CHAPTER 8

2342 Words
??????? ? ?????? Mahigpit kong hawak ang kamay ni Eldon. Hindi ko rin iyon inaasahang gawin. Maging siya man ay bahagyang nagulat sa aking inasta. Pero nangingibabaw pa rin ang pagtitimpi niyang ngumiti. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata. "Mag-usap tayo!" Tukoy niya sa kasama ko. Nabaling ang atensiyon namin sa lalaking kararating lang at nanggulo. Hawak pa siya ng dalawang guwardiya. Bahagyang lumapit si Eldon. Nagtagis ang mga bagang nito. Lalaki sa lalaki niyang tiningnan si John. What's with him? I sigh. Hindi ito ang inaasahan ko. Akala ko ba may ka-live in na siya. Bakit siya ngayon nanggugulo? "Wala na kayong pag-usapan pa. Dahil no'ng lokohin mo siya ay iyon na ang simula na wala na kayo!" Rinig ko ang pag-igting ng panga ni John dahil sa sinabing iyon ni Eldon. "f**k you! Sa tingin mo ba hindi ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Celine?" Kaagad kong tiningnan si Eldon na hindi nakapagsalita. Tila nag-iisip pa ng sasabihin. Siya ang dahilan? Bakit? "A-anong s-sinabi m-mo?" utal kong tanong. Ngumisi si John nang makitang tila'y naaaptektuhan ako sa sinabi nito. Kasunod niyon ay sinugod siya ng suntok ni Eldon. Pumutok agad ang labi niya dahil sa natamong suntok. Napasinghap ako nang gumanti siya ng suntok. Nagsigawan na rin ang ibang mga guest na nakasaksi sa nangyari. Pinaalis mo na sila ng isang tagapangalaga roon. Gaganti pa sana ng suntok si Eldon nang magsalita ako. "John, umalis ka na. Mula ngayon 'wag na 'wag ka ng magpakita pa sa a 'kin." Tinalikuran ko na sila. Nagmadali akong pumasok sa kuwarto kung saan kami naka-stay in. Doon ko nilabas ang sama ng loob. Napahilamos ako ng mukha. Mayamaya pa ay narinig ko ang paglapat ng pinto. Dahan-dahan kong tiningnan ang taong pumasok. Parang bang nalugi ito sa sugal. Matalim ko siyang tiningnan. Tumayo ako, akmang sasampalin nang yakapin niya ako. Nagpupumiglas ako ngunit wala rin akong laban sa lakas niya. Panay ang paghingi niya ng tawad sa akin. "I'm so sorry, hindi ko intensiyon ang paghiwalayin kayo." Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin at panay ang paghingi niya ng tawad. I feel better, hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko. Balewala sa akin ang ginawa niya, kung siya nga ba talaga ang dahilan? Dahan-dahan siyang kumalas at pinaharap ako sa kanya. Nanubig ang mga mata ko. Hindi pa rin ako nakapagsalita. "Matagal ko ng alam ang tungkol sa inyo at inggit na inggit ako sa kanya. Sinasabi ko sa sarili ko na balang araw mapasa akin ka rin. I'll do my best para mapansin mo ako." Lumunok siya habang nakakuyom ang kamao. "Nang gabing masaksihan mo ang tungkol sa kanya ay may ginawa na ako para kamuhian ka niya. Iyon ay nag-utos ako para sabihin sa kanya kung ano ang trabaho mo. Dahil do'n ay nagalit siya. I'm sorry." Napalunok ako. Hindi ko inaasahan 'to. May gano'n pa lang pangyayari pero wala man lang akong kaalam-alam? "Ang sama-sama mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!" pasigaw kong salita sa kanya. Yumuko siya. Umupo at napahilamos ng mukha. "I'm so sorry. I love you." "Lintek na pagmamahal 'yan! Makasarili ka. Sarili mo lang ang iniisip mo!" Nagtangka siyang lapitan ako ngunit pinigilan ko. Tumayo siya at walang pasabing binalibag ang pinto. Sandali akong napatingin sa nakasaradong pinto. Mayamaya pa ay humiga ako sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising ako ng madaling araw. Binuksan ko ang lampshade. Mula sa sofa ay nakita ko siyang nakahiga ro'n. Bumangon ako at nilapitan siya. Walang kumot at unan. Wala sa sariling kinuha ko ang isang unan. Maingat kong iniangat ang kanyang ulo upang mailagay ng maayos ang unan. Gumalaw siya at idinalat ang mga mata. Nakatunghay lang siya sa akin. Ilang segundo rin bago kami nagkatitigan. Bumangon siya at umupo. "Bakit gising ka na?" Tumikhim ako. Nahihiya akong tingnan siya dahil nahuli niya ako. Nang hindi ako magsalita ay tumayo siya. Hinila niya ako papunta sa kama. Pinahiga niya ako at kinumutan. "Matulog ka ulit. Maaga pa." Napalunok ako. Anong nangyari sa akin? Bakit sa kabila ng lahat ay ramdam ko pa rin ang pag-aalaga niya? Akma siyang humakbang nang hawakan ko ang kamay niya. Napatigil siya sa ginawa ko. Tinitigan ako. Tila ba'y naghihintay ng sasabihin ko. Hinila ko siya pahiga sa tabi ko. Hindi ko makita sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Humiga siya paharap sa akin at ngumiti. "I'm sorry," sensiridad niyang sabi. Ramdam ko iyon. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata. Magalit man ako ay wala na ring silbi. Hindi naman big deal sa akin 'yong nangyari. Iniisip ko na lang na baka hindi talaga kami para sa isa't isa ni John. Kinulong ko ang dalawang palad sa mukha niya. Ngumiti ako tanda na okay lang ang lahat. Lumiwanag ang mukha niya at walang pasabing hinalikan ako sa noo. Niyakap ako. Pakiramdam ko safe na safe ako basta kasama ko siya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang naglapat ang aming mga labi. Mabilis lang iyon pero nag-iwan iyon ng kakaibang sensayon sa akin. Sabay kaming natulog na may ngiti sa labi. *** Mag-a-alas nuebe na ng magising ako. Wala na sa tabi ko si Eldon. Tumayo ako at dumeritso sa banyo. Napapaisip pa rin ako kung bakit nangyari sa akin ang lahat ng ito. Malalim akong bumuntonghininga. Palabas na ako ng banyo ay siyang pagbukas ng pinto. Pawisan ang hubad niyang katawan. Tila galing ito sa ensayo. Nakatitig lang siya sa akin at ngumisi. Pinanlakihan ko siya ng mata. Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Sinundan ko iyon ng tingin. Ngayon ko lang napansin na kita na pala ang dibdib ko. "What a beautiful view," pang-aasar pa niya. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Have you eaten?" "H-hindi pa." "Stay here. Wait a minute." Hindi na niya ako sumagot pa. Nagmadali siyang pumasok sa banyo. Inayos ko ang damit ko at nagsuklay. Mayamaya pa ay lumabas siya. Hinila ako palabas ng kuwarto. Dumiretso kami sa labas. Maaliwalas ang paligid. Binati naman agad siya ng mga staff. Nginitian niya lang ang mga ito. Dumiretso kami sa bakanteng mesa kung saan langhap na langhap ang preskong hangin. Sa 'di kalayuan nahagip ng mata ko ang isang familiar na pigura. Hindi ko lang tanda kung saan at kailan ko ito nakita. "Let's eat. Nagugutom na ako." Binalingan ko ang taong kumausap sa akin. Sinundan niya ng tingin ang pinanggalingan ng mata ko. "Ano'ng mayro'n do'n?" Tumikhim ako at nagsimula nagsandok ng kanin. "Wala. Naengganyo lang ako sa view," pagsisinungaling ko. Tahimik kaming kumain. Tanging kubyertos lang ang maririnig. Hanggang sa may lumapit sa amin at binati siya. Nginitian niya lang ito at nagpatuloy na sa pagkain. Mayamaya lang ay may pamilyar na boses akong narinig. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong kinasusuklaman ko. "What are you doing here? Sino ang nagturo sa 'yo kung nasaan kami?" Umigting ang panga ni Eldon. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Kahapon lang si John. Ngayon naman si Erik. Sino pa ang susunod kinabukasan? Sumakit ang ulo ko kaiisip. Tumayo ako at hinarap si Erik. Kakaibang tensyon ang namamagitan sa magkapatid. "Umalis ka na at huwag na 'wag ka ng magpapakita sa akin," madiin kong sabi. Napalunok pa ako ng nginisihan niya ako. "Leave! Kundi ako ang makakalaban mo!" Umikot si Erik, paharap sa akin. Napapagitnaan namin siya. Nakahalukipkip at matalim akong tiningnan. "Don't worry, may ipapalit na ako sa 'yo. At iyon ay ang kapatid mo." Nanlaki ang mga mata ko. Sino kayang kapatid ang tinutukoy niya? Sana lang hindi iyong dalawa kong kapatid na nag-aaral pa. Napalunok ako. Pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko. Yumuko ako at dinampot ang basong may laman ng tubig. "'wag na wag kang magkakamaling saktan ang kapatid ko!" pagbabanta ko sa kanya. Tumiim lalo ang bagang niya. Hinarap siya ni Eldon at hinila palabas. (ELDON POV) "Erik, please, nakikiusap ako sa 'yo. 'Wag mong galawin ang kapatid niya. Ako na ang nakikiusap." Ngumisi siya at tinalikuran ako. Alam kong matigas pa sa bato ang puso ng kapatid ko. Pero may kahinaan siya at iyon ang gagamitin ko. Sa mga mata niya, alam kong pagnanasa lang ang habol niya sa babaeng mahal ko. Ramdam ko iyon. At kailangan kong baguhin ang pananaw niya. Pumasok ako sa loob. Nagpalinga-linga ako, hindi ko na makita si Celine. Nagtanong ako sa isa kong tauhan. "Nakita mo ba 'yong kasama kong babae kanina?" "Ah, ser, umakyat na po sa room ninyo." Nagmadali akong pumunta sa kuwarto namin. Dahan-dahan kong kinatok ang pinto. Mayamaya lang ay bumukas iyon. Namamaga ang mga mata. f**k! Nilapitan ko siya at pinaupo sa kama. "Its okay, akong bahala." Ngumiti siya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Hilam sa luha na niyakap ako. Feel na feel ko ang lambot ng katawan niya. "Ililibot kita sa beach. May magandang tambayan dito." "Tara," sagot niya. Bago namin nilisan ang kuwantong tinutuluyan ay dinayal ko muna ang numero ng mga tauhan ko sa bahay. (ERIK POV) Fuck! Bakit ba sa tuwing makikita ko ang babaeng 'yon ay mas mangingibabaw ang pagnanasa ko sa kanya? Ang ganda naman kasi ng katawan. At tiyak akong nakuha na iyon ni Eldon. That man. Lahat na lang kinukuha sa akin. Pero hindi bale, mas type ko iyong kapatid niya. At aalamin ko ang bawat detalye ng buhay niya. Marahas akong bumuntonghininga habang mag-isang binabagtas ang daan papuntang QC. Nagtagis ang bagang ko nang pinagtulakan ako ni Celine kanina. Hindi naman sana siya ang sadya ko. Ipapaalam ko lang kung puwede kong ligawan ang kapatid niya. Napangisi ako sa isiping sa kabila ng lahat, may mas hihigit pa pala sa kanya. At iyon ay ang kapatid niya. Napangiti ako nang maalala ang mukha ng kapatid niya. Bumaba ako para bumili ng maiinom. Nang makabili ay nagmadali akong bumalik sa amin. Kailangan kong makausap ang kapatid niya. Pinasubaybayan ko na rin siya sa isa kong tauhan. Nag-aaral pa at kasalukuyan silang pinapaaral ng magaling kong kapatid. (THIRD PERSON POV) Masayang naglalakad ang magkapatid na Kylie at Madel. Galing sila sa eskwela, pauwi na sa bahay. Nasa gate pa lang sila nang salubungin sila ng guwapong lalaki. Nanlaki pa ang mata ni Kylie dahil sa pag-aakalang ang Kuya Eldon niya ang sumundo sa kanila. "Kuya, Eldon, sana hindi ninyo na kami sinundo ni Ate Madel," usal ni Kylie. Nagtaka siya dahil nakatitig lang sa kanya ang lalaki. "Tara na sa sasakyan. Ipapaliwanag ko sa inyo," sagot ni Erik. Tumango ang dalawa at mabilis na sinunod ang utos ng lalaki. May ngiti sa labi bago sinara ni Erik ang pinto. Samantala, kanina pa hinahanap ng isang tauhan ni Eldon ang magkapatid ngunit hindi niya sila makita. Nang mapagod ay tinawagan niya ang kanyang amo para ipaalam na nawawala ang kapatid ng kanyang nobya. "Ano! Pinabayaan mo silang umalis mag-isa?" "E, ser, naiihi na kasi ako kaya iniwan ko sila saglit. Pagbalik ko wala na sila," sagot ni Kerwin, ang tauhan ni Eldon. *** Hon, lets go home now!" Umigting ang panga ni Eldon sa balitang iyon ng kanyang tauhan. Nagtataka namang sinunod ni Celine ang utos sa kanya ng lalaki. Nang matapos ay nagmadali silang umalis. Habang daan ay hindi mapigilan mag-usisa ni Celine sa binata. Pero buntonghininga lang ang laging isasagot nito. Napaisip si Eldon. Kaya sa halip na dumeretso sa bahay niya ay doon siya sa bahay ng papa niya. Alam niyang dalhin ni Erik sa bahay nila ang magkapatid. Hindi nga siya nagkakamali. Nando'n ang sasakyan ni Erik. "Let's go. Nasa bahay sina Kylie at Madel." Sa wakas ay pag-amin niya sa dalaga. Nangunot ang noo ni Celine. Hindi nito agad nakuha ang ibig sabihin ng binata kaya bago pa man siya makapagsalita ay hinila na siya ni Eldon papasok ng bahay. Nadatnan nila sa sala ang magkapatid. Masayang nakipagkuwentuhan sa isang lalaking medyo may kaidaran na. Nagulat pa ito nang makita ang anak. "O, I'm glad your here, son." Saktong palabas din ng kusina si Erik. Sinalubong siya ni Eldon at walang pasabing sinuntok sa mukha. "What the f**k!" bulalas ni Erik habang hawak ang nasaktang mukha. Tumayo naman ang kanilang ama para umawat. Si Celine naman ay nilapitan ang dalawang kapatid. "Alam mo ba ang ginagawa mo? Ni hindi ka nga tumawag sa akin para ipaalam na kidnapin mo ang magkapatid na 'yan!" nagpupuyos sa galit na turan ni Eldon. Nang makabawi sa sakit ay itinaas ni Erik ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Relax ka lang. Alam naman nila na magkapatid tayo. Wala rin naman akong gagawing masama sa kanila," kaswal nitong sagot. Hindi pa rin mawala-wala ang kakaibang titig niya sa dalagang si Kylie. "Please, Erik. Huwag ang kapatid ko. Bata pa mga 'yan. At kung sila ang paraan mo para gantihan ako. Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa 'yo," naiiyak na turan ni Celine. Lumambot ang mukha ng binata. Bumuntonghininga at umupo sa tabi ng kanyang ama na ngayo'y nakaupo na. "Mag-usap kayo ng mahinahon. Huwag idaan sa init nang ulo," payo ng matanda. Magkatabing naupo sa isang sofa sina Madel at Kylie. Nakayuko ang dalawa. Alam nilang pagagalitan na naman sila ng kanilang Ate Celine. "Ano bang plano mo? Kanina lang halos makipagpatayan ka dahil hindi ka kausapin ni Celine. At ngayon naman mga kapatid niya pa." "No. Its not just. Let me explain." Tinapunan mo na nito ng tingin si Celine bago magsalita ulit. "Kaya ako pumunta sa resort kasi gusto kong ipaalam sa kanya na gusto ko si Kylie." nahihiya niyang amin. Nanlaki ang mga mata ni Celine. Maging si Kylie ay natulala habang nakatingin sa maamong mukha ni Erik. Disi-sais pa lang si Kylie. "No! Hindi ako papayag. Napakabata pa nitong kapatid ko para sa ganiyan. Disi-sais pa lang siya kumpara sa edad mo." Hindi na nakapagsalita pa si Erik. Maging ang matanda ay hindi na umimik pa. Naramdaman na lang ni Celine na niyakap siya ng dalawa niyang kapatid. Nasa gano'n silang posisyon nang may kumatok sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD