CHAPTER FIVE

1273 Words
CHAPTER FIVE NAGISING siya sa tawag ng kanyang kaibigan. Inimulat niya ang kanyang mata at bumungad doon ang chandelier sa kisame. Pagkatapos niyon ay inilibot na niya ang tingin sa buong silid. "Mabuti namang at nagising na kayo, senyora," pang-aasar na bati ni Dianne pagkatapos niyon ay hinawi ang kurtina dahilan para lumiwanag ang huong silid. Ito ang tunay na tulog. Iyong magigising ka nang pakiramdam mo ay fresh ka. Unlike kanina na feeling niya ay isa siyang sakiting tao. Well, nasa condominium lang naman siya ngayon ni Dianne. After niyang maligo roon ay tinawag niya na kaagad ito para sunduin siya. Para ituloy ang naudlot niyang tulog. Bumangon siya sa kanyang kinahihigaan at umupo. "What time is it?" She asked. "10 am na." "Do I need to thank my friend?" Sarkastiko niyang tanong dito. "Nooo, hindi ko kailangan niyan." Umupo ito paharap sa kanya, "Ang kailangan ko lang ay sagutin ang madami kong tanong. Like, ba't ka nagpasundo nang maaga at natulog pagkarating dito? Oh, saka ano pala 'yong sasabihin mo?" Sunud-sunod nitong tanong sa kanya. "Is it not obvious? Hindi lang naman natahimik ang buhay ko sa bahay na 'yon. Hindi ako nakatulog dahil sa lalakeng 'yon." Naningkit ang mata nito sa huli niyang sinabi. Tila ba ay gusto nitong ibuga niya pa sa pagmumukha nito ang tea na hinihingi nito. "Lalake? Who's that guy? Is it gwapo? Malaki?" "H-huh?!" Kumunot ang kanyang noo sa tanong nito, "anong malaki? Anong kinalaman ng malaki sa sinabi ko?" Pinilantik nito ang kamay sa hangin. "Ano ka ba naman, wala kang jowa pero 'yang utak mo . . madumi," hininaan nito ang huling sinabi. "Iyong malaki ba 'yong chance na magkaka-jowa ka na bago bumalik ng Canada?" Napabuga ito ng hangin. Halos hindi makapaniwala sa tinanong sa kanya ng kaibigan. "Are you serious? Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalakeng hindi matanggap na natalo ko ng isang babae sa poker." Nalaglag ang panga nito dahil sa kanyang sinabi. "Wait, what?! What do you mean? Please lang, Beatrice, i-todo mo na 'yong pa-tea mo!" "Yes! That stup*d guy on Casino. Siya iyong anak ng bestfriend ni Mom." Halos hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi. Kulang na lang ay lumuwa na ang mata nito dahil sa pagka bigla. Sino ba nama ang hindi magugulat? Sobrang coincidence ng pangyayari. Kahit siya ay hindi makapaniwala. "That's why i'm here--Para humingi ng tulong from you. I don't want to leave in that house without my Mom." "Anong klaseng tulong ba?" Sa sandaling iyon ay nagbago ang ihip ng kanyang hangin. Iyong klaseng tanong ng kanyang kaibigan lang naman ang magbibigay ng pag-asa sa kanya. Ngumisi siya rito. "You in?" "I am." *** Magdidilim na siya nong makauwi. As usual, naabutan niya si Mom sa bahay. Nakaupo at nanonood sa malaking led tv na kung tatantyahin niya ay nasa 88 inch ang laki nito. "Hi Mom," bati niya rito pagkatapos ay binigyan ito ng isang halik. "Oh, nananaginip ba ako? Matagal na rin ang nakalipas mula nong batiin mo ang nanay mo," natatawa nitong sabi sa kanya. Well, it's true. Siya iyong tipong rude na kung rude makitungo sa magulang. Hindi niya rin alam kung bakit isang araw ay naging ganoon na lang siya. For now, she needs to treat her good. Para rin iyon sa kanila--to spend time together without asungot. "Ano 'yang dala mo? Nag shopping ka?" Ngayon niya lang napatanto na hindi niya pa nalalapag iyong shinopping niyang mga branded na damit. "Oh," inilapag niya ang mga ito sa table pagkatapos ay umupo sa tabi nito. " Binilhan kita ng damit. Napansin ko kaseng matagal na 'yang damit na sinusuot mo. I think, 25 years old pa ako nong binili mo 'yan." "Dalawang taon palang naman ang nakalipas, iha," natatawa nitong sabi sa kanya. "Mom, two years is two years," giit niya. Napailing na lang ito. Hindi niya alam kung nakakahalata na ba ito sa kanya o ano. Basta ang alam niya ngayon ay lambingin ito para pumayag sa gusto niya. "Okay, iha. What do you want?" Kumunot siya ng kanyang noo. Kunwari ay hindi naiintindihan ang tanong nito. Pero deep inside ay nagsi-celebrate ang bahagi niya. "Wala naman." Ngayon ay natawa na ito. "O my god, iha, as if i don't know your style. Come on, sabihin mo na kung ano ang kailangan mo." "Okay, Mom," she cleared her throat. "Dianne wants to invite us on their private island. To enjoy her being dalaga. And—" "You know I really love to. But nag promise na ako kay Tita Miriam mo na mag bakasyon doon sa hacienda nila with you. And that's the reason kung bakit kita pinilit na magbakasyon, right?" "Mom, ikaw lang 'yong nagpromise. Hindi mo ako tinanong kung gusto ko. In fact, you forced me to go here. Wala akong choice, okay?" "Beatrice," tawag nito sa kanya nang may pagbababala. "Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang gusto mo." She rolled her eyes. "Ang gusto ko lang naman ay makaalis tayo sa bahay na ito. Bakit pa natin kailangang tumira sa bahay ng ibang tao? May pera ako Mom. Marami. Bibilhan kita ng bahay if you want," nilingon niya ang buong paligid. "Mas malaki pa sa bahay na ito." "Ayaw mong tumira sa ibang bahay o ayaw mong makasama sa isang bahay si Noah?" Hindi niya alam pero bigla na lang siyang nawalan ng boses. Na kahit magsalita siya ay walang lumalabas sa kanyang bibig. Umiwas siya sa tingin ni Mom. Naramdaman niya ang pagsandig nito sa inuupuan nito kasabay ng pag krus ng braso sa dibdib nito. "Look at yourself, Beatrice. Hindi ka na bata," saway nito. Mapait siyang napangisi rito. She can't believe it. "Mom? Ako?" Turo niya sa kanyang sarili, "Ako pa talaga 'yong sinabihan mo ng gan'yan? Seriously?" "Bakit? Hindi ba?" "I can't beleive it," tugon niya rito. Napabuga ng hangin. "You know what? Nevermind, Mom," sambit niya rito pagkatapos padabog na umakyat papunta sa kanyang kwarto. Malakas niyang isinara ang pinto. Wala na siyang pamealam kung masira man ito. Tutal ginusto rin naman nila ang patirahin sila sa bahay na ito. Itinapon niya ang kanyang phone sa couch at pabagsak na umupo sa higaan. "Ako pa talaga ang bata? E, ano pala ang ginagawa ng jerk na 'yon? Matured?" IRITADO siyang napabangon sa kanyang kinahihigaan. Nagising lang naman siya Jia. Para balitaan siya ng hindi importantemg bagay. Ilang beses niya na itong sinabihan na tawagan lang siya kung may importante itong sasabihin o kaya naman ay kung may emergency. Tiningnan niya muli ang orasan sa kanyang phone. 3:30 pa lang naman ng madaling araw. Hinawakan ni Beatrice ang kanyang sentido at hinilot-hilot ito. "Ba't lagi nalang may nandidistorbo ng tulog ko?" Inis niyang tanong sa sarili. Pagkatapos ay kinuha ang unan na malapit sa kanya at inis niya itong binato sa kung saan niya ito kinuha. Labag sa kanyang kalooban ang bumangon. Lumabas siya at nagtungo sa kitchen. Kumuha siya ng isang pitsel ng tubig sa refrigerator at nilagyan ang malinis na baso. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-iinom ng tubig nang may biglang nagpakita sa kanyang harapan dahilan para maibuga niya ang kanyang iniinom dito. "Yawa!" Sigaw nito. "W-What's yawa?" Kahit na madilim ay hindi siya nag atabiling hindi umatras. Pumunta siya sa kabila ng island bar nang sa gayon kung sigurin man siya nito ay hindi siya kaagad nito muhuhuli. "Sino ka?!" Tanong niya muli rito. A/N: Sa mga nakakaintindi ng bisaya, paki translate na lang po sa comment section 'yong sinasabi ni Noah. Hindi po ako magaling sa bisaya. Pag pasensyahan niyo na. Haha! Anyways, happy reading everyone! Keep safe! Mahal tayo ni God. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD