored evening gown. Nasa tabi na siya ni manang. Allura Plourde, looking elegant and beautiful as always. No wrinkles or any signs of aging can be traced on her glamorous face. Her snow skin glimmered under the lights.
Hindi rin nagtagal ay dumating na din si Dad. Raphael Plourde, in his suit and leather shoes. Crème din ang kulay ng kanyang tie. Sinabi niya ang kamay ni mommy sa kanya. Matapos non ay hinagkan niya ang pisngi ng aking ina. Pumila ang pisngi ni mom sa ginawang iyon ni dad.
Mestiza si mommy samantalang si dad naman ay moreno. My mom is a chinese descendant, which explains chinky eyes and paper white skin. Nanggaling si dad sa isang french ancestry. If my mom's eyes are chinky dad's are not. His eyes are perfectly almond in shape.
It's their twentieth wedding anniversary, at dahil wala ang mga kapatid ko. Ako naman ang ang pinag pyipistahan nila mama.
"Oh, nandyan ka lang pala, Amara!" Bahagyang tumawa si dad. "Akala ko kung saang lupalop ka naman nagpunta!" Patuloy niya. Napailing-iling na lamang si mommy habang si dad ay mukhang tuwang-tuwa.
"My, may kukunin lang ako sa room ko." I reasoned out.
"We shouldn't leave the guests, Am. I'm sure yours could wait."
"But-"
"Let's go now no more of this silly trick of yours. You're already twenty-four." Sabat ni dad.
Lalaban pa sana ako pero hinablot ni mommy ang kamay ko patungo sa aming makitid na bulwagan.
Hindi pa masyadong crowded ang malawak na bulwagan, but in a span of minutes i'm sure it won't be. Patuloy ang pagdating ng mga tao habang ako ay patuloy na nakipag meet and greet sa mga pinapa kilalang guests.
Hayyyy! naiinip na ako. Ang boring naman kasi business ang kanyang pinag-uusapan. Napabuntong hininga nalang ako baka pagalitan pa ako nila, kapag sumibak ako.
"My, kakain lang ako. Kumukulo na po a tyan ko." Pabulong kong sabi. Tumango lang siya at mukhang naistorbo ko pa.
nagtungo na ako sa buffet table carying with me my white fitted satin long dress nakatali ang aking buhok, kaya naka-display ang aking leeg. Wala akong na acquire sa mga genes ni dad. My skin is not as bronze as his. Although my eyes are almond in shape.
I look more like my mom. Mestiza ang kutis, mahaba ng itim na buhok. But my eyes are not chinky though.
Nang makarating ako sa buffet table ay agad ko namang pinagpiyestahan ang mga putahe na nakahanda.
Ang bango! may ghad tataba na yata ako. Conscious pa naman ako sa katawan ko. char!
Kumuha ako ng pinggan at pamulot ng kung ano-anong putahe na mukhang masarap. Halos mapuno ang pinggan sa dami ng pagkain na kinuha ko. Meron pang chocolate fountain sa gilid, sa tabi nito ay mayroong mga strawberries at marshmallow. Tumusok ako ng strawberry gamit ang toothpick. Nilunod ko ito sa umaapaw na chocolate mula sa fountain.
Nang makuntento na ako sa mga pagkaing napulot ay naghahanap ako ng bakanteng mesa para makaupo. Hindi naman iyon mahirap. Dahil halos lahat ng mga lamesa ay bakante. Paano ba naman kasi bising busy ang mga tao sa pakikipaghalubilo.
I was in between my bites, ng meron akong maramdamang nag vibrate. Cellphone ko pala. Kumuha ako ng tisyu at pinahid iyon sa aking mga kamay, bago kinuha ang aking cellphone na nasa gilid ko lang pala.
One message received.
Domino's Pizza:
Nandito na ako.
Domino's Pizza:
Asan ka? Nakausap ko na sina tito, ba't wala ka?
Domino's Pizza:
Hindi pa nga tayo nagkita. Bumalik ka na agad sa Europa :(
Napaka OA talaga.
Amara:
Ang OA mo.
Domino's Pizza:
Ang ghoster mo kasi! Kani kanina lang ay nag usap tayo, tapos ngayon hindi ka na nag re-reply :<
Amara:
Gago! Ang OA mo talaga kahit kelan, lagyan mo nga yan ng preno!
Amara:
Kumakain pa ako, kaya hindi kita na replyan. OA lang talaga.
Domino's Pizza:
Ang harsh mo talaga, nakapanakit ka na :'(
Domino's Pizza:
Di nayan kailangan itanong.
Ng ma-receive ko na ang kanyang text ay ibinaba ko iyong telepono kagat ng patuloy na sa pagkain.
"Huli ka!" Sigaw sa likuran ko.
"Luh, nagulat ako don ah?" Panunuya ko. With matching takip sa dibdib na para bang gulat na gulat.
Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Nagsimula na naman kanyang pagiging madaldal.
"Ayos naman ng suot mo." Aniya na may nakakalokong ngiti sa labi.
"Mas nag mukha kang halimaw." Patuloy niya.
"Walang hiya ka talaga Dominique." Inis kong sigaw sa kanya. Na mas ikinatuwa niya.
"Wag kang umiyak, Am ha? Baka mapahiya tayo." I just rolled my eyes at him.
Pinasadahan ko rin ang titig ang kanyang suot. Naka all black suit siya. Pinaghandaan talaga ng moko ang event na ito.
"Uy! Narinig ko nga pala yung balita!"
"Ha?" Sabi niya. He looks so confused.
"Congratulations nga pala!" Masayang pagbati ko sa kanya na may nakakalokang ngiti sa labi.
May dumaan na waiter sa table. Inilapag nito ang dalawang wine glass at sinalinan ng mapulang likido. Natabonan nito ang mukha ni Dominique, kaya hindi ko nakita ang pangit na pagmumukha niya. Nagpasalamat ako sa waiter na tinanguan lang ako. Namumula ang kanyang mga pisngi.
Sumipsip ako ng wine galing sa baso ng maanig ko ang pagmumukha niya. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko dahil sa reaksyon na iginawad niya. Ang kanyang singkit na mga mata ay mas lalong sumungkit, dahil sa paraan ng paninitig niya sa akin.
"Anong pinagsasabi mo diyan Yuniss." Naiinis niyang tanong.
I gulped the liquid on my mouth. Sayang baka maibuga ko sa pagmumukha niya. Mukhang mamahalin pa naman iyon.
"Diba nanalo ka na?"
"Sa ano?"
"Ba't di mo alam? E ikaw nga yung nanalo, pinangaralan ka na nga, eh." Sabi ko.
"Pinangaralan ng ano?" Nalilitong tanong niya.
"Pinangaralan ka na bilang pinaka OA
na tao sa buong mundo! Congrats Dom! Deserve mo yan!" Sigaw ko. Humagalpak ako sa tawa habang siya naman ay naiinis na nakatingin sa akin.
"Wala namang nakakatawa." Inis niyang sambit.
"Walang nakakatawa. Pero yung mukha mo, sobrang nakakatawa!"
Tumahimik na lamang ako dahil baka mas lalong mainis pa siya. Pulang pula ang leeg at tenga, pati narin ang mga pisngi. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, samantalang siya naman ay tahimik at hindi na lumingon pa sa akin.
"Kailan ka pa dumating?"
"Kahapon lang."
"Ba't di mo sinabi?"
"Eh, hindi ka naman nagtanong." Pang aasar ko pa.
"Ayos mo ring kausap, noh?"
"Alam ko, matagal na." Iniwas na niya ang kanyang tingin sa akin at muling tumahimik. Nakahalukipkip ito sa tabi ko. Kunot ang noo.
Ngumuya ako ng dessert. Siya naman ay tahimik lang sa gilid. Pinaninindigan talaga ang pagiging tahimik.
"Ang damot mo talaga."
"Manahimik ka na lang."
Hindi rin nagtagal ay may nakita akong katawan patungo sa kinaroroonan namin. Binalingan ko ang katabi ko. Na pansin na din niya ang ama.
Ng magsalubong ang tingin namin ni tito Nik ay nasa harapan na siya namin. Ngumiti siya sa akin, na siyang sinuklian ko namn ng mainit na ngiti. May binulong siya kay Dom na agad namang nakuha nito. Sumulyap muna siya sa akin bago tumayo sa upuan.
"Babalik din ako. Pinapahanap lang ni mommy." Tumango ako at nginuya iyong strawberry na kinakain. Hindi pa masyadong Naka layo ang mga anyo nila sa lamesa nang sumulpot si mommy sa aking paningin.
"Am, come with me. I'll introduce you to someone." Aniya.
"Okay." I wiped my hands with the tissue before standing up from my seat to follow her.
Habang naglalakad patungo sa sinasabi 'ipapakilala' sa akin ay may nakita akong babae na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nagulat na lang ako ng magtungo si mommy sa kinaroroonan ng babae.
Her presence is very strong. Agaw pansin din ang suot nitong blue chiffon dress. She looks very timeless. She's very beautiful. Ang kanyang tindig ay sumisigaw ng karangyaan. She's holding a wine flute on her hand. There's no signs of aging on her face. Hindi rin siguro malayo ang agwat ng edad nila ni mommy.
Ngumiti siya sa akin.
"You must be, Amara? It's a pleasure meeting you hija." Maligayang pagbati niya sa akin. Nakakasilaw ang kagandahang taglay niya.
"Yes, po." I smiled. We shook hands. Ang lambot ng mga kamay niya!
"Am, this is Florence Cantellano." Pagpapakilala ni mommy. Her name rings a bell. It sounds familiar, but I can't remember where I heard it from.
"Allura! You didn't tell me that your daughter was this stunning!" Tumawa lamang si mommy sa tabi ko.
"Thank you madame." Muli siyang ngumiti sa harapan ko.
"Call me tita na lang, hija."
Naging kumportable din naman ako sa pakikipagusap kay, tita Florence. She's very light ang Bubbly. Palaging nakangiti.
"I heard your planning on making your own name in businesses, Amara."
"Yes po, actually malapit na pong matapos ang pinapatayo kong restaurant." Masayang pahayag ko.
"That's great, hija! Although I didn't expect that you'll be interested in those."
"Nagulat nga din kami ng sinabi niyang gusto niya maging isang chef. Wala kasi kaming hilig ni Raphael sa pagluluto kaya nagulat talaga kami ng pinaalam niya sa amin, but we're very proud of her. She's making her way in the industry."
"Thank you, my." She showed me her million dollar smile.
"You should let me taste some of your pastries, hija!"
"Sige po."
"Dun mo nalang gawin sa bahay, hija. Since nabanggit naman ng mommy mo na mawawala sila ni Raphael, dahil mag extend pa sila ng anniversary nila sa ibang bansa. If that's okay with you of course."
"It would be my pleasure, tita." Mawawala nga pala sina mommy bukas. Pupunta kasi silang Amsterdam para ipagpatuloy ang kanilang anniversary. Tiyak na mag-iisa naman ako sa bahay. Masaya narin dahil ma sho-show off ko ang aking mga luto. At para narin makakuha ng opinyon.
"That's great! I'll ask Kai to fetch you here tommorow."
"Okay lang po, tita." Nakakahiya naman kung nagpapahatid pa ako sa kanila.
"No I insist, Amara." Tumango nalang ako.
"And speaking of," she smirked. Dumungaw siya sa likuran ko. "Patrick! Come here hijo!"
Agad namang nagpakita iyong 'Patrick' sa harapan namin. Matangkad siya. Naka man bun ang buhok at mukhang bored na bored sa mga pangyayari. Walang emosyon ang mga mata niya, pero ang gwapo parin!
"Yes ma?"
"Anak, where's your brother?" Tanong ni tita sa kanya. Nagkibit balikat yung si Patrick at pinagmasdan ang buong paligid.
"I don't know ma. May tinitingnan lang siguro sa paligid." Ngumiti siya ng napatingin sa direksyon ko. Naramdaman ko naman ang pag init ng mga pisngi ko dahil don.
"Oh! I almost forgot, Pat I'd like you to meet-"
"Hello there beautiful," ngumiti siya. "I'm Patrick, but the beautiful lady can call me Pat, for short." Naglahad siya ng kamay. I fought back a smile. Nakipag shake hands na din ako sa kanya.
Ng magkalas ang aming mga kamay ay napansin ko ang katabi niya. Bagong dating ata.
"Kai! San ka nanggaling?" Gulantang tanong ni tita. Ngumisi lang iyong si Kai. Hindi pinuputol ang pakikipag titigan sa akin.
Loose ang kanyang tie. Ang kanyang suit ay nangungunot. Magulo ang buhok, ang mapupulang labi niya ay may guhit ng ngiti. Hindi ko gusto ang paraan ng pakikipagtitigan niya sa akin. Nakakakilabot kasi.
But instead of answering his mother, ay nagtungo siya sa akin. Naglahad din siya ng kamay sa akin. Ang kislap ng kanyang kayumangging mga mata ay may bahid na kapilyohan. Ngumuso siya habang tinitingnan ako.
"I'm Kai, you must be?" He said.
Inilahad ko na ang aking kamay para makipagkamay sa kanya. Kinuha niya iyong kamay kong nakalahad. Akala ko ay kukunin niya iyon para makipag shake hands. Ngunit nagulat na lamang ako ng dalhin niya iyon sa kanyang mga labi at patakan ng halik.
"Am-mara, I-im Amara." Why am I stuttering?!
I heard him chuckle.
"It's nice to meet you, Am-mara."