CHAPTER 11

1799 Words
CELINE Natuloy ang kasal namin sa awa ng Dios. Nagpapasalamat kami dahil walang nagtangkang manggulo. Pero iniisip ko pa rin ang banta ni Sofia kanina. Gagawin umano niya ang lahat para maghiwalay kami ni Eldon. Huwag naman sana mangyari 'yon. Magkakaanak na kami. Kaya hindi ko hahayaang masira ang pamilya ko dahil lang sa babaeng disperada na 'yon. Kumalam na naman ang sikmura ko kaya mabilis akong tumakbo papuntang banyo. Ngunit laking gulat ko nang makitang nakahubo't hubad si Eldon sa ilalim ng shower. Napalunok ako bigla. Hindi ko matanggal-tanggal ang mga mata sa tanawin na malaya kong nakikita. Ngumisi si Eldon at walang pasabing hinila ako palapit sa kanya. Direkta akong napasubsob sa dibdib niya. Akma niya akong hahalikan nang biglang nag-init ang sikmura ko. Mabuti na lang at mabilis niya akong nahila papunta sa inidoro. Inaalalayan niya ako kahit hubot hubad siya ay wala siyang pakialam. Ilang sandali lang ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Saktong pag-angat ko ng tingin ay naglapat ang aming mga labi. Ngumisi siya at binuhat niya ako palabas ng banyo. "Ang ganda talaga ng asawa ko," aniya sabay hawak sa tiyan ko. "I can't wait to see you baby." Napangiti ako at napahawak sa buhok niya. Hiniga niya ako sa kama at kinumutan. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang inisa-isa niyang binuksan ang drawer. Nang matapos magbihis ay nilapitan niya ako. "Dalhan kita ng breakfast. Just stay here." Tumango ako. Paglabas niya ay saktong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tininingnan kung sino ang tumawag. Napakunot ako ng noo nang hindi naka-register ang numero sa cellphone ko. "Hello, sino 'to?" Nakiramdam ako pero walang sumasagot. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng sigaw. Nagmula iyon sa kabilang linya. Kinabahan ako bigla. Para kasing pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Nakiramdam ako ulit, natahimik na at pinatay ang tawag. Nagmadali akong tumayo. Kumalabog ang dibdib ko. Kung hindi ako nagkakamali. . .si Kylie iyong narinig ko. Kanino naman kayang numero 'yon at saan ang kapatid ko? Bumaba ako sa hagdan, nakita ko si papa na hawak ang kanyang cellphone. Saktong palabas din ng kusina si Eldon at may bitbit na pagkain. Nangunot ang kilay niya nang makita akong hindi mapalagay. "What's going on?" Nilapag niya ang dalang pagkain at nilapitan ako nang may pag-alala. "Tawagan mo si Erik ngayon din, baka napaano na si Kylie," utos ko sa asawa ko. Kinuha naman niya agad ang cellphone sa kanyang bulsa. Nakailang ring pa bago sumagot ang kabilang linya. "Erik, where's Kylie?" Nasa tono ng boses niya ang pag-aalala. Nakiramdam lang ako. Nagkatinginan kami ni papa nang magmura siya. "What the f**k! Bakit mo hinayaang mahiwalay sa 'yo? Alam mo bang—" hindi na nadugtungan pa ang sasabhin niya. Pinatay na sa kabilang linya. "Stay here. Puntahan ko si Erik. Kumain ka na," aniya sabay halik sa pisngi ko. Napahilot ako sa sentido. *** Ilang oras na akong naghihintay pero wala pa rin sila. Hindi pa rin nakauwi. Nakailang text o tawag na ako pero wala pa rin. Walang ni isang sagot man lang dumating sa cellphone ko. Palakad-lakad ako, hindi mapakali. Paano na lang kung may nangyaring masama sa kapatid ko? "Dito ka lang anak, hahanapin ko ang kapatid mo. Hindi ako mapakali rito." Tumalikod si papa nang hindi na hinintay pang makasagot ako. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto. Dumating na sila. Madilim ang mukha ni Erik. Halatang napapagod base sa itsura nito. "Kylie, ano'ng nangyari?" tanong ko. Hindi sumagot si Kylie bagkus lumapit ito sa akin at niyakap ako. Nagtataka akong napatingin sa dalawang magkapatid. "Next time, magsabi ka kung umalis ka. Tingnan mo, kong hindi ako dumating kanina, baka napaano ka na." Mababa ang tono pero nando'n pa rin iyong galit. Dumiretso sa kusina. Pabalang na binuksan ang ref. "Saan ka ba kasi nagpunta? Alam mong dilikado." Yumuko siya, tumulo ang mga luha. Lumapit si Eldon sa akin at tinabihan kami sa pag-upo. "She's fine. She needs some rest." Tumayo ako at pinatayo ang kapatid ko. "Pahinga ka mo na, mamaya na tayo mag-usap." Sinamahan siya ni Erik sa kuwarto niya. Nakatikim pa ng babala bago nakapasok sa kuwarto ng kapatid ko. Mahirap na. Mahirap na magtiwala sa ngayon, hindi natin alam kung ano'ng puwedeng mangyari. Pumasok kami sa kusina para mag-meryenda. Pinaupo ako ni Eldon at ipinagtimpla ng juice. Ngayon ko natitigan ang kanyang mukha. Pumayat siya at maitim ang gilid ng mata. Ilang araw din siyang subsob sa opisina. Wala rin naman ibang ginawa si Erik kung 'di bantayan ang kapatid ko. "Okay ka lang ba talaga? Mukhang pumayat ka." Lumapit siya sa akin at ibinigay ang hawak na slice bread. Umupo sa katabing upuan. Pinatong ang kamay sa mesa. "Ayos lang ako. May kaunting problema lang sa opisina." Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Marami siyang iniisip, at isa na ro'n ang kompanya nila. Sana lang maayos ang lahat. (THIRD PERSON POV) Kanina pa inom nang inom si Sofia. Halos maubos na niya ang laman ng ref nila pero tila yata'y hindi siya nalalasing. Ngumisi siya nang maalala ang lalaking kinababaliwan niya. "That f**k! Hindi maaring sa 'yo mapupunta si Eldon. Gagawa ako ng paraan upang paghiwalayin kayo! Hindi ang isang katulad mo ang makakaagaw sa Eldon ko!" Hinagis nito ang hawak na baso dahilan upang lumabas ng kuwarto ang kanyang ina. "What are you doing? Kanina ka pa naglalasing!" bulyaw sa kanya ng ina. Tumawa lang siya at kumuha ulit ng baso. Nagsalin ng alak at nilagok niya iyon ng diretso. Nagmukha na siyang despirada sa mga pinaggagawa niya. "I love him so much, ma." Nilapitan siya ng ina at pinatahan. Naghahalong galit at awa ang nararamdaman ng kanyang ina para sa kanya. Masyado siyang spoiled brat. Lahat ng gusto niya binigay na sa kanya pero kahit kailan hindi pa rin siya nagpakatino. "Stop this nonsense, sofia. Panahon na para baguhin mo na 'yang sarili mo. Tumatanda na kami ng papa mo." Sa halip na pakinggan ang sinasabi ng kanyang ina ay padabog siyang umalis. (CELINE POV) NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ng kaluskos sa labas. Nakapikit ako ng mariin, siguro dahil sa biglaan kong paggising. Dahan-dahan akong bumangon. Nakabukas ang bintana. Siya kaya ang nagbukas ng bintana? Pinasadahan ng tingin ang buong kuwarto namin. Wala na si Eldon sa tabi ko. Tiningnan ko ang relong pambisig. Alas kuwatro ng madaling araw. Lumapit ako sa nakabukas na bintana. Nakakita ako ng isang anino ng tao. Bigla akong kinabahan. Sino naman kaya ang taong 'yon? Dumungaw pa ako para makita ang labas. Ngunit gano'n na lang gulat ko nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa mismong tapat ng bintana. Kitang-kita ang mukha nito. Nakangisi habang nakatingala sa akin. Sisigaw na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa doon si Eldon. May dalang tasa na umuusok pa. Kumunot ang isang kilay niya. "What are you doing? Bakit gising ka?" Hindi ko siya sinagot bagkus ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana ngunit wala roon ang tao. Kinilabutan ako kaya mabilis kong sinara ang bintana. Lumapit ako sa kama at naupo. "Ikaw bakit ang aga mong nagising?" balik tanong ko sa kanya. Nilapag niya ang hawak na tasa at tinabihan ako sa pag-upo. "Maaga akong pupunta ng opisina. Kaya matulog ka na ulit," sabay halik sa noo ko. Pinahiga niya ako at kinumutan. Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Ilang sandali pa ay nakaidlip na ako. *** Naggising ako dahil sa sinag ng araw na nagmula sa bintana. Nakabukas na iyon at kitang-kita ang langit. Pagtingin ko sa mesa ay may pagkain ng nakahain. Bumangon ako. Alas onse na pala. Napasarap yata ang tulog ko. Kaya mabilis akong nagtungo sa banyo. Kumalam na rin ang sikmura ko. Paglabas ko ng banyo ay saktong may kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay nakita kong nakatayo do'n si Erik. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kaya nakaramdam ako ng kaba. "Bakit?" Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Si Eldon na ospital." Napaatras ako sa narinig. Lumabas ako ng pantulog lang ang suot. Pero pinigilan ako ni Erik. "Magbihis ka muna para sabay tayong pupunta sa ospital." Bumagsak ang luha ko. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa asawa ko. Kaninang madaling araw lang pinapatulog pa niya ako. At sa isang iglap lang nandoon na siya sa ospital. Pagkatapos magbihis halos takbuhin ko na ang hagdan para lang makarating agad sa ospital, pero laking gulat ko nang magsigawan sila lahat sa sala. Napahawak ako sa aking dibdib. Para akong hinahabol ng aso dahil sa kabang nararamdaman! "Happy birthday!" bati nilang lahat. Halos mapaiyak ako sa ginawa nila. "Pinagloloko ninyo ako. Alam niyo bang kinabahan ako kanina nang sabihin ni Erik. . ." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang halikan ako ng asawa ko. "Sorry naman," aniya sabay hila sa akin. Napaiyak na lang ako dahil sa ginawa nilang pag-surprisa sa akin. Marami silang hinanda. May dalawang cake at may lechon baboy. Nag-effort sila ng wala akong kamalay-malay. Nakakimutan kong birthday ko pala. "Happy birthday!" Napalingon ako sa b****a ng pinto. Nakatayo doon si Kate. May dala ring cake. Lumapit siya at inilapag sa mesa ang kanyang dala. Kasunod niya ang lalaking mapapangasawa niya. Magalang silang binati ng mga kapatid ko. Napatingin ako sa asawa ko, hindi man lang tinapunan ng tingin ang bagong bisita. Kaya naman lihim ko siyang pinanliitan ng mata nang sa gano'n ay mapansin niyang may ibang tao. Parang may naamoy ako sa dalawang 'to. "Mr. Romero, nice to see you again," anang matanda. Napangiwi si Kate nang tingnan ko ito. Halatang hindi niya gusto ang matanda. Kung tutuosin nga para na niyang tatay ang matanda. Ano ba kasing nakain ng kanyang ama at ipinagkasundo siya sa lalaking may edad na. Tinapunan ko ng tingin ang matanda. Kanina pa nakatingin sa akin. Malagkit at tila ba'y may nagawa akong kasalanan. Titig na titig sa akin. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Umiwas na lamang ako para hindi mapansin ni Eldon. "Welcome home," dinig kong sagot ni Eldon. Ilang minutong pag-uusap ay nagsimula na kaming kumain. Masaya kapag maraming kasalo, pero napansin kong wala si Ate Laila at Ate Mayet. Napatingin ako kay papa na sa huli ay tanging iling lang ang isinagot sa akin. Kumain na lang ako. Hindi naman mawala-wala sa tabi ni Kylie si Erik. Akala mo ba'y mawawala ito kapag malingat lang ito saglit. Napailing na lang ako. Noon sa akin nababaliw, ngayon sa kapatid ko. "Why are you smiling?" kunot noong tanong sa akin ng katabi ko. Pinanliitan ko siya ng mata. Ngumuso ako na agad naman niyang naintindihan. "In love siya, kaya hayaan mo na." Kinurot ko siya sa tagiliran. Napatingin sa amin si Kate na may ngiti sa labi. "Sana all," salita niya habang ang mga mata ay pinaikot. "Happy birthday. . ." Sabay kaming napalingon sa b****a ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD