CHAPTER 7

1861 Words
CELINE Tahimik akong nakatingin sa labas ng sasakyan. Sampung minuto na rin ang itinakbo namin. Hindi ko alam kung saan ang destinasyon namin. Hindi ako kumikibo kapag nagsasalita siya. Nakakaramdam pa rin ako ng galit. Galit na hindi ko alam kung para kanino, sa akin ba o sa kanilang dalawa. Marahas akong bumuntonghininga. "Saan tayo pupunta? Bakit mo pa ako isinama, tutal alam ko na ang sekreto mo." Bahagya niyang itinigil ang sasakyan at humarap sa akin. Madilim ang mukha at gumagalaw ang panga. "Because he likes you. At handa siyang makipagpatayan para lang maangkin ka niya." Nanindig ang balahibo ko. Saka lang bumalik sa alaala ko ang nangyari no'ng gabing sumakay ako sa kotse at sumama sa isang lalaking naka-bonet. Hindi kaya. . . "Hindi kaya siya iyong muntik ng gumahasa sa akin?" Hindi siya sumagot. Tahimik at tila hinihintay pa ang sunod kong sasabihin. "Sabihin mo sa akin, siya ba?" "Yeah," tipid niyang sagot. Kumuyom ang kamao ko dahil sa narinig. Mabuti na lang talaga hindi natuloy ang pagtangkang paghalay sana sa akin ng lalaking iyon. Naglandas ang luha sa mata ko nang mapagtanto kong sino nga ba sa kanila ang--- "E, 'yong nangyari no'ng nakaraang gabi, ikaw ba 'yon?" walang hiya kong tanong. Tumango siya at hinalikan ako sa noo. "Don't worry, safe ka sa mga kamay ko." Tama siya. Kapag siya ang kasama ko ay ramdam kong safe ako. Kumalas siya ng yakap at pinagpatuloy ang pagmaneho hanggang makarating kami sa isang resort. Sanchez Resort. Bumaba si Eldon at pinagbuksan ako ng pinto. Kaano-ano naman kaya niya ang may-ari ng resort na ito? "Lets go inside." Hinawakan ang kamay ko at iginaya sa loob. Sa entrance pa lang ay binati na siya ng mga tao. Ngayon ko napagtanto na sikat pala ang taong kasama ko. Halos lahat binati siya. Ang ilan sa mga staff ay natatakot, ang ilan naman ay kumakaway. "Sa inyo ang resort na 'to?" "Good afternoon po sir, ma'am." bati ng isang receptionist sa amin. Nailang akong ngumiti. Tumikhim siya, " Sa akin lang. Don't worry, hindi alam ni Erik ang lugar na ito." Hinila pa ako tila ba may pinagtataguan. Kumunot ang noo ko. Ang yaman pala talaga ng mokong na 'to. Napangiti na lang ako bigla nang maalala ang nangyari sa amin no'ng nakaraang gabi. "What's funny?" Nilingon ko siya ng nakangiti pa rin. Nanumbalik sa akin ang lahat. Gusto ko sagutin ang tanong niya ngunit naagaw ng pansin ko ang isang pigura ng tao. Tila pamilyar iyon sa akin. Napasinghap ako nang pisilin niya ang kamay ko, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nang tingnan ko ulit ang taong pamilyar sa akin ay nawala na ito. "Ang mga kapatid ko." Ngayon ko naalala na wala pala silang kasama sa apartment. May pinindot siya sa gilid at ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Napanganga ako sa ganda ng kuwarto. Kumpleto ang kagamitan. Malinis at malawak. Binaba niya ang mga bagahe at hinarap ako. "No need to worry, nasa bahay ko na sila kasama si Kate," aniya at ngumiti pa. Natulos ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kong malalim pala ang magkabila niyang biloy sa pisngi. Ang guwapo niya! Pinihig ko ang ulo. Kung ano-ano na iyong naiisip ko sa lalaking 'to! "Are you alright?" may pag-alala sa tanong niya nang hindi ako magsalita. Tumango ako at umupo sa malambot na kama. Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Mabuti at safe sila. "Kumusta na pala 'yong paghahanap ninyo sa killer?" tanong ko. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Kakain muna tayo. Saan ba gusto mo, sa labas tayo kakain?" "Dito na lang siguro. Mapagkamalan pa tayong mag-syota do'n sa labas," sagot ko na ikinatahamik niya. Tumayo at may binuksan siyang pinto. Mula roon ay makikita ang magandang tanawin sa baba ng resort. Preskong hangin agad ang sumalubong sa amin. Sinundan ko siya. Tahimik pa rin. Mayamaya ay dinukot ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na lang na may kumatok sa pinto. Binuksan niya iyon at naamoy ko agad ang masarap na pagkain. Nilapag niya iyon sa mesa at tinapunan ako ng tingin. "Alam kong gutom ka na kaya dito na tayo kakain, baka nahihiya ka lang lumabas kaya nagpahatid na ako ng makakain natin." Napangiti na naman ako sa aking isipan kaya hindi ko napansin ang pagtitig niya sa akin. "Kakain ba tayo o ngingiti-ngiti ka lang d'yan?" pang-aasar niya. Tinaasan ko siya ng kilay at walang pasabing dinampot ko ang kutsara't tinidor. Habang kumakain ay wala kaming imikan. Hindi rin naman siya nagsasalita hanggang sa ako na ang unang bumasag sa katahimikan. "Bakit Sanchez Resort ang pinangalan mo rito?" Tumigil siya sa pagnguya. Kapagkuway kumuha ng isang pirasong manok at inilagay sa pinggan niya. "Apilyedo ng mama kong pumanaw na," walang buhay niyang sagot. Natahimik ako. Hindi na ako nagsalita pa hanggang matapos kaming kumain. Ako na ang nagligpit sa pinagkainan namin na agad din naman niya akong pinigilan. Hindi na ako nakipagtalo pa. Siya rin naman ang masusunod. Lumapit ako sa veranda at tanaw ko ang malinaw na dagat. Hapon na iyon kaya niyaya kong lumabas si Eldon na pinaunlakan rin naman niya agad. (THIRD PERSON POV) Tahimik lang pinagmasdan ng binata si Celine habang masayang nilalaro ng dalaga ang mga buhangin. Lihim siyang napangiti nang maalala ang nangyari sa kanila noong nakaraang gabi. Sa pagkakataong iyon ay ramdam ni Eldon na may halaga siya sa dalaga. Napangiti siya nang gumanti ng halik ang dalaga sa bawat paghalik niya. Bumalik lang siya sa matinong pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. "Yes," aniya sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya nang magsalita ang kabilang linya. Tumiim ang bagang niya nang mabanggit ng kausap ang pangalan ng kapatid niya. Kaagad niyang pinatay ang tawag at tinapunan ng tingin ang dalaga na ngayo'y may kausap na. Umigting ang panga niya nang makitang masayang nakipagkuwentuhan si Celine sa lalaki. Dali-dali niya itong nilapitan at walang pasabing hinablot ito sa kamay. Nagulat man ay nagpaubaya na lang ang dalaga. Nasa kanila ang mga mata ng mga tao sa resort. May nagbubulong-bulungan, may kinikilig at mayro'n ding hindi sang-ayon sa kanila. Pinagkibit balikat iyon ni Celine. Pagdating sa kuwarto ay pabagsak na umupo si Eldon sa kama. Matalim ang pinukol nitong tingin sa dalaga. "Ang bago-bago mo lang dito nagpapalandi ka na agad!" Hindi mapigilan ni Eldon ang emosyon. Nagulat ang dalaga sa pinapakitang ugali ng binata. "Ano bang problema mo?" "You!" Nagtagis ang bagang nito. Hindi nakaimik si Celine bagkus lumapit siya sa binata at niyakap ito. Natulala si Eldon sa inasta ng dalaga. Lihim itong napangiti sa ginawa ng dalaga. "Ano ka ba. Matapos ang nangyari sa atin pagdudahan mo pa ako." Nagitla pa siya sa sariling sinabi. Nasapo ni Celine ang bibig nang mapagtanto ang lumabas sa sariling bibig. Sumilay naman ang pilyong ngiti sa labi ng binata. Humarap siya sa dalaga at masuyo itong hinalikan sa labi. Nagpaubaya ang dalaga. Tinalo na naman siya ng karupukan. Ngayon niya lang nararamdaman ito. Hindi niya naramadaman sa ex boyfriend niya ang kakaibang nararamdaman para sa binata. (ELDON POV) Dinig ko ang pagaspas ng tubig sa loob ng banyo. Ilang minuto na ng pumasok siya roon. I'm freaking in love with her. Handa akong makipagpatayan alang-alang sa kanya. Habang naghihintay, kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Kate. Nakailang ring pa lang ng sagutin niya ito. Matapos ang kaunting kamustahan binaba ko na ang cellphone na hawak ko. Hindi sila magagalaw sa bahay ko. Mahigpit ang mga bantay do'n. Mayamaya pa ay lumabas mula sa loob ng cr ang babaeng kinababaliwan ko. Akin lang siya! Akin lang! Kumuha ng damit at bumalik ulit sa loob ng banyo. Amoy ko pa ang gamit niyang conditioner. Nakakabaliw! Pinihig ko ang ulo. Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae. Tanggap ko naman ang buong pagkatao niya. And I'm thankful dahil sa kabila ng kakaiba niyang trabaho ay iniingatan niya pa rin ang kaisa-isang bagay na maipagmamalaki ng lalaking makakauna sa kanya. At ako iyon. Kinuha ko ulit ang cellphone at tinawag ang kaibigan ko. May ipabibili ako sa kanya. Excited at pinaghalong kaba ang nararamdaman ko nang maisip ang isang bagay. Hope so. I sigh. Kinabahan pa rin ako. Paano na lang kong. . . "Hindi ka ba magbibihis? Aalis tayo 'diba?" The way na maririnig ko ang boses niya ay tila ba isa iyong musika sa aking pandinig. Tumayo ako at nagmadaling pumasok sa banyo. Nang matapos ay nadatnan ko siyang bino-blower ang buhok. Mas lalo akong nagkagusto sa kanya. Para na akong timang kaiisip sa kahit magkasama naman kami. (CELINE POV) Kumunot ang noo ko nang makitang kanina pa ako pinagmasdan. Nang matapos ay niyaya na ako para bumaba. May surpresa raw siya sa akin. Hindi naman ako makatanggi dahil ayaw ko ring magmukmok dito sa kuwarto. Pagdating sa baba ay nagtaka ako dahil wala ng katao-tao. Maaga pa naman para magsitulog ang mga guests dito sa resort. Kumuha siya ng pulang panyo at tinakpan ang dalawa kong mata. Sa ikalawang pagkakataon ay wala na naman akong nagawa. Hinawakan niya ang baywang ko at sinabayan ako sa paglakad. Nakailang hakbang kami nang huminto siya. Rinig ko ang bulungan pero hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Mayamaya pa ay iginaya niya ako ulit at pinaupo sa upuan. "Huwag mo mo nang tanggalin 'yan," paalala niya. Hindi na ako nagsalita pa pero ramdam ko ang kakaibang kabog ng puso ko. "Ready?" Bumuntonghininga ako at dahan-dahang tinanggal ang piring sa mata ko. Malapit kami sa dagat. Napakagandang desinyo. Kailan kaya niya pina-set up 'to? "Sino'ng gumawa nito? Ang ganda!" bulalas ko habang inisa-isang tingnan ang nakadesinyong mga bulaklak. Pabilog ang pagkakagawa. "You like it?" aniya sa namumungay na mga mata. Hindi ko maikakaila na nagustuhan ko ang ginawa niya. Umayos ako ng upo at dahan-dahang tumango. Kasabay ng kanyang pagtayo ay unti-unti kong naririnig ang musika sa aming likuran. Napapangiti ako. Ang titulo ng kanta ang nagpapangiti lalo sa akin. ???? ???? ??? ??????? Kakaibang saya ang nararamdaman ko kumpara sa kasiyahang dulot ni John sa akin noon. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Sumikdo ang galit sa puso ko nang maalala ang ginawa sa akin ng lalaking iyon. Pinihig ko ang ulo at inayos ang itsura ko. May dinukot sa bulsa si Eldon. Walang pasabing tumayo at lumuhod sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang buksan niya ang isang maliit na kulay pulang kahon. Kumikinang pa ang singsing dahil nasisinagan iyon ng buwan. Hindi ko alam kung umo-o ako o hindi. Basta namalayan ko na lang na suot ko na ang singsing sa kamay ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi nakakasawa ang bango niya. Para akong hinahatak kapag yakap niya ako. Naghiwalay ang aming katawan nang humahangos ang isang receptionist sa kinaroroonan namin. Namumutla habang nakatingin sa kanyang amo. "Ser, sorry po sa disturbo. Pero may nanggugulo po sa labas. Gusto po kayong dalawa makausap," kinakabahang salita ng babae. Kitang-kita sa mga mata nito ang kaba at takot. Hinila ako ni Eldon palabas. Laking gulat ko nang mapagsino ang taong gustong pumasok. Maging si Eldon ay hindi inaasahan ang bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD