CELINE POV
Nilapitan ako ni Sofia. Walang katao-tao sa kinaroroonan ko. Nagpaalam si Eldon kanina na pumasok sandali sa loob. Ang papa at mga kapatid ko ay nagpahinga na. Hinintay ko naman si Kylie dahil hindi pa sila nakauwi ni Erik. Ang mga guard ay tulog na.
Hindi ko alam kung sinadya niya ba talagang makipagkaibigan sa ex ko itong babaeng 'to para makaganti sa akin. Sa amin ng asawa ko.
Bigla akong kinabahan sa sarili kong naiisip. Pero hindi malabong mangyari 'yon lalo pa't galit na galit siya sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko nang naramdaman kong sumipa ang baby ko.
Napangiti ako at napansin iyon ni Sofia. Peke siyang ngumiti. "So, kailan ka manganganak?" Nilagok niya ang natirang laman ng alak sa hawak niyang baso bago inilapag sa mesa. Nasa labas pa rin naman kami ng bahay.
Alanganin akong ngumiti. Hindi ako kampanti kahit pa sinabi niyang nakapag-move on na siya sa asawa ko. Malakas ang kutob ko na ginamit niya lang si John para makalapit sa aming mag-asawa.
Tumikhim ako. "Dalawang buwan mula ngayon," sagot ko. Hilaw siyang ngumiti. Nilaro-laro ang hintuturo. Mayamaya pa ay nilapitan na kami ni Eldon.
"Lets go inside." Isang tingin pa kay Sofia bago ko siya tinalikuran. Nakasalubong pa namin si John sa pinto. May kausap yata sa cellphone. Nagpaalam na rin sila. Bumuntonghininga ako. Pagdating sa sala ay malinis na. Nakaayos na lahat.
"Iinom lang ako ng tubig," untag ko sa asawa ko. Bahagya niyang niluwagan ang paghawak sa baywang ko. Pero nakasunod pa rin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Mauna ka na sa kuwarto. Susunod naman ako."
"Sabay na tayong aakyat," maawtoridad niyang sabi. Hindi na lang ako nagsalita at dumiretso na sa kusina. Pakiramdam ko mauubusan ako ng lakas dahil sa mga nangyari ngayong araw. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Sofia. Mayamaya pa ay dumating si Kate at hinahanap agad ako. Rinig ko kaagad ang malakas niyang boses kahit nasa labas pa lang siya ng bahay.
I sigh. Umupo ako at ipinagpatuloy ang paglagok ng tubig.
"Celine. . ."
Awtomatikong napalingon ako nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Kamuntik ko pang maibuga ang iniinom kong tubig.
Para naman kasi siyang galing sa gyera. Buhaghag ang buhok.
"Wala bang suklay sa inyo?"
Inirapan niya lang ako at inagaw ang hawak kong tubig. Napaikot ko na lang ang dalawang mata ko dahil sa inasta niya. Akala ko magagalit siya pero hindi. Nagpasalamat pa siya kay Eldon dahil sa ginawa nitong pagpapakulong sa fiancee niya.
"Nagmamadali ako. Nakulong na si Lorenzo, ang nakapagtataka dahil nagkusa siyang sumuko sa mga pulis. Pero ang anak niya hindi pa rin malaman kung saan na ito napadpad."
Kumuyom ang mga kamao ni Eldon. Gumagalaw rin ang panga. Tumayo ako at nilapitan siya. Si Kate naman ay umupo at nagsimulang tawagan ang kanyang ama. Mula rin nang malaman nito ang tungkol sa ginawa ni Lorenzo ay hindi na nito pinagpipilitan pa ang anak.
"Ayos lang 'yan. Mahahanap rin natin si Rachel," sabi ko. Hindi na namin pinauwi si Kate. Dilikado pa sa kanya kung uuwi siya mag-isa.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Eldon bago tuluyang pumasok sa kuwarto namin.
***
(THIRD PERSON POV)
Naalimpungatan si Sofia nang makarinig ng mahinang katok sa kanyang inuupahang apartment. Aniya sa isip ay wala naman siyang inaasahang darating na bisita. Para masagot ang sariling tanong. Sinipat niya ang nakasabit na orasan sa dingding. Madaling araw pa lang. Tumayo siyang pupungas-pungas upang mapagbuksan ang taong nasa labas ngunit laking gulat niya nang mapagsino ito.
"I-ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" sunod-sunod niyang tanong sa bisitang hindi niya inaasahan.
Ngumisi ng nakakaloko ang babae at ito na mismo ang nagpresintang pumasok sa loob ng. Nakaramdam ng ibayong takot si Sofia. Wala siyang kasama ng mga oras na iyon.
Sa isip niya, lalaban siya kung kinakailangan. Tutal parehas lang naman silang babae. Ang sumunod na nangyari ay hindi inaasahan ni Sofia. Hinila siya ng babae papasok sa kuwarto at marahan siyang pinahiga.
May hinugot na patalim sa bahaging likuran nito. Habang dahan-dahang gumagalaw ang isang kamay nito sa iba't ibang parte ng katawan niya ay nakatutok rin sa kanya ang patalim na hawak nito sa kabilang kamay ng babae.
"Ano'ng gagawin mo sa akin?" nahintakutang sigaw ni Sofia. Ngunit tanging malakas na pagtawa lamang ang iginanti ng kanyang bisita.
Nagpupumiglas ang dalaga subalit masyadong malakas ang bumihag sa kanya. Halatang sanay sa bakbakan ang babae base na rin sa pangangatawan nito. Iginapos siya sa kama at dahan-dahang tinatanggal ang saplot niya sa katawan. Nakangisi pa ang babae habang inisa-isang sinuyod ng mata nito ang iba't ibang parte ng katawan niya.
"Hmm. Ang sarap-sarap mo. Matikman nga."
Nanlaki ang mga mata ni Sofia sa narinig. Ngayon niya lang napag-isip na baka ito nga ang salarin ng pagpatay sa mga kababaihan sa kabilang apartment kung saan nakatira si Celine noon.
Kung gano'n mapanganib ang taong nasa harapan niya ngayon. At nasa panganib ang kanyang buhay. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matakasan ang taong baliw na sa kanyang paningin.
"Maawa ka, lahat gagawin ko huwag mo lang akong saktan," pagmamakaawa ni Sofia. Sumilay naman ang kakaibang ngiti sa labi ng kaharap.
"Sure ka, kahit ano?"
Tumango siya. Bahagyang bumangon malagkit niyang pinasadahan ng tingin ang huli.
"Kalagan mo ako, paano tayo makagalaw ng maayos nito kung tatalian mo ako?" kunwari nagtatampo niyang sabi. Namilog naman lalo ang nga mata ng babae.
Dali-dali naman nitong tinanggal ang nakatali sa kamay niya at naghubad ng saplot sa katawan. Habang abala sa ginagawa ang naturang babae ay lihim na kinuha ni Sofia ang kanyang cellphone sa ilalim ng kanyang kama at nagmadaling pinindot ang numero ni John.
Hinayaan niya lang na naka-on iyon. Alam niyang sasagutin siya kaagad ng lalaki. Nang matapos na sa ginagawa ang babae ay lumapit ito sa kanya. Masuyo siyang hinalikan sa labi. Nandiri man ay nagpaubaya na lang siya. Iyon lang tanging paraan niya para matakasan ang babaeng bumihag sa kanya.
"Oh, ang sarap mo pala. Mas masarap ka pa sa ibang babaeng natikman ko."
Napaikot ni Sofia ang mga mata sa kawalan. Hindi napansin iyon ng babae dahil abala ito sa ginagawang paghalik sa kanya.
Ilang sandali pa ay naramdaman ni Sofia ang kamay ng babae sa maselang bahagi ng katawan niya. Pinilit niyang labanan ang kakaibang nararamdaman. Tila bay napapasunod siya sa bawat haplos sa kanya ng babae. Napaungol siya na ikinangisi pa ng babaeng nagpapaligaya sa kanya.
Napairap siya nang namnamin ng babae ang p********e niya. Ngumisi si Sofia nang dahan-dahang tumayo ang babae at hinila siya patayo. Doon ay nakaisip siya ng paraan.
"Saan tayo pupunta? Hindi ba puwedeng dito na lang sa kama para malaya tayong makagalaw?" malandi niyang tanong. Nandidiri siya sa babaeng kaharap. Ilang sandali pa ay naririnig niya ang mahinang pagbukas ng gate. Nabuhayan siya ng loob. Nakiramdam siya, mabuti na lang at hindi nahalata ng babae na may dumating.
Hinaplos ni Sofia ang katawan ng babae. Napaigtad ito lalo na nang mapadako ang kamay niya sa pagitan ng dalawang hita nito. Napapikit pa lalo ang babae nang bahagya niyang idiin ang kanyang kamay. At nang makitang sarap na sarap ito sa kanyang ginagawa ay doon niya sinikmurahan ang babae, at dahil do'n ay malakas itong napasigaw.
Namimilipit sa sakit ang babae. Nanlaki ang mga mata nito nang sa isang iglap lang ay bumukas ang pinto at iniluwa roon si John kasama si Eldon. Matalim ang tinging ipinukol ni Eldon sa babae. Ni wala silang pakialam kung hubo't hubad ito. Napalunok si Sofia nang maalalang pati siya ay walang saplot sa katawan.
"f**k you!" duro ng babae kay Sofia. Ngumisi si Sofia at sinampal ng malakas ang kausap.
"You b***h!"
Makalipas ang limang minuto ay nagsidatingan na ang mga pulis. Hinuli ng mga awtoridad ang babae na walang iba kundi si Rachel. Napaamin rin nila kalaunan na ang babae ang mastermind sa lahat ng nangyaring p*****n malapit sa apartment kung saan nangungupahan si Celine noon.
"Lesbian na nga, kriminal pa. Nakakadiri ka!" singhal ni Sofia habang hila-hila na ng mga pulis ang naturang babae.
Nakahinga ng maluwag ang lahat, lalong-lalo na si Celine.
CELINE POV
Tanghali na nang magising ako. Wala na rin si Eldon sa tabi ko, pero may iniwang umuusok sa mesa. Nakaramdam agad ako ng gutom. Tumayo ako, sinilip ang nakahain. Sinangag na kanin, pritong hotdog at itlog. May gatas na ring nakahanda. Napangiti ako. Maasikaso talaga itong asawa ko.
Nagmadali akong kumain para makaligo. Ilang minuto ang matuling lumipas ay tapos na rin sa wakas. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang pumasok si Kylie. Umiiyak at nanginginig sa takot. Napasinghap ako nang yakapin ako ng kapatid ko. Nakasunod rin s Madel sa kanya.
"Ano bang nangyari sa inyo?" tanong ko. Iyak lang ang tanging sagot sa akin ng kapatid ko.
Kumalas ako sa yakap niya at iginaya ko siya papunta sa kama. Pinaupo ko siya at pinainom ng tubig, nang sa gano'n ay mahimasmasan siya.
Tiningnan ko si Madel. Halatang wala ring alam. Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Erik. Gusot ang damit. Magulo ang buhok. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Alam kong may mali sa dalawa kaya pinatayo ko si Kylie at hinila palabas ng kuwarto. Sumunod si Madel, gano'n din si Erik.
Pagdating sa sala ay rinig kong tumikhim si papa. Tumayo at inundayan ng suntok si Erik. Napasinghap ako. Si Kylie naman ay nakayuko pa rin.
"What happen?" Mabilis na pumasok si Eldon upang daluhan ang kapatid. "Pa, ano'ng nangyari dito?"
Hindi sumagot si papa bagkus dinuro pa nito si Erik. "Ikaw gago ka! Matapos kong ipagkatiwala sa 'yo ang anak ko sa huli ay sasaktan mo lang!"
Nilapitan ni Eldon si papa. Habang si Erik naman ay panay ang tingin sa kapatid ko.
"Ako na po ang bahala pa. Kausapin ko lang si Erik." Umupo si Eldon na kaagad din namang sinundan ni Erik. Nagkatinginan ang dalawang magkapatid. Tila ba'y sa mga oras na ito ay nagkasundo silang lutasin kung ano mang problema ng bawat isa sa kanila.
Tumayo si papa. Dumiretso sa kuwarto nito. Sumunod si Madel. Kaming apat na lang ngayon ang naiwan sa sala. Umupo ako na hawak ang malaki ko ng tiyan. Sa susunod na buwan ay kabuwanan ko na.
"I'm so sorry for what happen. Hindi ko sinasadya." Awtomatik akong napatingin kay Erik. His hands was shaking na akala mo ba'y nababad iyon sa yelo ng ilang oras.
Hindi pa rin sumagot si Kylie. Tumayo ito at nagmadaling pumasok sa kanyang kuwarto.
"Kylie, please wait." Tumayo si Erik para sana sundan si Kylie ngunit pinigilan siya ni Eldon.
"Hayaan mo mo na siya." Tiningnan ako ni Eldon na agad ko rin naman iyon naintindihan.
Tumango ako. Pumasok ako sa kusina. Nadatnan ko si Ate Laila na may kausap sa cellphone nito. Lumapit ako sa fridge para kumuha ng malamig na tubig.
"Kumusta na si Kylie?"
Umupo ako at nagsalin ng tubig sa baso. Napahilot ako sa sentido. Sumasakit bigla ang ulo ko dahil sa nangyari. Mayamaya pa ay pumasok si Eldon. Niyaya akong pumasok sa kuwarto.
Bago tuluyang makaalis ay nakita kong sumilay sa labi ni Ate Laila ang matamis na ngiti.