CHAPTER 12

1182 Words
??????? 12 Celine "Akala mo ba nakalimutan namin na kaarawan mo ngayon? Hindi kaya. Matagal kasi kami bago payagan ng manager namin," sabi ni Ate Laila. Napangiti ako at niyakap sila ng mahigpit. Kung gano'n may trabaho na sila? "Akala ko nga rin," maikli kong sagot. Nagtawanan na lamang kami sa huli. Masaya ako dahil tuluyan nang nagbago ang dalawa kong kapatid. Marami pang bisita ang dumating. Kabilang na ro'n ang Papa ni Eldon. Hindi naman nakaligtas sa akin ang laging pasulyap-sulyap ni Cloud kay Ate Mayet. Kakaibang tingin ang ipinukol niya sa kapatid ko. "Ate, isasama raw po ako ni Erik." "Sige, mag-ingat kayo. Pagkaalis ng dalawa ay hinila ako ni Eldon. Bakas sa mukha niya ang kakaibang tensiyon na nagpakaba sa akin. "Hon, we need to talk." Nagpaalam ako saglit sa mga bisita kapagkuway pumasok kami sa kusina. Hindi nakatakas sa akin ang kakaibang tingin ni Eldon--para bang may nagawa akong malaking kasalanan. "May problema ba?" Ngumisi siya at lumapit sa akin. "May gusto yata sa 'yo 'yong matanda na 'yon. Iba kung makatingin." Nagtagis ang bagang niya. Tama ba 'tong narinig ko? Nagseselos siya sa fiancee ng kaibigan ko? "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nilalagnat?" tanong ko. Pero pinipigilan kong mapabunghalit ng tawa. Nang mapansin niya iyon lumapit pa siya sa akin at walang pasabing hinalikan ako sa labi. Ilang sandaling naglapat ang aming mga labi bago niya pinakawalan. "Mapapatay ko ang sino mang lalapit sa 'yo." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Nagbabanta ba siya O nananakot? Ngumiti ako tumingkayad. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ko siya iniwan sa kusina. Nagmadali akong lumabas, sakto namang may tumawag sa akin. Hindi ko makita ang taong tumawag sa pangalan ko. Nagpalinga-linga ako ngunit ni anino ng taong iyon ay hindi ko makita. Hanggang sa mapako ang mata ko sa isang sulok. Nakangiting nilapitan ako ni Rachel, ang classmate ko noong High School. Gumanda at pumuti. Nilapitan ko siya at niyakap. "Kumusta ka na. Balita ko nag-asawa ka na raw," aniya sabay hila sa akin. Dinala niya ako sa labas kung saan wala na masyadong tao. Ang mga bisita namin ay nagkasiyahan lang sa loob. Umupo kami sa bakanteng upuan kung saan tanaw mo ang harden at swimming pool. Naghahalong saya at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko. Pinisil niya ang kamay ko. "Celine, pasyal naman tayo bukas," aniya habang tinititigan ako sa aking mga mata. Nag-iba na siya. Tila hindi na siya iyong Rachel na kakilala ko noon. Sa bagay, hindi naman kami gaanong ka-close noon kumpara kay Kate. Ramdam ko iyon base sa mga kilos niya. Pinilit kong huwag isaisip ang nakikita ko sa kanya ngunit kusa itong umeksina. May kaba akong nararamdaman. "Namumutla ka," untag niya sa akin nang hindi ako umimik. Hilaw ko siyang nginitian. Ilang sandali pa ay dumating si Kate. Nakita niya kung paano lumingkis sa akin si Rachel. Napangiwi siya nang tingnan ako. Pinanliitan ko siya ng mata na kaagad din naman niya iyon nakuha. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap niya sa katabi ko. Makalipas ang isang oras, nagpaalam na si Rachel. Hinatid pa namin siya sa labas ng gate kung saan nakaparada ang sasakyang dala niya. Pagkapasok sa loob ay sinalubong kami ni Eldon na kunot ang noo. "Kanina pa kita hinahanap." Kumunot ang kilay ko at nilampasan siya. May lumapit sa akin para magpaalam ng umuwi. Nakasunod pa rin sa akin si Eldon. Si Kate naman ay umupo sa tabi ni Don Lorenzo. Nakatingin pa rin sa akin ang matanda. Ano kaya ang naglalaro sa isip niya kapag nakatingin sa akin? Parang may mali sa matandang ito. Nakaramdam ako ng panunubig kaya nagpaalam akong magbanyo muna. Umakyat ako sa kuwarto namin. Hindi ko na ni-lock iyon, baka sakaling pumasok si Eldon. Nilapag ko ang selpon sa mesa at nagmadaling pumasok sa banyo. Naghilamos na rin ako pagkatapos. Saktong palabas na ako ng banyo nang mahagip ng mata ko ang isang bulto. Pero nawala rin 'yon bigla. Nagtaka ako dahil binuksan ko naman ang ilaw sa kuwarto namin bago ako pumasok sa banyo pero ngayon nakapatay na. Biglang bumundol sa dibdib ko ang kakaibang kaba. Hindi kaya sinundan ako ng matanda? Pinasadahan ko ng tingin ang sulok ng kuwarto pero walang tao. Nagmadali akong lumabas ng banyo at dumiretso ako sa pintuan. Ngunit bago ko pa mahawakan ang siradura ay may humawak sa kamay ko. Sa pag-aakalang si Eldon lang ang taong nagmamay-ari n'yon ay mabilis akong lumingon. Napalunok ako nang makitang nakangisi itong nakatingin sa akin. Napaatras ako at kinakabahang napahawak sa pinto. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinagpawisan ako ng malapot. Lalo na't dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Napalunok ako. Hindi puwedeng mangyari ang binabalak niya. At kung mayro'n man, hindi ko hahayaang magtagumpay siya. Sumigaw ako pero kaagad din niyang natakpan ang bibig ko. Nagpupumiglas ako nang hilain niya ako papunta sa kama. Nakangisi pa rin siya, tila ba'y sinaniban siya ng masamang ispirito. Namumula na rin ang mga mata niya. Kitang-kita ko iyon dahil nakabukas ang ilaw ng banyo. Mabuti na lang at nakalimutan kong isara iyon dahil sa taranta na ako kani-kanina lang. Patuloy pa rin akong nanlaban sa kanya. Sumakit bigla ang tiyan ko dahilan upang mamimilipit ako sa sakit. Hinakawan niya ako sa buhok. Nagtangka akong sumigaw pero gaya kanina, tinakpan niya ang bibig ko. Hawak ko ang tiyan ay may nakapa akong basa sa parteng ibaba ng hita ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang dugo ang nasa kamay ko. "Tulong!" Nakita kong naalarma siya kaya mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Kumikirot na rin ang tiyan ko. Sinubukan kong gumapang at sa awa ng Dios ay nakarating ako sa b****a ng pinto. Doon ay sumigaw ako ng saklolo bago mawalan ng malay. *** Nagkamalay ako sa ospital. Masakit pa rin ang tiyan ko pero hindi na kagaya kanina. Nasa tabi ko si Eldon, madilim ang mukha. Nagtagis ang mga bagang. Gumagalaw ang panga. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Masyado siyang seryoso. Iniisip pa rin ba niya ang nangyari kanina? "Are you okay?" Nasa tono ng boses nito ang pag-aalala. Nginitian ko siya at hinawakan sa mukha. Walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. "Ayos na ako." Yumuko siya at hinalikan ako sa labi. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Kate. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Mataman siyang tiningnan ni Eldon. Lumapit siya sa mesa, inilapag ang dalang prutas. "Kumusta ka na, ayos lang ba si baby?" Tumango ako. "Okay na ako. Si Lorenzo ba nakulong na?" Direkta kong tanong. Nararamdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Eldon sa kamay ko. Bumuntonghininga si Kate. "Hindi. Tumakas siya kasama ang kanyang anak na si. . ." Hindi natuloy ang sasabihin ni Kate nang bumukas ulit ang pinto. Nagkatinginan kami nang makita si John kasama si Sofia! Napaawang ang labi ko nang akbayan ni John si Sofia sa mismong harapan pa namin. Ano na naman kayang binabalak ng babaeng ito? Bakit bigla na lang ay magkasama sila ni John? Mga katanungan na kailangang bigyan ng kasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD