Kabanata 1

2288 Words
Parang sirang plaka kung makaasta ang aking isipan. Pabalik-balik ang aking isipan sa mga panyayari kahapon. NAKAKAHIYA KA AMARA MAY PAUTAL UTAL KA PANG NALALAMAN! Naiimagine ko palang kung paano mamula ang aking mga pisngi at ang paraan ng pag ka introduce ko sa aking sarili kahapon ay gusto ko nalang lumunin ako ng lupa. Hindi mo man lang napansin ang mga nakatitig na mga tao! Nandon lang naman si Mommy at Daddy sa crime scene! At halatang natigialn din sila. Pati si tita Florence at yung si tito Benjamin na asawa pala niya ay na gulat din sa pangyayari. Ang hindi lang siguro nagulat ay iyong si Kai na may kapakanan sa lahat! Pati rin yong si Pat, nagulat nga din iyon kaya lang mukhang amused na amused! Walang hiya yung haliparot na iyon! May pa halik-halik pa siyang nalalaman! Wala siyang karapatan halikan ang aking malambot na kamay noh! Akala niya siguro nagustuhan ko iyong ginawa niya kagabi! Walang hiya talaga siya! Isa siyang malaking haliparot! Yes that's right! He's a flirt! A god damn flirt. Napakataas ng tingin sa kanyang sarili. Akala mo naman kung sino! Kainis talaga siya! "Am!" sigaw ni mommy ang nakaputol sa aking pagmumuni muni. Dahil sap pag-iisip muntik ko ng makalimutan na aalis na nga pala sina mommy. "Coming!" sigaw ko pabalik, at dali daling lumabas ng kwarto para salubungin sila. Agad na tumamabad sa akin ang tatlong naglalakihang maleta. Na nasa tabi nina mommy at daddy. "Are you sure you wont escort us to our flight hija?" Dismayadong salubong sa akin ni mommy. Umiling kaagad ako at marahang ngumiti. "Hindi na po." Marahang bigkas ko. Paano ba kasi e pupuntahan ako ng haliparot na iyon. Siya kasi ang inutusan ni tita na maghatid sa akin patungong bahay nila. Napansin ko ang pag lapit ni daddy kay mommy. May binulong ito sa kanya. Na agad na mang nagbigay ng kulay sa mukha ni mommy. Bahagya pa nga itong tumawa. Habang si Daddy naman ay umiling-iling. May multong ngiti sa mga labi. Ngumisi si dad ng mapatingin sa direksyon ko. "anak, anong nangyari sa pisngi mo at napaka pula ng mga ito" concerned niyang sabi. At ng hindi na kayanan ay lumapit na talaga sa akin para mahawakan ang magkabilang pisngi. Mas naramdaman ko pa ang pamumula ng mga ito dahil sa sinabi ni dad at sa kasalukuyang ginagawa niya. Baka matagalan pa sila! At talagang masalubong na ang haliparot na iyon! "Are you okay hija?" sabi ni mommy na mukhang nag-aalala narin. "Yes, naparami siguro ang pag pahid ko nang blush on pa. kaya pulang pula." Pagsisinungaling ko. "Are you sure Am? We can cancel our flight." Sabi ni dad. "I'm fine dad, papahiran ko nalang siguro ito ng wet wipes para matanggal na. Goodness it's just make up, and please go na you might miss your flight." Pagkumbinsi ko sa kanila. Tumango naman si daddy at napabuntong hininga naman si mommy. Hinalikan nila ang aking noo at niyakap ako. "Call us if something happens okay?" sabi ni mommy. Ako naman ngayon ang tumango. "Alright were going." Sabi ni dad, sabay kuha sa mga kamay ni mommy. Pero bago pa sila makalabas ay sinalubong sila ni Manang.  "Allura, Raphael may lalaking nag aabang sa labas. Kairo Cantellano ang pangalan. Papasukin ko na ba?" sabi ni manang na nagpatigil sa aking mga magulang.  At hindi na talaga nakapag hintay ang haliparot! Pumarito na agad e ang gaga-aga pa! Nakita ko ang bahagyang pag tawa nina mommy at daddy. "Oo manang, papasukin mo na." si mommy na ang sumagot. "Amara, we're going na. Be good okay?" sabi ni dad. "Yes dad, I'm always good." Tumango naman silang dalawa ni dad at umalis na. Hindi rin nagtagal ay sumulpot na ang pagmumukha ng lalaking iyon sa paningin ko.  Wala pang nga akonhg bihis. Naka roba lang ako, sa ilalim nito ay ang nightgown ko.  Nangingiti ngiti ang moko habang hinahakbang ang landas patungo sa akin. Naka navy blue polo shirt siya at itim na cargo shorts. Kahit sa simpleng panammit niya ay ang gwapo niya parin. Pero mamatay muna ako bago ko iyon aminin sa kanya. Mukhang bagong ligo ang haliparot. Ang bango niya. Even from afar, naamoy ko na ang mamahalin niyang pabango. His musky scent invaded my nostrils the moment he stopped in front of me. fresh na fresh siya. Habang ako naman ay panis kumpara sa kanya. "Ba't ang aga mo?" masungit kong bungad sa kanya. "Wow! Wala man lang goodmorning." Nandyan naman ang kanyang nakakalokang ngiti. "Good morning mo mukha mo." Irap ko sa kanya. I know I sound rude, pero ewan ko. Naiinis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil sa nangyari kagabi.  Nang maisip ko iyon ay naramdaman ko naman ang paginit ng pisngi ko. im sure my face looks as red as a tomato right now. "Ang sungit!" Aniya. Humalukikip ako sa kanya. Katahimikan. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Naiilang ako sa presensya niya, kaya hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanya. Tiningnan ko na lamang ang noo niya. Habang ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin. "Good morning." mahinang pag kasabi niya.  Bumaling ako sa kanya. Nakanguso na siya ngayon.  "Good m-morning." Bakit ba ako na uutal?! Eh, hindi namn ako ganito?! He chuckled when he heard me stutter. The way I am acting right now is ridiculous! "You're stuttering." He stated. Mas lalong pumula mga pisngi ko. "Hindi no! pumiyok lang." With confidence kong sinabi, humina nga lang sa dalawang sumunod na salita. Narinig ko ang marahan niyang pag tawa. God! Even his laughter is attractive. "And your blushing." Nangingiti-ngiti niyang sabi. Should I thank him for stating the fact? "Hindi no! illusyonado ka lang talaga." Sabi ko, at bahagyang umirap sa kanya. "Aryt." He pursed his lips. "Diyan ka na nga maliligo lang ako." Inis kong sabi. Tumango na man siya.  "Kumain ka na ba?" Namilog ang aking mga mata pagkatapos kong mabitawan ang mga katagang iyon. My goodness! I didn't know you had it in you Amara!  Napailing nalamang ako sa aking mga naisip. Nang marinig ko ulit ang bahagyang pagtawa niya. Sumulyap ako sa kanya, mula sa kinkatayuan ko ay napansin ko ang banayad niyang pag tagilid sa kanyang ulo habang nakatingin sa akin.  "Hindi pa, bakit? Susbuan mo ba ako?" Panunudyo niya. "Asa Ka!" Agap ko. Jeans at isang puting loose shirt lang ang suot ko. Nakalugay ang aking mataas na buhok, kaya kitang kita ang pangungulot nito sa dulo. Naglagay na rin ako ng konting kolorate sa aking mukha at lumabas na ng kwarto. Ng makarating sa sala ay agad kong naanig ang nakatayong si Kairo habang tinitingnan ang aming napakalaking family portrait. Tutok na tutok siya sa pagdudungaw sa aming litrato habang ako naman ay nakatingin sa kanya. Tiningnan ko ang bawat sulok ng kanyang napaka gwapong mukha. From his deep set eyes to his perfectly shaped nose. Ang bawat sulok ng kayang mukha ay hindi ko hinayaang malagpasan ng mga mta ko. Ang makakapal niyang mga kila, hanggang sa kanyang mapupulang mga labi. Nagtagal siguro ng ilang segundo ang paninitig ko sa kanyang mga labi, bago ko mapansin na nakatitig na rin pala siya sa akin. Pinutol ko ang paninitig sa kanya at tiningnan na lamang ang malaking larawan naming magkapamilya. "Ang ganda nila, noh?" Paglalarawan ko sa mga kapatid ko na nasa painting. "hmm."  Sabi ko na ngaba e! pinapagpantasyahan ng haliparot na ito ang aking magagandang kapatid. Mukha pa namn siya iyong tipong ganun.  I know it's wrong to judge someone base on appearance. Pero hindi ko lang maiwasan. Sa pagmumukhang iyan! Imposibleng wala siyang kaalam alam sa makamundong pagnanasa. In times like this bihira na lang ang pagiging loyal, lahat na yata ay nagging alipin sa kanilang pagnanasa. "Pero mas maganda ka." Natigilan ako sa sinabi niya. Ngunit nang nakabalik sa wisyo ay tumawa na lamang ak. Binalingan ko siya. Nagulat ako dahil sa napaka seryoso niyang paninitig.  Hindi naman kasi ako sanay sa seryoso niyang pagmumukha. Dahil sa tuwing naglalapat ang aming mga tingin ay nakangiti siya at mukhang may masamang binabalak. Ngunit sa paraan ng paninitig niya sa akin ay nailing na lamang ako. "Bolero mo talaga." Tinitigan niya lamang ako. "Illang babae na ba ang sinabihan mo niyan?" pagpapatuloy ko. Hindi ininda ang mapanuri niyang paninitig. "Pero totoo naman kasi." Agap niya. Tumawa na lamang ako  "If you say so." Sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya. Napansin kong natigilan siya at nag iwas ng tingin.  Wow that's a first. "Dito ka lang, may kukunin lang ako sa kusina."  Cream o' cookies. Vanilla cream-filled chocolate sandwich cookies. Sulat nito sa harapan. Kumuha ako ng tatalong pirsaso galing sa kanyang pack at nagtungo na pabalik sa sala. "Let's go?" tanong ko ng nadatnatan ko siyang patayo sa kanyang pag kaupo sa sofa. Tumango naman siya. "Manang alis na po ako." Paalam ko kay manang ng mapansin ko siyang nagdidilig ng mga halam sa harapan ng masion, kasama ang iba pa naming mga katulong. Nakita ko pa nga ang paraan ng pagtingin nila sa lalaking katabi ko. Ng bumaling naman ako sa kanya ay nakatingin lamang siya sa akin. "Sige, anong pras naman ang balik mo hija?" tanong niya. "Mamaya pa siguro manang, bibili narin po kasi ako ng mga gamit para sa resto." Tumango naman si manang sa sinabi ko. Bago bumaling sa katabi ko. "O sya, mag ingat ka sa pagmamaneho hijo." Sabi niya na tinanguan ko na lamang. "Opo." Sagot ni Kai.  Ng makalabas ng gate agad naman niyang pinatunog ang isang itim na Ferrari Portofino. Hindi naman ako maalam sa mga kotse, pero ito kasi ang inaasam-asam na kotse ni Dom. Hindi nga lang niya ito mabili dahil hindi pa daw kaya ng suweldo niya sa pag mo-modeling.  Pinagbuksan niya ako ng front seat. Pumasoknaman ako, samantalang siya naman ay naglakad na sa driver's seat. Habang na sa biyahe kami ay kinakain ko iyong biskwet. Nakapag breakfast na ako, di bali pangtangal bagot na din ito dahil sa katahimikang bumabalot sa amin.  Kumain kana ba?" Tanong ko ulit sa kanya. Kahit alam ko namng nabanggit na niya hindi na pa siya kumain. Lumingon siya sa akin at ako namn itong hindi kayang salubungin ang kanyang mga mata. "Hindi pa." Sagot niya. "Gusto mo ba." Sabay lahad nung biskwet. Ngumuso siya at mabagal na tumango. "Subuan mo ako." May nalalalarong ngiti sa mga labi niya.  Amfeeling naman ng haliparot na ito! "Subuan mo sarili mo! May mga kamay ka pa naman!" napipikon kong agap.  I heard his deep chuckle. Aba mukhang tuwang tuwa pa ang haliparot sa pang-iinis sa akin.  "I'm driving Am." Ngininguso niya ang harapan. "Oo na! Oo na!" napipikon kong agap sabay kuha ng isang pirasong biskwet at inilahad sa harapan niya. natigilan pa siya sa ginawa ko. Ngumiti sya, at maingat na kinuha ang bisket galling sa aking kamay sa pamamagitan ng mga labi niya. "Tsaka wag mo nga akong ma Am-am, only close friends can call me that! Naiinis pa ako sa ginawa mo kagabi!" "Why?" nangingiti siyang nagmamanaho. "Kainis naman kasi yung ginawa ko kagabi! May nalalaman kapang pag halik sa palad ko. Ano ka sinuswerte?"Pambara ko sa kanya. Ang malaghong niyang tawa ay pumalibot sa sasakyan. "Ang dami pa namang nakatingin." Patuloy ko.  "Soo, kapag walang nakatingin okay lang?" Malisyoso siyang ngumiti. "That's not my point Kai!"  "Sana pala hinugot nalang kita sa maliblib na lugar, para nahalikan na talaga kita." He stated. I rolled my eyes at him. "Tse!"  Pumasok kami sa isang villa. Nahagip ng mga mata ko ang isang napakagandang mansion na pinapalibutan ng naglalakihang mga puno at magagandang halaman. The mansion has an old Spanish air laced around it, na ikinahanga ko. Napakaganda ng disenyo nito. Out of the heavily tinted car window. I can only imagine how fascinating it must be the very moment I'll see it with my own n***d eyes. Nang maharap namin ang isang napakalaking puting tarangkahan. Automatiko itong bumakas para makapasok kami.  At hindi ako niloko ng mga pag aakala ko. Napakaganda ng mansion. Its stance screams of class and elegance. From its strokes of classical architecture. Ang napaka intricate na desenyo ng mansion ay nagsisigaw ng karangyaan. Aakalain mo talaga nabinalik ka sa panahon ng kolonisasyon ng mga kastila sa piplipinas. Pinapaharapan ang mansion ng isang fountain. Ang tubig na umaagos mula dito ay dinig na dinig na, mas kinakaganda ng paligid.  Sa malalaking pintuan nakakaukit ang mga katagang, La vida continua. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat sulok ng mansion. From the furniture to the paintings to the figurines. May napakalaking chandelier na nakasabit sa itaas. Nanagmi-mistulang mga tala kung kuminang. Isang engrandeng marmol na hagdanan ang bumungad sa aking paningin. Sa dulo nito ay ang nagigiting postura ni tita Florence. Ng mapansin niya ang paninitig ko ay agad siyang humkabang patungo sa kinatayuan namin ni Kai. "Amara! Nandito ka na!" Magiliw na bungad niya sa akin.  I look so out of place. Isang pulang roba ang suot niya. Na mas lalong ikinaganda niya. sa gilid ng aking mata nakita ko ang munting paglalakad ni Kairo patungo sa hagdanan.  "Where are you going Kai?" Tanong ni tita. "May kukunin lang ako ma sa kwarto."  "Oh, alright. Anong gusto mong kainin hijo?"  "Anything will."  "Wala ka bang request hijo?" Ulit ni tita. Na ikinailing lamang ni Kai. Nangingiting tumango si tita habang si Kai naman ay ipinagpatuloy ang paghakbang patungo sa hagdanan. "ikaw hija? Do you want some tea or anything?" salubong naman niya sa akin. "No thank you tita, im good." Sabay hawak ko sa aking tiyan.  "Alright, dun na tayo sa kusina." Aniya. Tumango lamang ako at sinundan na siya patungo sa kanilang kitchen.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD