CHAPTER 10

1569 Words
CELINE "What the hell are you doing here?" Halos ikatumba ng mesa ang pagtayo ni Eldon para lang daluhan ako. Madilim ang mukha at nagtatagis ang bagang na hinarap si Sofia. "Don't you dare to touch my girl again! Or else. . ." "Or else what?" putol nimg babae sa sasabihin sana ni Eldon. Ngumisi at hinarap ako. "I will destroy you!" turo niya sa akin. "And you Eldon. . . pagsisihan mong pinili mo siya over me!" Pabalang itong umalis. Hindi nakapagsalita si papa. Bumuntonghininga ako. Hindi na bago sa akin ang nangyari. Pero ramdam kong mahapdi ang pisngi ko. "I'm sorry, pero hindi siya ang puwedeng sumira sa napag-usapan nating kasal," maawtoridad niyang sabi. Tumikhim si Papa Ramon at walang salitang iniwan kami sa hapag. Agad namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang gustong magsalita. Ngunit agad din iyon nabasag nang dumating si Erik na kasama sina Madel at Kylie. May dalang Dunkin Donut si Erik at inilapag niya iyon sa mesa. "Relax lang kayo, wala akong ginagawa. Sinundo ko lang silang dalawa. Magmula ngayon ako na ang magsusundo sa kanila." Awtomatik akong napatingin sa kanya. Sumilay ang ngiti sa labi ni Erik at unti-unti din iyon nawala nang magsalita si Eldon. "Magpakatino ka na, Erik. Kung talagang mahalaga sa 'yo si Kylie gagawin mo ang tama." Yumuko si Kylie habang si Madel naman ay kumuha ng Dunkin at kaagad na kinagatan. Tila may sariling mundo. Napangiti ako nang makitang lumambot ang mukha ni Erik habang titig na titig sa kapatid ko. Tahimik at tila nakikiramdam si Kylie sa usapan nang magkapatid. "No worries, I'll do it," aniya sabay hila sa upuan. Tumabi siya kay Eldon at pinaghila naman niya si Kylie sa tabi niya. "Ate, magpalit lang po ako ng damit," untag sa akin ni Madel. Tumango lang ako at ibinalik ang atensiyon sa pagkain. *** Maraming naglalaro sa isipan ko habang hawak ko ang aking cellphone. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Erik. Kung mahal ba talaga niya ang kapatid ko o gumaganti lang siya sa akin? Napaigtad pa ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko iyon. Si Kate. "Hello, kumusta r'yan. Pasensiya na at hindi ako nakadalaw. May kailangan daw ipaayos si papa sa akin," bungad niya sa akin. Kumibot ang labi ko nang sinundan niya iyon ng mapagak na tawa. "Pinagkasundo kasi ako ni papa sa mayaman niyang kumpare. Ang tanda-tanda na kaya no'n." Bigla akong naawa sa kaibigan ko lalo pa ng marinig ko ang hikbi niya sa kabilang linya. Masyado akong abala nitong nakaraan kaya nakalimutan ko ng bisitahin ang kaibigan ko. "Friend, sorry ha. Hindi man lang kita nadalaw sa inyo. Abala rin kasi ako nitong mga nakaraan eh," hinging paumanhin ko. Mabilis akong bumaba sa hagdan. Kailangan ko rin dalawin si Kate. Kailangan niya ng karamay ngayon. Nakita kong nag-uusap sina Eldon at papa sa sala. Mukhang seryoso ang kanilang usapan base sa mga itsura nila. Nang makita ako ni Eldon ay nagmadali itong tumayo. "Where are you going?" aniya sabay lapit sa akin. "Kina Kate lang. Dalawin ko lang siya." "I'll go with you," presinta niya. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong wala rin naman akong magagawa. Umalis kami ni Eldon nang wala masyadong imik. Dumoble yata ang nararamdaman kong pag-alala ngayon. Dumagdag pa isipin ko ang nanggugulo niyang Ex Girlfriend. Bumuntonghininga ako kapagkuwan. Naiinis ako kapag naiisip ko kung bakit habol pa siya nang habol sa taong hindi na siya mahal. "Something wrong?" Nilingon ko siya. Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa labas. Hanggang makarating kami sa bahay ng kaibigan ko ay hindi ko na nasagot pa ang tanong niya. THIRD PERSON POV Nagulantang si Eldon nang makitang kalaban niya sa kanilang negosyo ang mapapangasawa ni Kate. Dumilim bigla ang mukha niya, hindi niya akalain na fiancee ito ng kaibigan ni Celine. Matinik na kalaban si Don Lorenzo. Madaya at ayaw ito magpalamang! "I'm glad you're here." Nagtagis ang bagang ni Eldon. Kabisado niya na ang bawat galaw ni Don Lorenzo. Masyadong mayabang at ayaw magpatalo. "Nandito ako para samahan ang fiancee ko." Ngumisi ang matanda kapagkuway umalis na ito. Kumuyom ang kamao ni Eldon. Nakita iyon ni Celine kaya nilapitan niya ang lalaki. "What's wrong?" Hindi sumagot si Eldon bagkus hinila niya ang dalaga papuntang sasakyan. Nagtaka man ay pinagkibit balikat na lamang iyon ni Celine. "Friend, hindi ba kayo papasok sa loob?" Napalingon ang dalawa, malungkot na nakatingin sa kanila si Kate, nasa likuran nito ang matandang ipapakasal sa kanya. Umiling siya at naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Lumapit si Celine at niyakap ang kaibigan. (CELINE POV) Malungkot kong pinagmasdan ang puting kahon. Bukas na pala ang kasal namin ni Eldon. Siya lahat nag-asikaso habang ako ay nandito sa kuwarto na nakamukmok lang. Wala akong ganang kumilos. Para akong lantang gulay. Hindi ko maintindihan pero para akong nahihilo. Humiga ako at dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Mayamaya lang ay dinadalaw na ako ng antok. Naalimpungatan ako dahil sa lamig na nanggagaling sa aircon. Bumangon ako at dumeretso sa banyo. Nang matapos ay paika-ika akong lumabas. Hindi ko alam pero nitong nakaraan ay nakaramdam ako ng kakaiba. Maselan rin sa ginisa ang sikmura ko. Saktong nasa b****a na ako ng banyo nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Si Eldon. Nakatunghay lang sa akin. Ano kaya ang iniisip nito? Tumikhim ako. "Anong oras na ba?" tanong ko. Lumapit siya at pagod na inihiga ang katawan sa kama. "Kumain ka na ba ng dinner?" sa halip na sagot niya. I sigh. "Nakatulog ako. Kagigising ko nga lang." Dali-dali siyang bumangon at walang pasabing hinila ako palabas ng kuwarto. Napangiti ako sa isiping sweet rin pala ang lalaking mapapangasawa ko. Mapapangasawa? Bigla akong kinilig sa binitawan kong salita. Nagtataka niya akong tiningnan. "Kung hindi pa ako dumating, hindi ka pa kumain." Nakabusangot ang mukha habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Pagdating sa kusina ay siya ring labas ni Manang Milda. Ang kinuha niyang katiwala. Nakangiti itong nakatingin sa magkahugpong naming kamay. "Manang, pakihanda po ng pagkain para sa amin." Mabilis namang kumilos ang ginang. Habang kumakain ay palihim ko siyang tinapunan ng tingin. Mukhang pagod at pinaghalong stressed ang nakikita ko sa kanya ngayon. May kaunting kirot ang sumiklab sa puso ko. Napabayaan ko siya mag-isa. Ni hindi ko man lang siya nagawang tulungan sa pag-asikaso ng kasal namin. Pagkatapos kumain ay hinatid lang niya ako sa kuwarto. "Aalis ako ulit, sa simbahan na tayo magkikita bukas. .ñ Magpahinga ka ng maaga." Hinintay niyang humiga ako bago siya umalis. Sinunod ko ang bilin niya. KINABUKASAN, pasikat na ang araw nang magising ako. Maganda at maaliwalas ang panahon. Tila sumabay ang magandang huni ng mga ibon. May ngiti sa labi nang bumangon at bumaba sa sala. Bago tuluyang bumaba, sinilip ko muna ang kuwarto na katabi lang ng kuwarto ko. Tahimik at tila walang tao. Kaya nagpasya na akong tumuloy sa baba. Mamayang hapon pa naman magsimula ang kasal kaya may oras pa ako. "Good morning po, maam. Tamang-tama nakahain na ako." Tumango ako. "Good morning din po Manang Milda." sagot ko. Umupo ako sa hapag at nagsimula ng magsandok ng kanin. Pero nakailang subo pa lang ako nang bigla akong naduwal. Naalarma si Manang Milda kaya inalalayan niya ako papuntang lababo. "Ma'am, namumutla po kayo. Buntis ka ba?" Napaurong ang dila ko sa sinabing iyon ni Manang Milda. Tila mas lalo akong nawalan nang boses. Buntis? Mas lalo akong nanghina nang maalalang delay pala ako. Hindi ako dinatnan. Ngunit sa kabila ng kabang nararamdaman ay sumilay sa labi ko ang kakaibang saya. Magkakaanak na ako! Pero may isang parte rin ng isip ko ang tumutol. Pinihig ko ang ulo at nagpaalam kay manang na sa kuwarto na lang muna. Nahihilo pa rin ako. Humiga ako at umidlip. Naggising ako dahil sa ingay. Nahihilo pa rin ako. Iminulat ko ang mga mata. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong hapon na. Tiyak male-late na ako. "May oras pa. No worries," biglang salita ng bading na mag-me-make up sa akin. Mabilis akong naligo kahit ramdam ko pa rin ang pagkahilo. Nang matapos ay dali-dali nila akong inayusan. Mayamaya pa ay dumating sina Kylie at Kate. Nakabihis na sila. Tahimik si Kylie ngayon. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba. Habang malungkot naman si Kate kahit panay ang ngiti. Bumuntonghininga ako. **** "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag o text ko? Nag-alala ako sa 'yo." Iyon agad ang natanggap ko sa lalaking ilang oras na lang ay asawa ko na. Hindi ko siya sinagot. Paminsan-minsan masama pa rin ang sikmura ko. Nag-alala niya akong tiningnan. "Are you okay? Namumutla ka. May nangyari ba ng wala akong alam?" Umiling ako. Dalangin ko'y sana matapos na ang kasal para makapagpahinga na ako. Masama pa rin ang pakiramdam ko. Isang oras din ang itinagal namin sa loob ng simbahan bago makauwi. Sa bahay na rin siya nagpahanda para sa receiption. Ayaw kong magtagal sa mataong lugar, mas lalo akong nahihilo. Saktong paakyat kami sa kuwarto nang bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Ang sumunod na nangyari ay wala na akong kaalam-alam. Gabi na nang magising ako. Nahihiya akong naupo sa kama. May doktor din at. . . "Bakit nandito kayong lahat?" Tumikhim si Eldon at ipinaliwanag ang nangyari. Ngumiti si papa ng malawak. Masaya sila habang pinagmasdan ako. Natigil lang iyon nang nagkagulo sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD