??????? 14
??????
Ilang oras na akong naghihintay pero hindi pa rin sila dumating. Nag-alala ako sa kapatid ko. Napakabata pa niya para pagdaanan kaagad ang mga bagay na 'yon. Siguro nga, gano'n talaga ang magmahal. Kailangan nating masaktan para makita natin kung saan tayo mas matatag sa susunod nating laban.
I sigh. Napapikit ako ng bahagya. Nakaramdam ako ng gutom sa kahihintay. Bumaba ako para mag-meryenda. Alas tres na ng hapon pero ni anino nila hindi ko pa mahagilap sa loob nang bahay. Ang tanda ko, kaninang umaga pa sila umalis kasama ang asawa ko.
Napatingin ako sa b****a ng pinto nang biglang pumasok si Eldon. Pawisan at halatang pagod na pagod. Tumayo ako at kinuha ang bimpo sa balikat niya. Para siyang inaantok na pilit nilalabanan.
"Kumusta na sila?"
"Okay na. Wala ng problema."
Nagpatimpla siya ng kape. Lumapit sa akin at marahang hinawakan ang tiyan ko. Napapikit ako sa tuwing hinihimas ang umbok kong tiyan.
"Mahal. . ."
"Hmm."
"Sa tingin mo ba minahal na rin kaya ni Kylie si Erik?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko rin alam. At kung sakaling mahal na nga ni Kylie si Erik. Ano naman ngayon? Basta hindi lang niya sasaktan ang kapatid ko.
I sigh. "Wala namang pinipili ang pag-ibig. Saka hindi pa naman masyadong matanda si Erik para sa kapatid ko." Bata pa si Kylie. Disi-sais pa lang samantala si Erik 30's na. Kung titingnan mo nga rin naman ng mabuti ay parang tatay na niya ang lalaki. Lalo pa at maliit na babae lang si Kylie.
Pero sabi nga nila, age is just a number at walang makapagpigil niyon kapag nagmahalan ang dalawang tao.
Tumikhim siya at hindi na nagsalita. Niyaya akong pumasok sa loob. Nadatnan namin si Ate Laila na naglilinis ng kuko. Hindi siya kumibo. Nakailang hakbang pa lang kami nang bumukas ang pinto. Iniluwa roon sina Kylie at Erik. Magkahawak-kamay pa ang dalawa.
Isang tingin lang ang ginawa niya sa Ate Laila bago nilampasan. Tiningnan ko si Eldon na ngayon ay nakatingin sa kaiyang kapatid.
Ang ate naman ay hindi pa rin umimik. Nakaramdam ako ng kakaiba. May tinatago ba sila sa akin?
"Ano'ng nangyari? Bakit wala akong alam sa mga nangyari sa bahay na ito?"
Hindi sila sumgot. Kaya umupo ako sa tabi ni ate. Gusto ko sa kanya manggaling ang sagot sa aking tanong, dahil alam kong may kinalaman siya sa nangyari.
I sigh. "Ate, magsabi ka ng totoo. Ano ba talaga ang nangyari?"
Umayos siya ng upo. Si Eldon naman ay tumabi sa akin. While Erik follows Kylie into the kitchen. Naramdaman ko ang paghawak ni Eldon sa balikat ko. Pinisil-pisil niya iyon.
"Hon, wala na 'yon. Tapos na. Mahalaga sa ngayon ay okay na ang dalawa."
Rinig kong bumuntonghininga si ate. Mayamaya pa ay tumayo ito at dumiretso sa kuwarto niya.
Nagpakawala ako ng malakas na pagbuntonghininga bago nagpahatid sa kuwarto namin. Kailangan ko mag-relax. Sa ngayon hayaan ko na muna sila. Sabi nga ni Eldon okay naman daw. Ayaw ko muna mag-isip masyado, baka sa baby ko mapupunta lahat ng stressed ko.
"Maliligo lang ako. Stay here."
Humiga ako sa kama. Nakapasok na sa banyo si Eldon.
Tahimik kong pinagmasdan ang kisame. Hanggang sa unti-unting bumalik sa akin ang nakaraan. Ang nakaraan kong paano kami nagkakilala ni Eldon. Naalala ko bigla ang trabaho ko. Ano kaya ang nagiging buhay ko kung hindi ako natanggal sa trabaho bilang nurse? At hanggang saan ako maghahanap ng pag-i-extrahan? Gaya na lang pagiging dancer ko sa isang club.
Bahagya kong naipikit ang mga mata nang maalala ang trabaho ko. Mabuti na rin siguro iyon dahil kung hindi ako nakaalis sa lugar na iyon malamang hanggang ngayon ay magulo pa rin ang buhay namin.
Nagpapasalamat ako sa asawa ko. Dahil sa kanya, naiahon ko ang pamilya naming lugmok na. Nagbago rin ang papa. Ang dalawa kong ate may kanya-kanya na ring trabaho.
Nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa kabila ng lahat nang pinagdaanan ko ay hindi Niya ako pinabayaan. Maging ang pamilya ko.
Tinapunan ko ng tingin ang banyo. Lumalagaspas pa rin ang shower tanda na hindi pa tapos si Eldon. Hinatak na rin ako ng antok. Ilang minuto lang ay tuluyan na nga akong nakatulog.
***
Naalimpungatan ako nang makaamoy ng masarap na pagkain. Nilibot ko ng tingin ang buong kuwarto. Medyo may kadiliman na rin sa labas. Napasarap tuloy ang pagtulog ko. Bumangon ako at nagmugmog. Mainit pa 'yong pagkaing nakalatag sa mesa.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto. Ngumiti siya habang dahan-dahang lumapit sa akin.
"Kain na. Bukas may pupuntahan tayo," aniya. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Saan?"
"Basta. Surprise na lang." Tumalikod na at nagtungo sa banyo. Nagkibit balikat na lamang ako.
***
Maganda pa rin. Walang pinagbago. Walang kakupas-kupas. Nandito kami ngayon sa Sanchez Resort, kung saan dito ako unang dinala ni Eldon noong panahong itinakas niya ako sa kapatid niya. Nakakatawa lang dahil sa ikalawang balik ko rito ay buntis na ako.
"Good Morning po," bati ng mga staff sa amin.
Nginitian ko lang sila. Hinawakan ako ni Eldon sa baywang. Habang ang isa niyang kamay ay bitbit ang maliit naming bagahe.
"Ser, sa taas po tayo. Nakahanda na po ang pinapahanda niyo," anang isang lalaki. Tinapunan lang ako ng tingin at umalis na.
Nagtataka kong tiningnan si Eldon. "Anong surprise iyon?" taas kilay kong tanong. Hindi niya ako sinagot. Bagkus hinapit lang ako sa baywang. Naiiling na lamang ako pero hindi ko pa rin maipagkaila na excited ako sa surpresang naghihintay sa akin.
Pagdating sa second floor ay walang katao-tao. Para bang sinasadya talaga. Kinurot ko sa tagiliran ang kasama ko na nagpatigil naman sa kanya sa paglalakad.
"What?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabihin mo na kasi. Nababagot na ako," sabi ko.
Lalo siyang nangiti. Hindi ko na lang pinansin. Pero bigla ay kinabahan ako. Hindi ko mawari pero may kakaiba.
Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.
"Are you alright?"
Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa balikat. Nangunot pa ang noo niya nang makitang nagtaas-baba ang balikat ko.
Nang hindi makatiis ay pinangko niya ako. Hindi iniinda kung mabigat ba ako o hindi. Sa huli, napapangiti na lamang ako.
Pagdating sa destinasyon namin ay nanlaki ang mga mata ko. Halatang pinagpaguran ang paglalagay ng mga desinyo. Magagandang bulaklak na naka-display. Mga balloons at iba't ibang pagkain. Natulala ako sa magandang tanawin. Mas bongga pa iyong desinyo nito kumpara sa mga simpleng date lang.
"Ano'ng mayro'n at bakit mo naisipan ang ganitong set-up?" kunot noo kong tanong. Hindi pa rin mapawi ang ngiti sa kanyang labi.
Tumalikod siya at dinampot ang cellphone. Kaagad itinapat sa tainga ang hawak na cellphone. Tumikhim at nagsalita.
Hindi ko na siya pinansin pa dahil abala ang mga mata ko sa paligid. May mga palamuti pang nakalagay sa itaas.
"What the f**k!"
Agad akong napalingon sa pagmumura ni Eldon. Iretable ito at madilim ang mukha.
Nilapitan ko siya. Mayamaya lang ay pinatay na niya ang tawag.
"Ano'ng nangyari?" nag-alala kong tanong. Iginaya niya ako sa upuan. Pinaupo ng maayos at nagsalin ng tubig.
"That crazy woman! May kalalagyan sa akin ang mga 'yan."
"Sino?"
Bumuntong hininga siya. Nang akmang sasagot na siya ay tumunog ulit ang cellphone niya. Hindi na pinatapos pa ang sasabihin sa kabilang linya.
Hinila ako papunta sa labas. Naguluhan man ay napasunod na lamang ako sa asawa ko.