Kabanata 2

2299 Words
"Kumain ba si Kai sa inyo hija?" Tanong ni tita sa akin. Habang hinahaloghog ko ang kanilang kusina para mahanap ang mga kasangkapang kailan para aking lulutuin.  "Uh, hindi po e." nahihiyang sagot ko. Nasa tabi ko si tita na naghahaloghog na din ng mga cabinet.  "Talaga? Iyang batang yan kasi an gaga-agang gumising, kung saan-saan naman nagtungo. Hayun hindi nakakain." Dismayadong sabi ni tita.  Ang haliparot na iyon ba't hindi siya kumain. Hindi ba niya alam na breakfast is the most important meal of the day?! Kung makaasta siya parang bata. E ang tanda tanda na niya! "Magulat nga din ako tita ng pumunta sa siya bahay. E ang aga-aga pa po, kaya hindi pa ako nakabihis."  Mukhang nagulat din si tita sa sinabi ko. Tumaas ang mga kilay niya at lumaki ang mga mata. Tumawa siya at mukhang nasasayahan pa sa sinabi ko.  "Yung batang yun talaga. Pero, pinakain mo ba hija?" Tanong niya. "Uh, opo. Uhmm, sinubuan ko po siya ng biskwet habang nagmamaneho siya." Gagang to! Ba't binaggit mo pa na sinubuan mo siya! Napapikit ako ng mata. Nakakahiya ka Amara! "Talaga hija?!" Teka lang ba't mukang mas ikinaligaya niya ang sinabi ko? Hindi ba siya maiinis dahil hindi ko man lang pinakain ng tama ang mahal niyang anak?  "Hay naku ang batang iyon talaga! Buti nalang pumayag iyon ng sinabi kong ipapasundo kita sa kanya." Dagdag pa niya.  "Bakit naman po?" Tanong ko. "Busy kasi siya sa mga araw na ito. Alam mo na? summer, maraming guests sa resort." "Oo nga po tita." Pag sang ayon ko sa kanya. Now I remember why their name rings a bell! May ari sila ng isa sa pinaka sikat na resorts sa buong Asia and Europe!  "Masaya ka ba hija?" tanong niya. "Ba't niyo naman po na itanong tita?" Nagtataka kong tanong pabalik. "Oh, let me rephrase that dear. Masaya ka ba dahil sinundo ka ni Kairo, hija?" I was a bit taken aback by her question. Ang lawak na ng ngiti niya ng lumingon ako sa kanya. Napaka straightforward niya, walang paligoy ligoy kung magsalita.  Habang tinitignan si tita napansin ko ang napakadaming hawig ni Kai sa kanya. Paano ba naman kasi e, magkamukhang magkamukha sila ni Kairo. Pareha ang kinang ng mga mata nila. Mga masayahin at sumisigaw ng charisma ang kanilang personalidad. Ang ikinaiba lang siguro nilang dalawa ay maputi si tita at si Kai naman ay moreno at lalaki. "Uh, okay lang naman po." Sabi ko at bahagyang tumawa. Tinatago ang pagkailang. "Naiilang na ba kita hija?" "Hindi naman po. I'm even enjoying your company tita." Nakita ko ang bahagya niyang pagtawa dahil sa sinabi ko. "I'm glad to hear that hija." Aniya. "naitanong ko lang kasi akala ko gusto mo siya. I actually wanna play matchmaker here. Gusto ko na kasing mag settle silang magkapatid. Ang tatanda na kasi nila. Si Patrick mukhang walang plano pa at naka focus ang atensyon sa trabaho. Si Kai naman mukhang may hinihintay." Natigilan ako ng ilang saglit sa sinabi niya. Play matchmaker? Ano, gusto niyang ibugaw ang mga anak niya? kung ganon ay nakakatuwa naman pala siya. Atsaka hinihintay? What does she mean about that? I can't imagine Kai waiting for someone. And who's the lucky girl? "Who's the lucky girl Kai's waiting for tita?" pakikisusyo ko. I'm probably invading their privacy. Kaya hindi ko nalang ipinagpatuloy. "Hindi ko nga rin alam hija." Ngiting bungad niya. I heard her throaty chuckle. "Nakakatuwa naman po pala kayo tita. Playing matchmaker?" Natatawang sabi ko. "Oo nga e." aniya. "Wag niyo po sanang masamain tita, but I think it's better if we should just let them deal with this personal part of their life." Banayad kong pag kasabi. "I know hija, parang mas nagmamadali pa nga ako kaysa sa kanila eh. And I think Kai will soon settle. Nandito na kasi yong hinihintay niya." Dagdag pa niya.  "Talaga po tita? Sino po ba itong babaeng ito, at nabihag niya ang puso ng anak niyo?" tanong ko ulit. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni tita. Sasagot na sana siya ng sumulpot sa kusina si Kai. "Mom don't interrogate her." Pag saway niya sa mama niya. Tita Florence just laughed. "We're just talking Kai. Hindi ko naman siya inaaway." Natatawang sabi ni tita. Tumaas ang isang kilay ni Kai at tumingin sa banda ko. Tinaasan ko din siya ng kilay. "Is that so?" pagdududa niya. Umirap na lamang ako at bumaling kay tita na pinapagmasdan lang pala kami habang nakangiti.  "We're cooking here, Kai." Malumnay na sabi ko sa kanya. "Talaga?" panunuya niya. Nang iinis naman ang haliparot! "Yes, don't disturb us were starting." Sabi ko ng napansin na wala pa pala kaming nasimulan ni tita dahil sa pag dadaldal namin.  He smirked. Tumalikod nalamang ako para masimulan na ang pagluluto. "Can I watch?"  "Do what you please." Malamig kong sabi. "Okay, I'll watch." Sa gilid ng aking mga mata. Pansin ko ang pangingiti ngiti ni tita. "Amara hija, pasensya na hindi pala kita matulungan sa ngayon, may kailangan pa kasi akong gawin. I'll leave with Kai."  "Okay lang po, tita." Sabi ko. Tumango naman si tita at tiningnan ang kanyang anak na nakaupo sa isang high chair. Hindi ko na siya nilingon baka mag salubong pa ang mga paningin namin at hindi naman ako maka concentrate sa ginagawa, sa paraan ng pagtingin niya. Tumango na lamang si tita at lumabas na ng kusina. Iniwan kaming dalawa ni Kai. Hindi rin nagtagal ay sinimulan ko ng magluto para sa kanilang pananghalian. Paminsan minsan ay may mga katulong na dumadaan sa kusina. At tumitingin sa pinaggalin namin ni Kai.  Ramdam na ramdam ko parin ang mariin na pagtitig niya Kai sa likuran ko. Tahimik lamang siya pero alam kong titig na titig siya sa ginagawa ko.  Illang oras ang lumipas ng matapos na din ako. Narinig ko ang mga bagsak ng paa patungo sa akin. Bumaling ako sa tabi ko at agad ko namang nahagip ang mga mapanuring tingin ni Kai sa akin. "Are you done?" he asked. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Yup, gusto mong tumikim?" Pinalandas ang kanyang dila sa kanyang mga labi. Pinasadahan niya ng tingin ang mga pagakin na linuto ko. Kumuha siya ng isang kutsara at bumaling sa akin. Mukhang nahihiya pa yata. "May I?" I nodded. Una niyang tinikman iyong sinigang na linuto ko. Ng matikman niya iyon ay ngumiwi siya. "Pangit ba ang lasa?" malungkot kong sinabi. He strongly shook his head. "Ouch." Pabulong niyang sabi.  "Ayan kasi hindi ka nagiingat!" Marahan kong saad. Kinuha ko yong kutsara mula sa mga kamay niya. Kumuha muli ako ng sabaw ng sinigang hinpan ko iyon bago ko binigay ulit sa kanya para matikman niya na iyon. As I was about to give him back his spoon para matikamn na niya, I felt him stiffen. "Oh! ayan tikman mo na. Sa sususnod kasi mag ingat ka. Wag padalosdalos. Alam mo namang mainit pa." Pangagaral ko. Maingat niyang kinuha mula sa aking mga kamay ang kutsara para matikman na iyon. Habang linanamnam niya ang sabaw. Inoobserbahan ko naman siya. Napansin ko ang bahagyang pag igting ng kanyang panga. "Ano? Masarap ba?" Pang-usisa ko.  "Yes." Namamaos niyang sabi. Lumapad ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam, pero ang saya-saya ko ng marinig iyon sa kanya. "Marunong ka bang magluto?"  "Hindi masayado."  "Ahh, ganun ba." "Oo, bakit na tu-turn off na ba kita?" padarag niya tanong. "Hindi, ba't naman ako ma tu-turn off. Eh, hindi naman kita gusto." Sabi ko.  Tumawa na lamang siya at tinitigan ako. Pinutol ko ang pagtingin sa kanya at tinigna nalang ang iba pang mga putahe na naroon.  I cooked about four dishes. Lahahat ng iyon ay pinatikim ko sa kanya. Sabi namn niya ay masarap lahat ng iyon. Kinukuha iyon ng mga katulong para mailagay na sa verana. Don na raw kasi gaganapin ang tanghalian. I glanced at Kai. Mas pumula ang kanyang labi dulot ng pag kapaso niya kanina. "What?" Natatawa niyang tanong ng mapansin ang paninitig ko. "Masakit pa ba?" sabi ko. I gestured to my lips dahil parang hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Tumango naman siya. Lumalabi siya habang tumatango.  "Patingin nga." Nabigla pa siya sa sinabi. Pero yumuko parin siya para mag ka lebel ang aming paningin. He's so close, that I can feel his minty breath on my cheek.  Tinitigan ko ang kanyang namumulang mga labi. I grazed the tip of my index finger to his lips. Ang lambot ng kanyang mga labi. I can feel the urge of an electric shock gushing down from the tip of my finger to my body. My heart is pounding so loudly. Natatakot pa ako, dahil parang ilang sandali na lang ay sasabog na ito. Ng itinaas ko ang aking titig pansin ko ang kanyang mga mata na tutitig na din pala sa mga labi ko.  I pursed my lips at inilayo na ang mukha sa kanya. Para mabigyan kami ng espasyo. I didn't notice that I was holding my breath while doing that. Napabuga ako ng hininga ng magkalayo na kami. Pansin ko parin ang pagkakatulala niya habang tinitigan ako. I chuckled at his expression. Para siyang baboy ramo. I snapped my fingers in front of him. Natauhan siya sa ginawa kong iyon.  "Nakakatawa iyang expression mo. Nagmukha kang baboy ramo." Sabi ko. Mahigpit na pinigilan ang tawa sa pamamagitan ng pagiging seryoso. Ngunit hindi ko na mapigilan nang nangunot ang kanyang noo at sumimangot siya. Humagalpak na talaga ako ng tawa. "Baboy ramo ka diyan. Ang gwapo ko kaya." Aniya. "Ang lakas pala ng hangin dito sa inyo. Nakakakilabot." Nanginginig kong sinabi.  "Tss, pakipot ka pa. Halatang na gagwapohan ka naman sakin." Nandyan naman ang nakakakilabot niyang ngiti. "Ang yabang mo!" sigaw ko habang natatawa. he chuckled at my reaction. Ng sumulyap ako sa paligid pansin ko ang paninititig ng mga kasambahay na nakapaligid sa amin. Heat spread on my cheeks. Nakatunganga lamang sila ngunit ng mapansin nila ang pag baling ko agad naman silang bumalik sa kanilang mga ginagawa. Ng sulyapan ko si Kai mukahang hindi niya napansin ang paninitig ng mga tao sa amin. He was still staring at me. Walang pake sa mga taong nakapalibot.  Sa gilid ng aking mga mata ay nadatnatan ko ang pagdating ni tita sa kusina. Ngumiti siya ng natanaw niya kami ni Kai sa ganuong posisyon. Lumapit siya sa kinakatayuan namin at ngumiti. "Oh! Nandyan lang pala kayo. Nakahanda na ang pagkain, nandon na sila. Kayo na lang ang hinihintay." Sambit ni niya. She threw me a glance. "Tayo na?" "Uh, sige po." Sagot ko at sumunod na sa kanya patungog veranda. Isang napakalawak na lamesa ang bumungad sa aking mga mata. Nakalatag ang mga luto ko duon. Nahagip ng aking paningin ang nakaupong si tito Benjamin sa kabisera. Sa kanan naman niya ay nakaupo si Patrick. Ngumiti ang dalaw ng madatnatan ang pagdating naming. Umupo sa tabi ni Pat si Kai. Samantalang si tita ay umupo sa bakanteng upuan sa kaliwa ni tito.  "Amara hija, dito ka sa tabi ko umupo." Sabi ni tita ng mapansing nakatungaga lang ako sa harapan ng lamesa. Tumango naman ako umupo na sa tabi niya. My seat is facing Kai's. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na silang kumain. "Pasesya na talaga Am, kung hindi kita na tulungan kanina sa kusina. Sana naman ay nakatulong si Kai sayo." Sabay sulyap kay Kai. Na tutok na tutok ang atensyon sa pinag-uusaoan nilang mag-ama. Paninitig lang namn ang naitulong nun. Tss. "Ayos lang naman tita." Tumango siya at hinigupan ang sabaw niya.  "Ang sarap naman ng pagkain! Sinong nagluto?" Deklarasyon ni tito Benj. Mukhang tapos na sila sa pinag-uusapan. "Si Amara dad ang nagluto. Ang sarap nga eh." Pangunguna ni Pat. Nangigiting bumaling sa akin si tito. "Really? Ang sarap mo palang magluto hija. Hindi lang masarap, napakasarap." Papuri ni tito Benj.  Marahan ako ngumiti sa kanya at nagpasalamat. "Benj, Amara's building her own restaurant." Dagdag pa ni tita. "Wow! That's amazing! I'm sure you'll gain a lot of costumers, because of your way of cooking Am. Napakasarap ng mga niluto mo sa amin. I'm excited to taste the rest."  "Salamat." Sabat ko. Tumango na lamang si Pat at bumaling sa kanyang kapatid. Nakataas na ang isang kilay niya. Bad trip ang haliparot. Nakakunot ang noo at tahimik na lamang sa gilid. Naiinis yata sa hindi ko malamang dahilan. "Hijo, kanina ka pang walang imik diyan. May problem ba?" Tanong ni tito. "Nothing's wrong Dad. I'm just thinking." Sagot niya. "And what are you thinking?" Pangusisa ni Pat. "It's none of your business, kuya." He coldly answered. Tumawa si Pat sa sinabi ng kapatid. Ba't parang galit pa ang isang to. Nagtanong nga lang si Pat naiinis na. "Boys no fighting in front of the food. Especially in front of our guest." Sabi ni tita. Tumigil na sa pagtawa si Pat at nakipag usap na lang sa ama. Samatalang si Kai ay nanataliling tahimik. "Kailan ang opening ng resto mo hija?" tanong ni tito ng bumalik ang atensyon sa akin. "Next month lang po siguro tito. Malapit na po kasing matapos iyon. Mga design nalang ang kulang."  "Does your parents know anything about this?" Tanong naman ni tita. "Yes po. In fact sila ang pumili ng mga workers." Tumango naman ang dalawa sa sinabi ko.  Kumakain na kami ng panghimagas. Panay naman ang mga business talk nila. Minsan namn ay nasasali ako. Sumipsip ako ng wine habnag nginunguya iyong mocha cake. Ng maramdaman ko ang pag vi-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon. Domino's Pizza is calling.  Iyon yung naka flash sa screen. Agad naman akong nag paalam sa kina tita para sagutin iyong tawag. Hindi man lang nakalampas sa aking paningin ang mapanuring titig ni Kai habang paalis ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD