KENT'S POV : HANGGANG ngayon parang isang panaginip lang ang lahat, parang kailan lang noong halos sirain ko na ang buhay ko nang dahil sa pag-ibig. Pero sinong mag-aakala na sa kabila ng kabiguan ko makakahanap pa ako ng isang tunay at wagas na pag-ibig. Ang kabiguan kong iyon ang naging daan para magbukas para sa akin ang isa pang pintuan. Iyon ay ang makilala ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Wala ng mas sasaya pa na makasama ang taong pinili mong mahalin, ang taong pinili mong pagsilbihan at pinili mong makasama habang buhay. Sa piling ni Khiara naging masaya ako, sa piling ni Khiara muling sumilay ang liwanag sa dating madilim kong mundo. "Mine ayos ka lang ba?" pukaw sa akin ng mahal ko, pagkauwi namin ng bahay. Isang linggo din siyang namalagi ng hospital, at ngayon nagpa

