CHAPTER SIX
Binuksan nito ang ilaw at nakita niya si Noah na basang-basa ang t-shirt nito ng tubig. Ngayon lang mag sink in sa kanya na ang lalakeng biglang bumungad sa kanyang harapan ay walang iba kundi ang lalakeng ito.
Hindi niya alam pero biglang gumuhit ang ngisi sa kanyang labi nang makita ang abs nito na siyang bumabakat sa basa nitong damit.
Damn. Bigla na lang nawala ang kanyang antok na para bang bula. Para bang nabuhayan ang kanyang pagkatao. Pakiramdam niya ay gusto niya pang mabuhay nang matagal.
"Hindi ka man lang mag-so-sorry? Binugahan mo lang naman ako ng malamig na tubig!" Inis nitong sambit sa kanya.
Umabot ng langit ang taas ng kanyang kilay nang marinig iyon. She crossed her arms.
"Why would I? As if hindi mo sinadyang pumunta sa harap ko para gulatin at takutin ako?" Napa- "O" ang kanyang labi nang may marealize siya, "Naghihiganti ka."
"Anong pinagsasabi mo? Hindi, 'no. Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"That's not a question," lumapit siya rito. Nang isang dangkal na lamang ay maglalapit na ang kanilang katawan. Ibinaba niya ang mukha nito para maglapit ang kanilang labi sa pamamagitan ng paghawak niya sa baba nito.
"I'm. Not. Asking," aniya. Habang nakatitig sa labi nito.
Nanigas ito sa kinatatayuan. Nakita niya ang paglunok nito ng laway dahilan para siya ay mapangisi.
Sabi niya na nga ba. Tatamaan at tatamaan ang lalakeng ito. Wala ni isang lalake ang hindi natatamaan kay Beatrice. Lahat ng lalake ay napapaamo niya't napapaluhod. That's her power. Isang hawak niya pa lang ay napuputol niya na agad ang sungay ng mga ito. She is the living example of the phrase from Ariana Grande song, "God is a woman".
Matagal sila sa ganoong pwesto. Ang buong akala niya ay nasa kanya na ang huling halakhak. But she's wrong.
Mabilis siya nitong isinandig sa wall. Ang dalawa niyang kamay ay mabilis nitong nai-pin sa taas ng kanyang ulo. Nanlaki ang mata ni Beatrice nang maramdaman niya ang paglapit ng kanilang katawan. Lalong-lalo na ang pagtutok ng mukha nito sa kanya. Halatang-halata sa kanyang reaksyon ang pagkabigla niya sa ginawa ng binata.
Napalunok siya nang iangat nito ang kanyang mukha at ilapit ang labi nito sa kanyang labi.
Damang-dama niya na ang init ng hininga nito. Ang amoy ng katawan nito na tila menthol.
"Iba ako maghiganti, Trice," anito. Pagkatapos niyon ay inilapit nito ay lumapit pa ito lalo sa kanya. "Basig maganahan kas akong i-balos," he whispered.
Napalunok siya sa ibinulong nito. Hindi niya iyon maintindihan. But the way he whispered at her, his husky voice, at ang mainit nitong hininga ay nagbibigay kiliti sa kanya.
Nang magising siya sa ulirat. Itinulak niya ito at automatic na dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito. Nasampal niya ito nang sobrang lakas. Dahilan para mamula ang ang pisngi nito.
"Jerk! I don't know what you're saying. But i'm 100 percent sure na bastos 'yon! You idiot!" Inis niyang duro rito.
"Beatrice Montejo!"
Napalingon siya sa tumawag ng kanyang pangalan. It was her Mom. Galit na galit itong nakatitig sa kanya.
"What, Mom?" Iritado niyang tanong rito. "Don't tell me, ako na naman ang may kasalanan?"
"Bakit ka gan'yan? Hindi kita tinuruan na maging bastos sa ibang tao! Hindi ka ba nahihiya kapag nalaman ng Tita Miriam mo na gan'yan ang pakikitungo mo sa nag-iisa niyang anak?!"
Napabuga siya ng hangin ng marinig ang sinabi ni Mom. Hindi niya na maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mom para siya ang lagi nitong sermonan kahit na hindi lang naman siya ang may mali. Yes, alam niya naman kung ano ang ginagawa niya. Hindi siya magmamalinis doon. Pero ang lakakeng iyon lagi ang nagsisimula. Pinapa-trigger siya nito.
Hindi na kaya ni Beatrice na hayaan na lamang ang mga ito. Pagod na siyang magtimpi. Pagod na siyang manahimik. Wala na siyang pakealam kung magiging bastos ba siya sa paningin ng kanyang nanay pagkatapos niya ilabas lahat ng gusto niyang sabihin dito.
Humarap siya rito pagkatapos ay mapait na ngumiti rito.
"You know what, Mom? Why don't you ask that jerk first—" turo niya sa binata na tahimik na nakatayo sa isang corner, "—kung ano talaga ang nangyari. Para malaman mo naman at maliwanagan ka. Hindi 'yong pag may nangyayaring gulo, ako agad ang may kasalanan."
Iritado siyang humarap sa binata, "And you, why don't tell my Mom kung ano talaga ang nangyari? And . . ." Diin niya sa dulo. "Hindi ka ba nahihiya kay Mom na binubully mo ako? Sa tingin ko, ikaw dapat ang sumagot ng tanong ni Mom."
Hindi ito sumagot at nanatili lang nakatikom ang bibig nito.
Lumingon muli siya kay Mom na ngayon ay tahimik siyang pinagmamasdan.
"I' m done, Mom . . ." Napailing siya rito at mapait na ngumiti, "I'm done."
Pagkatapos nito sabihin ang katagang iyon ay nagbadya na siyang umakyat patungo sa kanyang kwarto.
Padabog siyang pumasok sa kwarto at inampake lahat ng gamit. Hindi niya kayang mag stay pa ng ilan pang araw sa bahay na ito. At mas lalong hindi niya kayang pakisamahan ang lalakeng iyon. Tapos na siya. Tapos na siyang matiis at makipaglaro dito.
Pumunta siya ng Pilipinas para makapag-bonding sila ni Mom kahit sandali lang. Iniwan pa ni Beatrice ang trabaho niya sa Canada para lang kay Mom. Pagkatapos ay ganito pa ang mangyayari?
Aayusin niya na lang ang kanyang mga papeles para makalipad at makauwi sa Canada. Mabuti't igugol niya na lang lahat ng panahon at oras doon kesa naman sa tutunganga siya rito sa Manila ng anim na buwan.
Nagbihis siya at nag-ayos. Pagkatapos niyon ay bumaba siya bitbit ang mga bagahe. Naabutan niyang tahimik na nakaupo si Mom at si Noah sa malaking sofa. Na ngayon ay nakasuot na ng oanibagong damit. Hindi ito nag iimikan at tila balisa ang mga ito sa nangyari. Kahit siya rin naman ay hindi niya aakalain na ganito ang mangyayari. Imagine, madaling araw nangyari lahat ng iyon.
Huminto siya saglit at lumapit kay Mom. Matagal silang natahimik at naghihintay kung sino ang unang magsasalita.
She cleared her throat.
"Call me, Jia, if you need something or you want to talk to me. I'll be back on Canada in a few weeks. Take care of yourself," untag niya rito habang nag iiwas siya ng tingin. "And . . . I'm sorry for my impolite behavior earlier."
"I gotta go," mahina ang kanyang boses nang magpaalam siya. Pagkatapos niyon ay iniwan niya na ang mga ito. Hinatid siya ng maid palabas.
Pagkarating niya sa labas ay nakaparada na ang sasakyan ni Diane. Nakatayo't nakasandig ito sa gilid ng kotse tulad nong una niya itong makita sa airport.
"Let's go?"