"KHIARA kaya mo paba?" tanong ni Marcus habang tahak nila ang daan patungong hospital. Panay na ang paghilab ng kanyang tiyan, sobrang sakit narin ng kanyang balakang pero pilit niyang pinapalakas ang kanyang loob. "Kent! Ahh, ang sakit na talaga! Nasaan kana ba kasi Kent?" dumadaing niyang sabi. Hindi naman malaman ni Marcus ang kanyang gagawin. "Yang asawa mo naman kasi, bigla na lang nawalan ng malay kanina. Biruin mo bumulagta na lang siya sa harapan naming lahat! And one more thing, naka brief lang loko!" natatawa na tinuran ni Marcus. Pagkarating nila ng hospital kaagad na tinawagan ni Marcus ang kanyang Tita Lara at Tito Dylan, dito sinabi niya sa kanila na manganganak na si Khiara at hinahanap nito si Kent. Pagkarating nila ng hospital kaagad na inasikaso ng mga doctor at nurs

