GIORDAN “An—Gella. Gella Abuello, Ms. Melissa.” Napatalikod ako sa entablado. Naramdaman ko ang pagkabalisa ni Melissa nang marinig niya ang apelyido ni Gella. Kailangan kong magtago para hindi niya ako makita bago ko pa mahadlangan ang balak ng aking kasambahay. Baka kung matagpuan ako ng dati kong asawa dito ay baka masira ko pa ang event. “Excited po ako, Ms. Melissa. Ano po ang title ng song?” Nakaramdam ako ng pananabik na malaman kung ano ang kakantahin ni Gella. Lumingon ako ng dahan-dahan at chineck muna kung nakatingin sa direksyon ko si Melissa bago ako tuluyang sumulyap sa entablado. “HIRAM. BY ZSA ZSA PADILLA.” Tugon ni Melissa kay Gella. Bullshit. Sa libo-libong kanta na puwedeng kantahin, bakit ito pa? Mabilis kong pinagmasdan ang mukha ni Gella. Bumilis ang paghinga

