CHAPTER 9

1035 Words
CELINE Malalim akong bumuntonghininga nang makarating kami sa bahay ni Eldon. Malaki at halatang ginastusan nang mahal mapaayos lang ang design. Kaunti pa lang ang gamit. Katatapos pa lang kasi kaya hindi pa masyadong nabigyan ng time itong bahay niya, lalo pa't lagi lang siya nakabuntot sa akin. Isa pang dumagdag sa isipin ko ngayon ay kung paano ko babantayan ang kapatid ko. Mukhang desidedo si Erik na pangatawanan ang binitawan niyang salita kanina. Galit na galit siyang sinugod nang suntok ni papa kanina. Mabuti na lang naagapan agad ni Eldon. Napakabata pa ni Kylie para sa bagay na 'yon. Marahas akong bumuntonghininga. Nag-iisip kung ano ang gagawin. Kinuha ko ang sling bag at nagmadaling umalis. Walang nakakakita sa akin kaya malaya kong nilisan ang bahay. Abala siguro si Eldon sa kusina. Pumara ako ng taxi at sinabi sa drayber ang destinasyon ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay narating ko ang lugar kung saan ako nag-i-extra, ang bar. Bumaba ako at naghintay sa loob. Maraming customer pero hindi na gaya ng dati. Mukhang matamlay ang bar ngayon. Nakita ako ni Mader Tiray. Nilapitan ako at kinamusta. "I'm glad you're here." Napalingon ako sa pinanggalingan nang boses. Mabuti at dumating na nang makauwi na ako. Tumikhim ako. "Please, huwag ang kapatid ko. Makapaghintay ka naman siguro. Alam mo naman na bata pa siya." Nakita kong gumalaw ang panga niya. Alam kong labag sa loob niya ang hiningi ko pero alang-alang sa kapatid ko lahat gagawin ko. "Lets see." Napahilot ako ng sentido. Umalis siya at bago tuluyang umalis ay kinindatan pa ako. "Humanda ka sa akin kapag gagalawin mo ang kapatid ko!" Pagbabanta ko sa kanya. Nginisihan lang ako at tuluyang umalis. ** "Kylie, umuwi ng maaga ha. Huwag kang sumama sa lalaking iyon." Yumuko siya at bahagyang tumango. Pagkabigay ko ng baon ay umalis na sila ni Madel. Hindi talaga ako mapapanatag hanggat umaaligid si Erik sa kapatid ko. Umakyat ako sa kuwarto ko. Hindi ko na ni-lock ang pinto. Wala rin naman sigurong maninilip sa akin. Hinubad ko ang pantalon. Kasunod niyon ay ang t-shirt ko. Tanging bra at panty na lang ang naiwang saplot sa katawan ko. "Are you okay?" Nagulat pa ako nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Eldon. Matalim niya akong tinitigan. Masama ang tingin sa 'kin. "Where have you been? Bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam?" himagsik niya. Napatuwid ako ng tayo. Hindi ko alam pero hindi ako nakaimik. Ni hindi ko magawang takpan ang hubad kong katawan. Kakaiba ang tuno ng boses niya, na para bang malaking kasalanan ang pag-alis ko nang hindi nagpaalam sa kanya. An'yari? Kanina lang ang sweet niya tapos ngayon biglang nagagalit. Tumikhim ako. "Nakipagkita kay Erik," maikli kong sagot. Tiim bagang niyang akong tiningnan. Nakahalukipkip. Nagtangka siyang lapitan ako at walang pasabing hinalikan ako sa labi. Hindi ako nakagalaw. Mapusok ang halik na 'yon. Nagsimula na rin akong makiliti nang haplusin niya ang dibdib ko pababa sa puwetan ko. Hindi ko siya mapigilan. Marupok lang talaga ako pagdating sa kanya. Dahil hindi ko namalayan ay unti-unti akong gumanti sa bawat hagod ng malambot niyang labi sa labi ko. Feels good! Mabilis ang bawat galaw niya. Hanggang sa natagpuan ko na lang na parehas na kaming hubo't hubad. Then he start kissing my n*****s. Palipat-lipat iyon. Hanggang sa dahan-dahan niya ipinasok ang kanya sa akin. Mahapdi at masakit pa rin. Mahigpit ko siyang niyakap. Nakatitig lang siya sa akin. Walang gustong magsalita sa amin. Ilang sandali lang ay parehas kaming hingal at hinahabol ang hininga. Saktong pahiga siya sa tabi ko nang biglang pumasok si papa. Nanlaki ang mga matang nakatingin sa amin. Biglang uminit ang mukha ko. Hiyang-hiya ako. Nilingon ko si Eldon na hanggang baywang lang ang natatakpan sa hubo't hubad niyang katawan. Walang reaksiyon ang mukha. "Bumaba kayong dalawa!" Bago sinara ang pinto ay matalim akong tinapunan ng tingin ni papa. Pakiramdam ko biglang lumaki ang ulo ko. Nakakahiya! Matalim kong tinitigan si Eldon na ngayon ay nakatitig lang sa akin. "What?" "Sinadya mong hindi i-lock 'yong pinto, noh?" Ngumiti siya at hinila ako. Nagbihis siya. Kinuha niya ang mga damit na nagkalat sa sahig. Binihisan niya ako ng walang nagsasalita sa amin. Nang matapos ay inayos niya ng bahagya ang buhok ko. "Tara na sa baba. Kakain pa tayo," aya niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Sumunod na lang ako para matapos na ang gulong pinasukan ko. Pagdating sa baba ay mag-isang nakaupo sa malaking sofa si papa. Tila kanina pa naghihintay. Nag-angat siya ng tingin sa amin. Napalunok ako. Tumikhim si Eldon at umupo sa tabi ni papa. Akala mo ba'y wala lang sa kanya ang nangyari kani-kanina lang. Mabigat kong inihakbang ang dalawang paa. Umupo ako sa tabi ni Eldon. Tumikhim si papa at nagsimulang magsalta. Nagulat ako nang banggitin niya ang salitang 'kasal'. "Mauna ka rin pa lang lumandi." Sabay kaming napatingin sa b****a ng pinto. Nakatayo mula roon si Ate Laila. Nakangisi habang pinagmasdan si Eldon. May kakaibang ngiti habang nakatitig sa lalaking katabi ko. Matalim na tingin ang ipinukol ni papa kay ate. Kapagkuwa'y ibinalik sa amin ang atensyon. "Ikakasal kayo sa ayaw at gusto mo, Celine," maawtoridad na sabi ni papa. Napahilot ako ng sentido. Pinasok ko ito kaya wala na akong pagpipilian lalo pa't nahuli na kami ni papa. Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Dahan-dahan akong tumango. Kinuha ni Eldon ang kamay ko. "Relax ka lang, everything will be alright." Ngumiti ako. "Papa, sorry po." Hindi umimik si papa. Tiningnan lang si Eldon at tumango. Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. Sumunod kami ni Eldon dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako. Iyon ang hindi mawala sa isip ko. Sa bagay, matagal na akong gustong ipakasal ni papa sa lalaking 'to. Ngayon, wala na akong kawala. Hindi pa man uminit ang puwet namin sa upuan nang bigla na lang may sumulpot sa pintuan. Si. . . Lumapit ang babae at walang pasabing sinampal ako. Napanganga ako at natabingi ang mukha. Malakas ang pagkakasampal sa akin ni Sofia. Tumayo ako at sinabunutan siya. Ang inis ko ay napalitan ng galit. "Ang landi-landi mo! Mang-aagaw ka!" sigaw nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD